LUNES

61 1 0
                                    

"O. Eto bayad. Sa susunod na lang," sabi ni Emilio sakin sabay pagbigay ng 1500 pesos sa kamay ko.

"Pero Kuya Emilio, wala kaming pamasahe," pagmamakaawa ng kapatid ko na si Erica.

Tumingin muna si Emilio sakin para kumpormahin kung totooang sinasabi ng kapatid ko sa kanya. Bigla siyang huminga ng malalim at humugot ng isang singkwenta mula sa bulsa ng pantalon niya at agad-agarang ibingay sakin. "Sige na. Umalis na kayo. Marami pa akong gagawin." Tumalikod na siya at umalis na kami.


PAGKARATING SA BAHAY


"'Nay, 'Tay, mano po. 'Nay eto na po yung pera," nagmano ako at ibinigay ko ang pera kay Nanay. 

Nag-aayos na kami ni Erica papuntang eskwelahan ng biglang nagkaroon ng ingay sa may bandang kusina.

"Gregorio! San mo na naman dadalhin yung pera?! Pambili natin yan ng pagkain at sa iba pang gastusin! Hoy! Hoy! Hoy, Gregorio!"

Hindi na namin sila pinansin habang nagbabangayan sila sa isa't-isa. Nagpatuloy na lang kami sa pag-aayos ng gamit namin. nabigla na lang kami ng may nagsalita sa likod namin ni Erica.

"Ate, nasan na naman sila 'Nay at 'Tay?" Tanong samin ni bunso pero si Erica na ang sumagot sa kanya.

"Ay nako. Wag mo nang intindihin yun. Basta pag wala na kami ni Ate Mia, magpakabait kayo dito. At palagi mong tutulungan si Nanay sa mga gawain." Tumango na lang siya at pumunta na sa kusina upang makapghanda g almusal para sa buong pamilyha at kaunting pambaon saming dalawa ni Erica.

Umupo ako sa isang monoblock malapit sa pintuan na bukas nang biglang dumating si Nanay habang nasa likod naman niya na halos lumuhod habang sumusunod kay Nanay.

"'Nay, 'Tay, alis na po kami." Sigaw namin ni Erica bago magsimulang maglakbay patungong eskwelahan.

"Ate, sa tingin mo, hanggang kailan natin magiging buhay to? pagod na pagod nako e. 'Di ko na kaya."

Hinimas-himas ko yung likod niya bago ako nagsalita. "Hayaan mo Basta pag nagtapos ako ng pag-aaral ngayong Marso, mag-aaral at magtatrabhao ako ng mabuti para maiahon ko ang pamilya natin sa hirap."

Natuwa naman siya sa sinabi ko kaya niyakap niya ako, "Ate ipangako mo yan sakin ha?"

"Oo ba," sagot ko sa kanya.

"Salamat, Ate!" Niyakap niya ako at napatuloy kami naglalakad papunta sa aming kinabukasan.


SA KLASE


"Mia, halika dito," tawag sakin ni Ma'am Estrella.

Lumapit ako sa kanya sa teacher's table. "Ma'am bakit po?" Nagtataka kong tanong.

"Bago ka umuwi mamaya, may pag-uusapan lang tayo. Maari mo bang tuparin ang hinihiling ko?"

"Opo, Ma'am Estrella."

"O siya. Bumalik ka na sa upuan mo."

Noong uwian na, nagpaiwan ako sa silid-aralan para makausap ni Ma'am Estrella.

"Lika dito. Umupo ka sa harapan ko," utos sakin ni Ma'am Estrella.

Sinunod ko siya.

"Mia, gusto ko sumulat ka ng isang komposisyon ukol sa buay mo. Pwede mo rin itong pangpasok bilang isang kalahok sa kompetisyon sa Essay Writing Contest ng ating paaralan."

"E......Ma'am.......e bakit po ako? PWede naman po yung iba." Haltang nagtataka ako.

"Alam ko anf family background mo. Alam ko lahat. At gusto ko na maipahayag ito sa maraming tao. Yung pagihihirap niyo talaga ang gusto kong ipakita sa maraming tao."

"Ma'am p-pa-paano niyo po nalaman ang ginagawa ko?" Kabado kong tanong.

"Hindi na mahalaga 'yon. basta magsulat ka ha?" Tapos umalis na si Ma'am Estrella.

Habang nasa harap kami ni Erica, hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Ma'am Estrella. Kahit pa nakikita ko ang satili sa isang puting pader, hindi pa rin maalis sa isipan ko.

Nagising lang ako ng may sumigaw bigla ng pangalan ko.

"MIA! Umayos ka nga! Hindi kita pinapasweldo ng P1500 kada araw para sa malangyang trabaho!" sigaw ni emilo sa likod.

Tumangao-tango na lang ako.



Araw-ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon