Ang pangalan ko ay Mia Conception at ako'y 19 taong gulang. Ako'y kasaluuyang nag-aaral sa Mataas na pAaralan ng Maria Klara ng Orani, Bulacan.
Kung iyong mamarapatin, itong kasulatan na ito'y hindi para maisama ko sa entrance exam patungo sa kolehiyo. Ito ay paglalahad lamang ng mga karasanan na sa tingin ko ay kakaiba, natatanging karanasan kumbaga, mula sa lahat ng mga kabataang babae na katulad ko.
Ang pamilya ko ay mahirap lamang katulad ng milyung-milyong pamilya sa buong bansa at kami ng kapatid ko ay nagtatrabaho ng ilang daang kabataang nagtatrabaho kung saan-saan at kung anu-anong trabaho sa buong bansa.
Pero kakaiba ang trabaho namin ng kapatid ko.
Laganap man ito at patago pero kakaiba pa rin.
Mayroong bahay sa bayan na palaging pinupuntahan namn ng kapatid ko tuwing gabi. Umuuwi na kami kinabukasan para maghanda sa eskwelahan. At tuwing uwi namin sa umaga mayroon na kaming pera panggastos ni nanay sa bahay at kung may natira, para sa gamot na kailangan niya.
malswa na kung malaswa pero isa tong paraan upang magkaroon kami ng panggastos at para makapg-aral kami. Kung hindi namin ginagawa ng kapatid ko ang agawain na ito, magiging katulad na namin ang mga kapitbahay namin. Umaasa lang sa pagdating ng tulong mula sa gobyerno. e, hindi pa naman madalas ang mga feeding program at mga health and wellness care program na dumadating dito sa amin. Mayroon namang pension si Tatay na galing sa gobyerno pero palagin niya itong ipinapabili ng alak at pulutan.
Ang ginagawa namin sa loob ng isang madilim na kwarto ay maghubad ng damit (talagang balat na lang ang makikita) at sundin ang mga pinapagawa ng nanonood na lalaki sa ibang parte ng mundo. SHOW ang tawag dun. Bawat show na gawin naming magkapatid, P1500 ang bayad sa'min ni Emilio. Kapag nagustuhan ng customer ang mga ginagawa naming magkapatid may dagdag sa sweldo o makikipagkita yung customer kay Emilio para magkaroon ng brigde ang presenter at ang customer. At iyon nga ang nangyayari sa akin noong nakaraang Biyernes hanggang umaga ng Lunes.
Hiniling nung foreigner na sumama ako sa kanya kapalit ang pera at magandang buhay para sa akin.
Ayoko nang maghirap. Ayoko namang iwanan ang kapatid ko na si erica. Gusto ko naman ng bago at maginhawang buhay. Ayoko namng marinig ang mga boses na kay aga ay nagbabangayan na sa isa't-isa.
Ayoko na.
Gusto ko nang matpos ang kaguluhan na nangyayari araw-araw sa aking munting tahanan dahil lang sa kakulangan ng pera.
Siguro papayag na ako sa banyaga na iyon upang magsimula ulit. Siguro mas maganda kung bukas sasama na ako. Sana naman gaganda ang buhay ko ng kasama siya. Sana naman matigil na ang kahirapan na ito.
Enero 27, 2007
Sinulat ni Mia Conception
Lahat ng mga pangalan at petsa ay likhang isip lamang. Totoong may lugar na Orani, Bulacan pero hindi pa nakakarating si author dun, narinig lang mula sa kaibigan.

BINABASA MO ANG
Araw-Araw
Ficțiune generalăIsang maikling bintana sa buhay ng isang batang babae na nabubuhay sa kahirapan.