Chapter 20
Amery's POV
"So, the angel became human and married the love of his life?" Nakakunot ang noo ng pangalawa at bunso naming pitong taong gulang na anak pagkatapos ng kwento ko. Tiningnan pa niya ako ng matagal na para bang pinagloloko ko siya.
"Yes Val, he did." Nakangiting sabi ko.
"But Mommy, why did he do it? He's already an angel. Everyone wants to be an angel." Kontra pa din niya sa akin. Hindi talaga makapaniwala sa kwento ko.
Kunsabagay, sino nga ba ang maniniwala sa mga nangyari? Kaya nga hindi na namin kinuwento ni Raehel ang mga nangyari. Sa mga anak namin, we told it as a tale. Kahit nga ako minsan hindi makapaniwala. Parang pakiramdam ko, panaginip lang ang lahat. Minsan, napapaniwala ko na ang sarili ko na hindi totoo ang lahat ng nangyari lalo na at wala nang ibang manifestation ng mga anghel o demonyo sa buhay namin. The last time we saw Afarin and Xiclav was during that day.
"Because of love Val. The angel did it for love." Napalingon ako kay Raehel na hindi ko napansin, nasa likod ko na pala. Yumuko siya at hinalikan ako ng mabilis sa labi bago kinuha sa akin si Val at kinarga.
Tumayo na ako mula sa sofa at sumunod sa mag ama ko. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa mga labi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. It has been 10 years. Ten years of happiness with my very own angel, my husband, my love.
Flashback
Namalikmata pa ako habang nakatingin sa wall na nilusutan nina Xiclav at Afarin. Gusto kong tumawa dahil sa wakas nakakita si Xiclav ng katapat niya pero hindi ko magawa dahil para hindi kapani-paniwala ang lahat.
"Rae...sampalin mo ako." Mahinang sabi ko sa nanlalaking mga mata.
"Sabihin mong hindi totoo ang lahat at nananaginip lang ako. Sabihin mong hindi ako nakakita ng isang demonyo at anghel at sabihin mong hindi ka anghel." Nagsimulang tumaas ang boses ko dahil sa pagbalik ng shock sa sistema ko.
"Totoo lahat Amery." Mahinahong sinabi niya sabay kuha ng kamay ko at banayad na pinisil. Bigla akong napalingon sa kanya tapos umiling iling.
"No...Oh my God!"
"Kahit ako, halos hindi din matanggap ang lahat pero nakita ko at narinig. Noong una halos hindi ko mapaniwalaan ang mga nakasulat sa papel but what happened a while ago confirmed the things that are written in the letter. Amery we were given a chance. A second chance." Hinawakan na niya angdalawang kamay ko at pinaharap ako sa kanya.
"Hindi Rae, you've sacrificed so much for that chance. Why? I am not worth it." Ilang libo o baka milyon pang kaluluwa ang pinagpalit niya para sa akin. I felt awful, I don't deserve his sacrifice.
"I love you." Madamdaming sabi niya habang nakatingin sa akin at naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa lakas ng heartbeat ko pakiramdam ko hindi na ako makakahinga ng maayos. Naramdaman ko ang pag iinit ng mga mata ko and I fight the urge to cry. Why did I ever do to deserve him? To be worthy of his sacrifice.
"Raehel..." Tuluyan nang tumulo ang luha ko and he wiped it with his fingers.
"Amery sa pagmamahal hindi na kailangan ng maraming rason. You don't need to have a valid and concrete reason to do something for your loved ones. Hindi kailangang may kapalit palagi ang lahat ng effort. You do it because you love them and doing it makes you happy. Kungmangyayari ulit ang mga nangyari, I would still do the same. I would still choose to love you, to sacrifice for you. Minsan ang hirap intindihin pero ganun ang totoong pag ibig. You don't have to understand it, you just have to feel it." Hinawakan na niya ang magkabilang pisngi ko at pinupunasan ang luha ko na panay na ang tulo.
"I'm sorry Raehel.."
"If you love you don't ask why, you don't justify your love. Hindi mo kailangan ng rason para magmahal Amery katulad nang hindi mo kailangan ng rason para maniwala na may Diyos. You don't have to question God's power, same with love. You don't have to say sorry dahil hindi ako nagsisi na minahal kita." Tuluyan na akong humagulgol at yumakap sa kanya. I pour out my emotions on his shoulders.
Tama siya, hindi ko na kailangang magtanong at maghanap ng rason. Kailangan ko na lang tanggapin at magpasalamat sa sakripisyo niya at sa chance na binigay sa amin dahil hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon. Hindi lahat nabibigyan ng second chances kaya kapag nabigyan ka ng second chance, make the most out of it.
"Love." Napatingin ako bigla kay Raehel nung tinawag niya ako at napatingin sa natutulog na anak namin. Namangha ako kung papaano niya nagawang mapatulog agad si Val. Kanina hirap akong patulugin siya kaya nga napakwento ako. Lumapit ako sa kanya at sabay namin pinanood ang tulog ng na anak namin.
"Rae, sa tingin ko, you didn't really lost all of your powers." Nakangiting napatingin siya sa akin.
"Anong powers?" Inakbayan na niya ako at iginiya palabas sa kwarto ni Val.
"You have this power to make me calm. Dati kapag nagpapanic ako or agitated ako, you will just say some soothing words at makakalma na ako. Maybe that power stayed with you."
"Or maybe you just love me that you felt a sense of security whenever I'm near." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Andun na tayo sa mahal kita at secure ako sa'yo. Pero naaalala ko na ginamitan mo ako ng powers mo nung kaluluwa pa lang ako." Humarap ako sa kanya at sinimulang alisin ang tie niya. I love doing it. Kapag umuuwi siya galing office, ugali ko nang alisin ang tie niya at ang polo niya. Ugali ko na ding ipaghanda ang mga gamit niya bago maligo at matulog. I find joy in those small things.
"You see what you did with Val? Alam mo ba kung gaano kahirap patulugin yun ngayon? Samatalang ikaw, kinarga mo lang siya papasok sa kwarto niya, tulog agad." Tatalikod na sana ako para ikuha siya ng shirt sa closet nung hinawakan niya ang braso ko kaya napaharap ako ulti sa kanya.
"Dahil siguro nararamdaman niyang kailangang magsolo nina Mommy at Daddy niya." Ang kamay niyang nakahawak sa braso ko lumipat na sa bewang ko at hinapit pa niya ako lalo para magdikit ang mga katawan namin.
"How are you my lovely wife?" Napangiti ako at tumingala sa kanya.
"Missing you." Ikinawit ko na ang mga braso ko sa balikat niya.
"I've missed you too." He softly said before he lowered his face and claimed my lips. Napapikit ako pagkalapat ng mga labi namin.
I felt the familiar tingling sensation as our kiss deepened. I felt a sense of contentment as his body molded mine. It has always been like this with Raehel and me.
"I love you Amie." He said as we catch our breath.
"I love you too Rae." He again lowered his head and claimed my lips before he scooped me up and carried me to our bed.
Hindi ako magsasawa, hindi ako magrereklamo dahil binigay na sa akin ang lahat ng kailangan ko. Wala na akong mahihiling pa.
A/N: Last Chapter before Epilogue.
BINABASA MO ANG
The Death and Life of Amery
FantasíaA story about death, life and love. A story about what really matters in life.