Chapter 16
Raehel's POV
The place is deserted and eerily quiet. This used to be a joyful place but now, not even a single angel is in sight. Walang anghel ang nalalagi sa lugar. Iniiwasan hangga't makakaya dahil nagdadala ng kalungkutan ang lugar na ito. Nagdadala ng kalungkutan sa lahat ng mga nakaalala at nakasaksi sa mga nangyari. Ang pangyayaring naging sanhi kung bakit nagbago ang lahat ng bagay. The event that divided the ranks of angel, the event that cause the creation of mankind. Ang rason kung bakit tuluyang naisara ang lahat ng pintuan ng langit. All because of greed for power and pride. Hindi lang ang mga itinakwil ang nagdusa, hindi lang ang mga nagtaksil ang nasaktan, hindi lang ang mga ipinatapon ang nagdalamhati. Lahat ng naiwan at umalis. Kaya naman, wala nang gustong bumalik sa lugar na ito. Ang lugar kung saan nangyari ang pakikipaglaban. The place of the great rebellion.
Pero ito ako ngayon, bumabalik sa lugar na ito dahil ito lang ang nag iisang daanan papunta sa kawalan. Ang lugar sa pagitan ng langit at impyerno. A place void of everything, void of light and darkness.
Napabuntonghininga ako nung makarating ako sa harap ng isang napakalaking pinto. Ang pinto na palaging bukas mula sa loob at hindi mabubuksan nino man mula sa labas. Isa sa mga naging desisyon pagkatapos ng laban ay ang pagpapanatiling bukas sa pintuang ito. To avoid rebellion, any angel that remains to His service is free to go. Kung gugustuhin ng isang anghel na pumunta sa impyerno at magsilbi kay Lucifer ay pupwede pero ang mga anghel na ipinatapon ay kailanman hindi na makakabalik sa langit.
Lucifer, the light bearer. Madami ang nasilaw sa kanyang liwanag, madami ang sumunod, kahit siya nasilaw sa dala niyang liwanag. One-third ng mga anghel ang itinakwil dahil sa pagsunod sa kanya. Since then, he no longer bears the name Lucifer, he is called Satan the Prince of Darkness, the name Lucifer have been erased for eternity. He had forgotten that just like any angels he is created to serve the Almighty and no matter how blinding his light is, he could and will never equal his creator. Michael had been merciless in his judgement, firm to the cries of the fallen ones.
Isang kahangalan ang ginawa ni Lucifer. Isang kahangalan kung inisip niyang kayang takpan ng kadiliman ang liwanag, for darkness itself won't exist if there is light. Darkness only manifests during the absence of light. Pero nangyari na ang lahat. Ang rebellion ay simula pa lang. Ang pagtatakwil ay hindi katapusan ng lahat. Until now, the war between the demons and angels is on-going. The war of good and evil will never cease for as long as there are humans. Ginagawa ng mga demonyo ang lahat para patunayan na kaya nilang puksain ang kabutihan at ginagamit nila ang mga tao para patunayan ang bagay na yun. Gusto nilang, katulad nila, tatalikuran din ng mga tao ang naglikha sa kanila. Because indeed, humans are the most loved creatures of God, and being thwarted by your beloved is the most painful. That's how devious they are.
Pero ang nangyari kay Amery ay isang pagtataksil. Pagtataksil ng isang anghel dahil walang kakayahan ang kaluluwa ni Amery na makadaan sa lagusan. She's not yet dead. Unless, she is accompanied by an angel. Pero bakit sa impyerno siya dinala?
"Lycus" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Afarin. Tumatakbo siya papunta sa akin. Ni hindi niya naisipang gamitin ang pakpak niya.
"Afarin." Nung makalapit na siya sa akin nakita ko ang luha sa mga mata niya. A seer is crying. Hindi basta basta umiiyak ang mga seer dahil higit sa lahat sila ang nakakaalam ng mga mangyayari. Alam nila ang kahihinatnan. Walang rason para iyakan nila ang mga bagay na alam nila hindi masama ang kahihinatnan.
"Lycus...wag." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Wag mong buksan."
"Alam kong alam mo na mangyayari ito Afarin. Alam mo kung ano ang magiging desisyon ko." Yumuko si Afarin at iniwas ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
The Death and Life of Amery
FantasyA story about death, life and love. A story about what really matters in life.