"O eto ulit ang bayad. May dagdag 'yan dahil nagustuhan talaga ng customer yung ginagawa n'yo kanina." Nag-abot si emilio sa'kin ng P2500at sabay alis sa harapan namin.
Perobumalik siya ulit. "O nga pala. Mia, kausapin muna kita sandali."
Tignan ko muna si Erica bago sumunod kay Emilio sa loob ulit.
"Gusto ng regualr customer mo na makipagkita sa'yo ngayong Biyernes. Nandito daw siya sa Pilipinas para lang sa'yo. O, ano? Are you up for it?"
"Magpapaalam muna sa ako sa mga magulang ko. Bukas sasabihin ko sa'y."
Sinabi ko 'yon sa kanya at umalis na.
"'Nay, 'Tay, meron pong ipapakilala sa'kin si Emilio. Sa Biyernes ng gabi kami Magkikita. Itutulo ko p-" naputol yung sinabi ko dahil nagsalita kaagad ang nanay ko.
"Oo anak! Makipagkita ka! Para naman madagdagan ulit ang panggastos natin sa bahay. Alam mo naman ang tatay niyo. Ay na'ko. Pasensya na anak. Kundi hindi lang ako may sakit, may may pagka-malaki ang pera natin ngayon at hindi rin magiging warak-warak ang mga buhay n'yo," tapos niyakap kami ni 'Nay.
Nang bumtaw siya, tumalikod siya sa amin at nagsasabing nasa kusina lang siya.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto, pinuntahan ko agad si emilio upang ihatid sa kanya ang sagot ko sa inaalok niya.
"Talaga! O ige. Ako bahala sa'yo sa Biyernes.

BINABASA MO ANG
Araw-Araw
Ficțiune generalăIsang maikling bintana sa buhay ng isang batang babae na nabubuhay sa kahirapan.