Nasa isang lilim ng isang malaking puno kami ngayon.
Nagpapahangin,para mawala ang stress na kagagawan ni Mokong(bago niyang name) at dito na rin kami kumakain,mahirap na kapag sa cafeteria,maraming matang umaaligid.
Bakulaw talaga ang lalaking iyon.Matagal na kaya akong hindi nakakakain ng mangga,inagaw niya pa...tch..
Simula kasi noong lumipat si Auntie dito sa Quezon hindi na ako nakakakain ng fresh fruits.Ang mahal kaya ng kilo nito dito.
Nakalimutan ko palang sabihin,nakatira lang po ako sa bahay ng Auntie Elizabeth ko.
Hindi ko po kasi alam kung nasaan na ang mga magulang ko.Sabi ni auntie nalunod sa sabaw si papa, si mama naman nawala ng parang bula.
Mabait naman si auntie kahit papaano.
May kaisa-isa siyang anak,si Summer,hindi ko nga alam kung saan siya nagmana.
Mainit ang dugo niya sa akin.Ipinaglihi sa sama ng loob.
Fan din siya ng k-pop.Lahat ng gusto niya nakukuha niya.Nagtatrabaho ang tatay niya sa ibang bansa.Buti nga siya at kompleto ang pamilya niya,eh ako?
haaaaayyyy.... buhay nga naman parang lifeOkay enough for that,back to the present.
So,nandito nga kami ngayon,kumakain.
“Girl,tapang mo kanina ah...wala pa kayang tao o halimaw man lang ang nakagawa ng ganoon kay Prince M.”-Frysyn
“Oo nga,bakit mo ba ginawa yun?”-Shenyei
“Mag-expect ka nalang bukas sa punishment mo.”-Jewel
“Ihanda mo na ang sarili mo.”-Jessica
“Lagot ka bukas,good luck na lang.”-Ronnie,nakatulong ka ng malaki =__=
Ano ako sasabak sa digmaan?
“Kung maka-advice kayo parang katapusan ko na bukas.”-sabi ko,hindi pala ‘parang’....katapusan na talaga....uwaaaaahhh!!!!...↑o↑
“Bakit ba kasi kayo ganyan makapagsalita?huh?”-sabi ko
“Eh paano ba kasi yan girl ang Han family kasi ay isa sa mga biggest contributers ng school na ’to.”-Frysyn
“Half owner din sila nito kaya humanda ka na sa punishment mo.”-Jewel
“Sa lahat ng pwede mong mabangga siya pa?Ang anak lang naman ng half owner ng school na ito.tch!”-Shenyei
“Ah,basta!Wala akong pakialam sa gagawin ng mokong na yun,siya ang pasimula ng lahat ng ito kaya hindi dapat ako matakot sa kaniya,siya pa ata ang matakot sa akin.”-pampalakas ko ng loob ang mga sinabi ko
Sa totoo lang, natatakot talaga ako sa pwedeng mangyari sa akin,paano nalang kung mawawala ang scholarship ko,hindi na ako makatatapos ng pag-aaral,wala na akong maitulong kay auntie,tapos....tapos magiging miserable na ang buhay ko...uwaaahhh...
Basta wala akong kasalanan..
Sabi nga nila “’Pag nasa katwiran,ipaglaban mo!” talaga,ipaglalaban ko talaga para na rin sa precious kong buhay..~•~•~•~Kinabukasan~•~•~•~
Prince’s M (or should I say Mokong’s)POV(request ni Loraine)
Grabe napuyat ako kagabi,ang daming nangyari.Kailangan na naming mag-shoot sa isa naming kanta.
Wala pa nga akong matinong alalay.Matatanda na kasi mga katulong sa mansion at mahihirapan sila sa mga ganitong bagay.Uuhhh!...nakaka-stress mababaliw na ako!
Isa pa tong babaeng ’to akala mo naman kung sino siyang abogado o ano.Kung maka-judge, abot ang kalawakan.Problems ...tch!
I'm on my way na sa school ng may maalala ako.
Humanda ka sa aking babae ka.
Naalala ko kasi kung sino man ang magkakasala sa akin,bibigyan ko ng parusa o di kaya mae-expel sa school kung malala.
Anak lang naman ako ng isa sa mga may-ari ng school.
Haha.....Loraine’s POV
Naglalakad na ako ngayon papuntang school.Napuyat ako kagabi sa kaiisip sa gagawin ko.
Malapit na ako sa gate.Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako sa pagpasok o hindi na.Bahala na to.
“Peeeep!!!”
“Ay palakang may tatlong ulo!”
Gago ’to ah,ang lawak-lawak ng daan dito pa siya dadaan sa sidewalk.May plano ba ’tong patayin ako?
“Hoy! Kung magpapakamatay ka,huwag kang mangdamay ng ibang tao!Gago ka!”
sigaw ko,oo,sumigaw talaga ako,sa ginawa niya sino ang hindi makakabahan?Nagpatuloy siya sa pagmamaneho at pinark ang kotse niya sa parking lot ng school.Syempre sinundan ko para malaman ko kung sinong asungot na ito ang muntik na akong patayin.
Nilapitan ko ang kotse niya at pinagpupokpok ang glass.
“Hoy!Akala mo makakatakas ka pa?Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin.Bumaba ka nga diyan!”
At bumukas ang pintuan ng sasakyan at nasalubong ko ang mukha ni mokong na nakakunot.
Oo siya....
“Hoy!Akala mo ba palalagpasin ko ‘tong ginawa mo?pwes nagkakamali ka!”-sigaw ko sa kaniya
“Baka nakakalimutan mo or sadyang bobo ka lang,may atraso ka pa sa akin.”-mokong
“Hoy!Baka nakakalimutan mo rin na ikaw ang nagsimula,kaya kita nasigawan!!ikaw ang bobo!”-ako
“Hahahaha....”-mokong
Ano ‘to tumatawa siya.... haaaay...gwapo nga siya.....0__0
ay erase!!..erase!!! hehe^__^
ang ibig kong sabihin... ang GWAPO nyang ihampas....Oo ...yun ..yun“Baka nakakalimutan mo rin na anak ako ng may-ari ng Academy na ‘to at kahit anong oras pwede kitang paalisin dito...gusto mo ba yun?!”-mokong!!!
“Hindi!!!”-ako
“So...diyan ka na...haha”-mokong
Naglakad na siya nang....
“Sandali....may sasabihin ako!”-ako
“Oh ano yun?Dalian mo my time is gold ”-mokong
“Ahhmmmm......hu-humihingi...n-na a-akongtawad..”
“Huh?Is that a loser's language? Well I'm not a loser so I can't understand you...sorry”-mokong!!!!pag di ako nakapagtimpi hahampasin ko talaga to!!!
“Sabi ko po humihingi po ako ng tawad kung ano mang kasalanan ang nagawa ko po sa inyo...pwede ring ang kasalanang ito ay hindi ako ang gumawa....total mabait naman ako...ako ang HIHINGI nalang ng tawad...at kung maaari ay huwag niyo po akong papaalisin dito...mahal na prinsipe..prinsipeng bakulaw...”-binulong ko na ang huling sinabi ko baka paalisin na agad ako nito ngayon.
“Ok...sa isang kondisyon..”
“Kondisyon?! Sa haba ng speech ko ...kondisyon???Ano ‘to lokohan?”-ako
“Bakit? Ayaw mo? Sige!Kung ayaw mo edi------”-mokong
“Sige na!sige na!Ano ba ang kondisyon mo?”-ako
Paano ba naman kasi alam ko na ang iniisip niya kapag hindi ako pumayag....bakulaw talaga!!!!!!!
“Good girl...Haha...
good....nakakaintindi ka na pala...”-mokong“Ano ba kasi yun....bilisan mo!may time is diamond!”
“Ok sabi mo...”
Ano kaya ang ipapagawa nito...haay kung ano man yun sana magawa ko kung hindi....Goodbye Winston Gal Academy...haaaaaaaay ......
*************************
Hi readers!!!musta na kayo?
Sorry medyo bitin ‘tong chapter na ‘to.Sa next chapter ko nalang ipapatuloy.So,see ya!
Don't forget to comment..and vote!
@samaki_210
BINABASA MO ANG
FANGIRL PA BA?
FanfictionHello!Pakilala muna ako sa inyo.Ako nga pala si Loraine Gwen Santibañez...nakatira ako sa bahay ko...di joke lang ...nakatira ako sa beautiful city of Quezon. Fan ako ng K-pop lalong-lalo na sa mga boy group...cute at astig kasi sila lalo na kapag s...