Chapter 5:It begins

2 0 0
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa room ko,dala-dala ang mga gamit ni mokong.Oo,gamit niyang mabibigat.

Ang ipapagawa kasi niya sa akin ay ang pagiging “instant alalay” at hindi ko alam kung kailan matatapos.

Sunod-sunuran niya ako.Simula pa lang nahihirapan na ako,paano na lang ako tatagal?..haaaayy..

Nauna siyang maglakad at pumasok na kami sa room namin.

Pagpasok namin,sari-saring mga bulungan ang tumambad sa akin.Nagbubulungan pa eh rinig na rinig naman.

“Bakit niya dala ang mga gamit ni Prince M?!”-g1

“Close ba sila?!”-g2

“Kapal niya lang...feelingera..”-g3 or should I say Alexa.

Katulad ni Summer mainit din ang dugo niya sa akin.Kung mga kutsilyo lang ang mga tingin niya siguradong patay na ako.

Hindi niya ako pinapansin ‘non.Kapag ngumungiti ako sa kaniya,nakataas lang ang kilay niya at nakasimangot.

Kung ganon siya sa akin noon mas lumala ngayon.=__=

“Just put it here”-sabi ni mokong na nakaupo na

Inilapag ko naman ang mga gamit niya at pumunta na sa upuan ko.

Bigla naman akong nilapitan ni Jewel.

“Uy!girl..anyare?kamusta ang parusa mo?mukhang maganda ang punishment mo ah!!”-Jewel na malapad ang ngiti

“Paano mo naman nalaman na paparusahan talaga ako?”-sabi ko at nag-cross arms

“Si Prince M kaya ang binangga mo,paano ko hindi malalaman na pinarusahan ka talaga?At isa pa may ganyan ding nangyari last year...”-Jewel

“Huh?Anong ibig mong sabihin?Ano ba ang nangyari last year?”-nagtataka kong tanong

“Eh kasi last year,bago pa ‘yan dito si Prince M.Palaging mainitin ang ulo niyan.Palaging nasasangkot sa mga away at gulo.Pero ang pinakamalala ay ang parusa na ibinigay niya sa isang babae...”

“Anong nangyari?!”-tanong ko

“Ang pangalan ng babae ay Samantha de la Cruz.Mayaman siya at isa siya sa mga prinsesa ng school.
Magkaklase sila noon ni Prince M.Nagkaroon din sila ng alitan at hindi ko alam kung paano sila nagkasundo....”-Jewel

“Ano naman ang malala dun?Parusa ba yun?Mabuti nga at nagkasundo na sila.”-sabi

“Wait ka lang hindi pa ako tapos.So,ayun nagkasundo sila.Naging close at mas naging close sila.Then one day,nakita ko na lang si Samantha na umiiyak.Tinanong ko kung bakit,sabi niya wala lang daw.Wala lang daw tapos iyak siya ng iyak halos bumaha na ang buong academy ‘non(figuratively speaking).Nalaman ko lang ang totoong nangyari sa classmate kong tsismosa.”

“Ano na,Ano na,Ano na!!!”-niyuyogyog ko na si Jewel

“Sandali lang...eto naman...at yun na nga----”-Jewel

“Okay class,good morning,our lesson for today will be ______”

Hindi na nakapagpatuloy si Jewel sa kwento niya nang pumasok si prof sa room.Kj talaga ‘tong si sir.hmp!

“Mamaya na lang Loraine.”-Jewel

“K”-sabi ko

Although sa Monday pa ang formal class,nagsisimula na si prof magdiscuss para kaunti nalang ang tatalakayin namin for this lesson.

~•~•~•Pagkalipas ng ilang oras•~•~•~

*ting*ting*ting*

Tumunog na ang bell para sa susunod na subject.Saktong vacant time pa namin.

FANGIRL PA BA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon