Chapter 3

7.4K 178 0
                                    

  LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Kelvin pagkababa niya mula sa kotse niya papasok ng Hospital.Sobrang saya ang nararamdaman niya sa kaalamang may junior na siya.Sa kabilang banda ay nalulungkot din siya, dahil wala siya sa tabi ng asawa nang isilang nito ang una nilang supling.

Nang makapasok sa loob ay agad siyang nagtanong sa babaeng nasa information desk kung nasaan ang kwarto ng asawa niya.Agad naman itong ibinigay sa kanya.

Humahangos siya nang tumapat sa pintuan ng kwartong inuukopa ng asawa.Dali-dali niya itong binuksan at lumapit sa asawang kasalukuyang may kausap.

"Naku po! hindi na kilangan." narinig niyang anas nang babaeng kausap ng kanyang asawa.

"Tanggapin mo na Yanne ang inaalok ko sayo." sabi naman ng asawa niya dito.

Pinukaw niya ang atensyon ng mga ito sa pamamagitan ng pagtikhim.Dahil dun, napatingin sa kanya ang asawa niya at ang kausap nito.

Napamulagat naman ang dalagita pagkakita sa lalakeng bagong dating.

"Remember me?" ang tanong nito sa kanya.

"Opo kuya, pasensya na po ulit sa nangyari nuon." di makatinging sambit niya dito.

Lumapit naman sa tabi niya ang lalake at sinabing;

"Anu kaba, kalimutan mo na yun, wala na yun." baliwalang sagot nito, pagkuway ngumiti sa kanya at may dinukot sa bulsa. "Ito nga pala, naiwan mo kanina sa ever," patuloy nito.

Kinuha niya ang Cellphone at nagpasalamat dito.Tumango lamang ito at lumipat sa kabilang bahagi ng kama.

"Babe, kumusta na pakiramdam mo? gusto mo bang kumain? bibilhan kita." sunod-sunod na tanong nito sa asawa.

"Wow! Ang sweet talaga ng asawa ko." nakangiting sambit ni Janet habang sapo ang magkabilang pisngi ng lalake.

"Naman babe, lalo na ngayon, may baby na tayo." masayang saad ni Kelvin kay Janet at hinalikan ito sa labi.bahagya naman itong itinulak ng babae dahil may iba silang kasama.

Tahimik lang din si Yanne sa isang tabi.Masaya siya dahil kahit may mali siya, nagpasalamat parin ang babae sa kanya.Sa katunayan nga inaalok siya nito ng trabaho sa kumpanya ng asawa nito na tinanggihan naman niya.

Sino ba naman ang tatanggap sa kanya sa trabaho.Unang-una High School graduate lang siya.Pangalawa, disiete palang ang edad niya.Kaya malabong tanggapin niya ang alok nito kahit pa pagmamay-ari ng mga ito ang kumpanyang papasukan niya.

Tumayo siya at nagpasyang magpaalam na lamang siya sa mag-asawa na lalabas muna.Ayaw niyang makaistorbo sa moment ng mga ito.

"Ate, kuya, lalabas po muna ako." Kanyang paalam sa mga ito.

"Sige lang, basta bumalik ka, okie?." panabay na wika ng mag-asawa.

"Opo."at tuluyan na siyang lumabas ng silid.

Naisipan niyang tawagan ang kuya Jeffrey niya dahil nauna na itong umuwe sa kanya.

"Hello, asan kana? hinihintay kana nila Nanay." ang agad na bungad nito sa kanya.

"Andito pa po sa Hospital kuya, pakisabi nalang po kila Ante, pauwe na din ako."

"Okie, mag-iingat ka sa pag-uwe." bilin nito at agad ibinaba ang cellphone.

Naglakad-lakad muna siya hanggang mapadaan siya sa Nursery room.Sinilip niya ang mga sanggol na naroon.Naka-agaw pansin sa kanya ang baby na may pangalang YANGZKIE.Singkit ito at kayumanggi ang kulay."Wow! Kapareho ng kulay ko." natutuwang wika niya sa sarili.

Tinanong niya ang nurse na nasa loob kung pwede siyang pumasok, ang sagot nito'y hindi.Pero dahil likas na malambing at makulit ang dalagita, pinagbigyan siya nito.Dali-dali niyang nilapitan ang singkit na bata.

"Ang cute mo naman." di niya napigilang ibulalas.

Ngiting-ngiti naman ang nurse sa nakikita.Tila kasi batang sabik sa kapatid ang itsura ng dalagita.

Tinitigang maige ni Yanne ang sanggol, hanggang sa:

"Wow! may balat siya sa leeg," tuwang-tuwa na sambit niya.Tinitigan niya ito ulit at nagpakawala ng isang ngiti, "Sana paglaki mo, makita kita ulit, at gagawen kong palatandaan ang pangalan mo at ang balat mo."

Di rin siya nagtagal at bumalik na sa silid ng babae, balak na niyang magpaalam pero natigilan siya sa balak na pagbukas ng pinto pagkarinig sa kanyang pangalan.

"Ang ganda ni Yanne, nuh babe?" ani Janet kay Kelvin.

"Well, tama ka, pero anu naman naisipan mo at kinuha mo sa pangalan niya ang pangalan ng baby natin?." nananantiyang tanong niya dito.

"Tingin ko bagay sila ni Lawrence babe," walang pakundangang sagot nito.

Kamuntik nang maisara bigla ni Yanne ang nakaawang na pinto dahil sa narinig.Akalain mo yun, ipinapareha siya ng babae sa lalakeng hindi niya kilala.

Hindi na siya tumuloy sa loob.Umuwe nalang siya lalo at malalim na ang gabi.Nag-iwan na lamang siya ng text sa babae na nagsasabing, umuwe na siya at humingi nadin siya ng paumanhin dahil di na siya nakabalik.

Patuloy parin sa kwentuhan ang mag-asawa about sa planong pagmamatch nila kina Lawrence at Yanne nang makatanggap si Janet ng text mula sa dalagita.

"Anung sabi?" agad na tanong ni Kelvin.

"Umuwe na daw siya."malungkot na sagot ni Janet.

Lumapit si Kelvin sa asawa.

"Wag kang malungkot, diba nga magiging hipag mo rin siya." masaya niyang saad dito na ikinagulat naman ng babae.

"Ibig bang sabihin niyan, sumasang-ayon kana sa plano ko?." naninigurado niyang tanong sa asawa.

"Yes babe! Pero wag muna ngayon, kita mo naman menor pa siya,ni wala pa ngang dibdib," pilyo niyang tugon sa asawa.Pinanlakihan naman siya nito ng mata at kinurot sa tagiliran.Kurot na nauwe sa kiliti, dahilan para mahulog ang lalake mula sa kama.Napuno ng mga halakhak ang naturang silid na animoy mga baliw ang nasa loob. (Hehe joke lang)

SAMANTALA, kasalukuyang nasa biyahe ang binatang si Lawrence pagka't nais niyang bisitahin ang hipag sa Hospital.At dahil trapik, binuksan niya ang stereo at nagsalang ng kanta ni Paul Sapiera na INIIBIG KITA.

Intro:

Di Sadyang Ikaw ay makilala
At parang sa akin ay gayuma
Lagi ka sa aking ala-ala
Muli sana'y makita ka.

Bakit ba laging,hanap-hanap ka ng damdamin
At walang ibang laman,
Ang isip ko,
Di malimot-limot ang katulad mo.

Sinasabayan niya ang kanta at tumingin sa labas ng bintana.

Napanganga siya, kasabay ang pamimilog ng mga mata, nang di sinasadyang may makitang pamilyar na mukha sa loob ng isang pampasaherong jeep.Nasa kabilang kalsada ito, ngunit di naging hadlang un para di niya makilala ang dalagita.Ibinaba pa niya ang salamin ng bintana niya para makita ito ng husto.Saktong tumingin ito sa gawi niya at ngumiti ito ng ubod tamis sa kanya.Magsasalita pa sana siya pero umandar na ang sinasakyan nito."Hmmmn, Small words," nausal na lamang niya sa sarili.

Isinara niya ulit ang bintana at ganadong nagpatuloy sa pagkanta.

-------

Pagkapara ni Yanne sa jeep ay agad na siyang bumaba.Nang maalala ang binatang nginitian niya, di niya napigilan, napasigaw siya kasabay ang pagsuntok sa hangin, "Yes! Nakita ko siya ulit, yahoo!."

Tuwang-tuwa siya, dahil simula nung magtama ang mga mata nila ng lalake sa Terminal ng bus sa Cubao, lagi na niya itong napapanaginipan.Dangan nga lang at parang kuya na niya ito, sa isiping yun, nakaramdam siya ng kalungkutan.

Sinipat niya ang kanyang relos, at nang makita ang oras, dali-dali siyang tumakbo papasok sa isang iskinita, kung saan naroon ang bahay ng kanyang tiyahin.

Pagkabukas niya ng pintuan, gising parin si aling Lerma.Sinadya niyang antayin ang pamangkin sa sobrang pag-aalala dito, lalo na't unang salta ito maynila.

"Mabuti dumating kana, akala ko kung anu na nangyari sayo."puno nang pag-aalalang wika ni aling Lerma.

"Pasensya na po Ante, di ko kasi maiwan ung pasyente hangga't wala pang magbabantay sa kanya.Buti nga po at dumating agad ang asawa nito pagkaalis ni kuya Jeffrey." mahabang paliwanag niya sa tiyahin.

"Bueno, malalim na ang gabi, magpahinga kana at may pasok kapa sa trabaho bukas."pagkawika nun ay pumasok na ito sa kwarto nilang mag-asawa.

Napatampal naman sa sariling noo ang dalagita sapagkat nakalimutan niya na may pasok nga pala siya bukas.Dahil dun ay mabilis siyang kumain at pumasok narin sa silid para matulog.

KINABUKASAN ay nag-uunahan ang magpipinsan sa paggamit ng banyo.

"Ako muna mauna maligo, mahuhuli na ako sa trabaho ko."ani Jeffrey.

"Ako muna kuya, may dadaanan pa kasi ako.Isa pa mas malayo ang pupuntahan ko."sigunda naman ni Nicole.

"Ako din,mahuhuli na."di nakatiis na sabad ni Yanne.

Narinig ito ni Aling Lerma at Nagwika:

"Anu kaya kung wag lang nalang kayong maligo? mas maige pa siguro yun keysa mag-uunahan kayo sa paggamit ng banyo."biro nito sa tatlo.

"Nay naman eh! alam nyo naman masyadong trapik sa bandang edsa,nakukuha nyo pang magbiro." naiinis na wika ni Nicole sa ina.

"Oh siya, sige, mauna na kayong dalawa ni Yanne, mahuli nalang ako."sukong sabi ni Jeffrey sa kapatid.

"Yehey! bait talaga ng kuya ko, pakiss nga." at mabilis itong nakalapit at humalik sa di nakahumang kapatid.

Napailing nalang ang binata.

Pagkatapos maligo ay mabilisang pagbibihis ang ginawa ni Yanne.Nagsusuot siya ng pantalon nang tumunog ang cellphone.

Nakatatlong ring muna ito bago sinagot ni Yanne.

"Hello!."

"Hi Yanne, busy kaba?" si Janet ang nasa kabilang linya.

"Oo Ate, actually papasok po ako sa trabaho ko ngayon," sagot niya dito.

"Ah okie.Yayain sana kitang pumunta ulit dito sa hospital, last day ko na kasi dito.At isa pa, baka gusto mong makita ang baby namin."

"Anung oras po ba labas nyo diyan?" tanong niya.

"Mamayang 6pm pa naman.So, panu? makakapunta kaba?."

"Titingnan ko po," tugon niya dito.

"Okie.I'll wait for u, bye, takecare." paalam nito.

Pagkababa ng cellphone ay mabilis na niyang tinapos ang pagbibihis at agad na lumabas ng bahay para mag-abang ng sasakyan.

SHE'S A LAUNDRY GIRL                    by:M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon