Chapter 5

7K 177 1
                                    

  PAGKATAPOS ng isat-kalahating oras ay nagsibalik na sa trabaho ang mga empleyado.Naging abala na ang lahat, ngunit si Yanne ay di mapakali na hindi naman nakaligtas sa pinsang si Nicole.

"Uy couz, anu bang problema mo?."

Subalit akupado ng binata ang isip ng dalagita kaya't hindi nito alintana ang pinsang nakakunot-noo.

"Hoy!" malakas na tawag nito sabay tampal sa braso niya.

Natauhan ang dalagita, hindi dahil sa sigaw kundi sa ginawa nitong pagtampal sa kanya.

"Anu ka ba naman Nicole, bat mo ginawa yun?" habang sapo ang braso.

Tumawa ito at nagwika, "Panu naman tulala ka diyan habang daldal ako ng daldal."

"Sorry!" hinging paunmanhin niya.

"Anu ba kasi iniisip mo?."

"Wala ah."

"Weeehhhh----siguro iniisip mo si pogi, tama ba ako?"nanunukso nitong sambit.

"Sinong pogi?."

"Sino paba? eh di yung anak ni Aling Eden."

"Kow, tigilan mo nga ako Nicole, bat ko naman iisipin yun, aber?."

"Kasi hindi mo nalaman ang pangalan niya.Madali lang yan, itanong natin sa Nanay niya" ani Nicole kay Yanne.

"Wag na! di rin ako interesado."

"Sigurado ka couz?."

"Oo" maikli niyang turan.Pero sa kaibuturan ng kanyang puso, naghahangad ito na may malaman tungkol sa lalake.Dangan nga lang at nahihiya siya, lalo na kung magtatanong pa sila kay Aling Eden.

"Okie, pero pag magbago isip mo, just tell me and i will do something" ani Nicole.

"Okie."

"Oo nga pala, may lakad kaba after work?."

"Yup, tanda mo ung babaeng isinugod namin ni kuya Jeffrey sa Hospital?" kanyang tanong dito.

"Oo, bakit anung tungkol sa kanya?."

"Lalabas na sila mamayang gabi sa Hospital, at gusto niya andun ako bago sila umuwe."

"Okie, gusto mo samahan kita?" tanong nito.

"Walang problema kung gusto mo sumama, mas mainam nga yun, atleast may kasama ako." tugon niya dito.

"Anung oras ba daw?" tanong ulit nito.

"Alas-sais couz."

"Okie, kita nalang tayo sa may gate mamayang labasan." sabi nito at mabilis nang lumipat sa kabilang hanay.Trimmer kasi ito, samantalang siya Reviser kaya magkaiba ang pwesto nila.

-----------

EMERALD TOWER.

Hindi mapakali ang binatang si Lawrence sa kanyang Condo.Parito't paroon ang kanyang ginagawa, kung nagkataong may nakakakita sa kanya iisiping nababaliw ang binata.Hindi mawaglit sa balintataw niya ang imahe ng dalagita.Hindi ito kagandahan pero kapag natitigan mo, para kang dinadala sa langit.Chinitang mga mata, katamtamang tangos ng ilong, at ang mga labi nitong natural na pinkish.Hindi rin ito matangkad, naglalaro sa 4'11 or 5' ang taas nito.

Humiga siya sa sofang naroon at tinawagan ang kaibigang si Jurie.

"Hello" sagot ng nasa kabilang linya.

"Dude, pwede ba tayong magkita?."

"Dude naman, may date ako mamaya," ani jurie.

"Date na naman dude?!" ang nagulat niyang tanong.

"Yes, dude," sagot nito.

"Yayain sana kitang lumabas mamayang gabi."

"I'm free tonight dude,san ba tayo?" mabilis nitong tanong.

"Oh, akala ko ba may date ka?" taka niyang tanong dito.

"Wala dude, nagbibiro lang ako." Ang totoo niyan ay nasa pabrika si Jurie,kasalukuyang sinisilip ng palihim ang kanyang si Nicole.Unang kita niya palang sa dalaga ay gusto niya na ito, dangan nga lang at nung mga panahon na yun may kasintahan pa siya.kamakailan lang sila naghiwalay ng huling kasintahan niya.

"So, tuloy tayo mamaya?" tinig ni Lawrence.

"Sure dude, saan ba tayo?" tanong niya dito.

"Sa dating tambayan, dude," maikling tugon ni Lawrence.

"Okie dude, see u there," at nawala na sa linya.

Isang buntonghininga ang pinakawalan ni Lawrence pagkatapos ng tawag.Kailangan niyang mag-isip kung papa'nu siya makakakuha ng information about sa dalagitang ngayon ay gumugulo sa isip at puso niya.

Pumikit siya, pero mukha na naman ng dalagita ang nakita niya. "Shit! What should i do?" nahihirapang tanong niya.

Dahil hindi rin makatulog, nanuod na lamang siya ng movies.

-------

EAST AVENUE MEDICAL CENTER.

Masayang nagkkwentuhan ang mag-asawang Kelvin at Janet nang dumating si Aling Eden.

"Oh Nay, andito na ho pala kayo," tinig ni Kelvin na siyang unang nakapansin sa pagpasok ng matanda.

"Oo nak, nasaan ang apo ko?" tanong nito at inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid.Nang makita ang hinahanap, mabilis itong pumaroon." Ang lusog-lusog naman ng apo ko, ang gwapo pa," aniya ng matanda.

"Syempre naman Nay, kanino pa ba yan magmamana, Syempre sa Daddy niya," si kelvin na lumapit din kung saan mahimbing na natutulog ang sanggol.

"Opss! Di naman ako papayag na hindi ako kasali sa pinagmanahan ng pamangkin ko," ang agad namang hirit ng kararating lang na si Lawrence.

Parehong nagulat ang tatlo hindi dahil sa sinabi ng binata kundi sa nakita nilang itsura nito.

Sabog ang buhok, naka pambahay na tsenilas, at nakasando na pinarisan lang din ng shorts.Mga matang tila inaantok pa at halatang wala pang tulog.

"Ba't ganyan itsura mo bro?" tanong ni Kelvin dito.

"Bakit kuya? Gwapo parin naman ako ah," nakangising sagot ng binata at umupo sa silyang naroon.

"Tamang-tama, pupunta dito si Yanne, ipapakilala kita" saad ni Janet pagdaka.

"Who's Yanne?" nakataas ang kilay na tanong niya.Pero sa isip niya, ito yung dalagita pagka't nasabi ni Aling Eden ang pangalan nito bago ito umalis.

"Do you remember the young lady?."

"Yung dalagita sa bus?," kanya ring tanong.

"Exactly bro, yung dalagita sa bus at yung nakabanggaan ng ate janet mo, at nagdala sa kanya dito sa hospital ay walang iba kundi siya, si Yanne" masayang bulalas ni Kelvin at lumapit sa kanilang Yaya at umakbay dito."At nabanggit ni Nanay, dun pala siya nagttrabaho sa pabrika mo.What do you think bro? diba pinaglalapit kayo ng sitwasyon at pagkakataon?."

"Maybe? I dont think so kuya, isa lang ang alam ko, gusto kong malaman ang lahat tungkol sa kanya," walang ligoy niyang tugon.

"May problema," ang di nakatiis na sabad ni Aling Eden.

Sabay-sabay na natigilan at napalingon dito ang tatlo, Sinamantala yun ng matanda para magsalita.

"Ang alam ni Yanne ay totoo kong anak si Lawrence at wala din itong alam na siya ang may-ari ng pabrika."

Nagkatinginan ang mag-asawa at iisa ang nasa isip.Ang itago sa kaalaman ng dalagita na magkapatid sina Kelvin at Lawrence.Napansin ito ni Lawrence at nagtanong.

"Anu naman ang ibig sabihin ng tinginan nayan ha? Ate at kuya?" aniya sa mga ito.

"Well bro, naisip lang namin, diba mas mainam na walang alam si Yanne na may ugnayan tayo at ikaw ang may-ari ng pabrika?."

"At nang sa ganun, di siya maiilang pag nasa paligid ka," dagdag na saad ni Janet.

"Tama ang kuya at ate mo Iho," aniya ni Aling Eden sa nakakunot noo na binata.

"Tsk! Wala nabang ibang paraan?" Napapalatak na tanong ni Lawrence.

"Wala bro, kaya sumang-ayon kana lang, okie?."

"Well, sige! Payag ako, just make sure na magdudulot ito ng maganda." patiunod niya lang sa mga ito.

Nag-apiran naman ang tatlo.Ilang sandali pa'y nakarinig sila ng katok mula sa pinto.Binuksan ito ni Lawrence at nagulat pagkat nabungaran niya ang puyat ding mukha ng kaibigan.

"Mga itsura niyo hindi mai-drawing," natatawang puna ni Janet.

"Paminsan-minsan lang naman." sagot nito at lumapit kay Aling Eden na ngayo'y karga ang sanggol.

"Anu nga pala ipapangalan niyo kay baby?" tanong nito.

"Yangzkie" mabilis na sagot ni Kelvin.

"Yangzkie?" panabay na tanong ng dalawang binata.

"Yes, combination of my name and the other one is from his future Tita." wika nito at ngumiti ng nakakaloko.

Naguguluhan namang tumingin si Jurie kila Janet at Aling Eden.

Tumawa ang matanda at;

"Inlove na ang kaibigan mo Jurie," saad nito.At tumingin sa gawi ng namumulang si Lawrence, hindi siya sanay na tinutukso.

Napanganga at nanlaki naman ang mga mata ng binata sa narinig."Sigurado ho kayo? " tanong nito ng makabawi.

"Yes bro," ani Kelvin.

Dahil dun lumapit si Jurie sa namumulang si Lawrence.

"Kaya pala bigla nalang nagyaya lalabas daw kami mamaya, Yun pala inlababo ang puta." nanunudyo nitong wika at dumistansiya pagkat alam niya na ang susunod na mangyayari.

Di nga siya nagkamali dahil nakakailang hakbang palang siya;

"Ah ganun ha! Inlababo pala ako.Eh anu ang tawag sa pagsilip mo everyday kay Nicole, ang mga pasimpling pagsusuplado mo para lang mapansin niya? Diba inlove ka din?" ganting banat niya dito at tinitigan ito ng mariin.

Di naman makakibo ang binatang si Jurie, dahil nasukol siya ng kaibigan.Hindi lang yun, ngayon niya lang napatunayan, umiibig na nga talaga siya sa dalaga.Napangiti siya at;

"YES! Im inlove, my bestfriend and i are inlove, Yahoo!" parang batang sigaw niya.

Napuno ng tawanan ang silid na yun.Lahat masaya, lalo na ang matandang si Aling Eden dahil sa wakas, may nagpatibok na uli sa puso ng kanyang alaga.

SHE'S A LAUNDRY GIRL                    by:M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon