Umuwi na naman kami ng may P1500 na dalda-dala.
Kung ano yung nangyari kahapon, "yon din ang nagyayari ngayon.
Napagdesisyonan ko na gagawin ko ang pinapagawa sa'kin ni Ma'am Estrella. Pero hindi ko ipapasa sa kanya, kundi ipapasa ko sa principal para deretcho kaagad sa kolehiyo na gusto kong pumasok.
ito ang simula:
Ang pangalan ko ay Mia Concepton at ako'y 16 taong gulang. ako'y kasalukuyang nag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Maria Klara ng Orani, Bulacan.
Kung iyong mamarapatin, itong kasulatan na ito'y hindi para maisama ko sa entrance exam patungo sa kolehiyo. Ito ay paglalahad lamang ng mga karanasan na sa tingin ko ay kakaiba, natatanging karanasan kumbaga, mula sa lahat ng mga kabaraang babae na katulad ko.
Ang pamilya ko ay mahirap lamang katulad ng milyung-milyong pamilya sabuong bansa at kami ng kapatid ko ay nagtatrabaho katulad ng ilang daang kabataang nagtatrabaho kung saan-saan at kung anu-anong trabaho sa buong bansa.
Pero kakaiba ang trabaho namin ng kapatid ko.
Laganap man ito at patago pero kakaiba pa rin.
BINABASA MO ANG
Araw-Araw
Genel KurguIsang maikling bintana sa buhay ng isang batang babae na nabubuhay sa kahirapan.