Chapter 12

6K 155 1
                                    

  Dumaan ang mga araw, at buwan, naging maayos ang pakikitungo ng binata sa dalaga, na labis ipinagtataka ng huli.Naro'n yung dalhan sila ng pagkain sa shop, minsan naman, basta-basta nalang nagyayaya na mamasyal.

Katulad na lang ngayong Hapon, dahil linggo at sarado ang shop, nagyaya itong lumabas at nagpunta sila sa Quezon city memorial park, or mas kilala sa tawag na Circle.Namangha ang dalaga pagkapasok nila sa loob, dahil ang laki nang ipinagbago ng looban kumpara nang huling punta niya dito.

Napadpad sila sa Circle of joy, kung saan makikita ang Roundabout and Seesaw.

"Want to try this?" anang binata na nakaturo sa Seesaw.

Nakangiting tumugon ang dalaga, "Yeah, sure!"

They tried Seesaw at nagkwentuhan sila ng kung anu-ano, hanggang sa dumako ang usapan sa mga nangyari sa una nilang pagkikita.Lawrence asked apology to Yanne, na maluwag namang tinanggap ng huli.

Nabangggit din ng binata ang kapatid at ang hipag na si Janet.Ngayon alam na ni Yanne, na ang Lawrence na binanggit ni Janet, walong taon na ang nakararaan at ang lalakeng kanyang kaharap ay iisa.Napatitig siya dito at hindi niya maintindihan ang sarili, sinasabi ng puso niya, na ang lalakeng kanyang hinahanap ay nasa harapan niya lamang.Ngunit madaming katanungan ang naglalaro sa utak niya, at hindi niya alam kung kailan at sino ang makakapagbigay ng kasagutan sa mga ito.

Nahinto naman sa pagsasalita ang binata nang mapansing nakatitig sa kanya ang dalaga.

"Para saan ang mga titig nayan?" tanong niya dito. " Don't tell me, nagagwapuhan ka na sa'kin?" aniyang kumindat pa dito.

Napairap naman ang dalaga dito, "Umiiral na naman yang pagka-mahangin mo lalakeng unggoy!"

"Ops! how many times do i have to tel--------"

"Sorry, Lawrence pala!" mabilis na sansala ng dalaga sa nais sabihin ng una.

"Good Girl!" nakangiting wika ng binata.

Ngumiti din ang dalaga at saka inilinga ang paningin.Saktong dumaan ang nagtitinda ng Cotton candy.

"Gusto ko ng ganun," turo niya at tumingin sa binata.

Tumayo ang binata at inalalayan ang dalagang makatayo.Inilahad niya ang palad dito at mabilis namang inabot ng huli.Sabay silang naglakad palapit sa may Adjacent shops.

Bumili sila ng Cotton candy, at nang maubos ito, bumili naman sila ng buttered and cheesy corn in a cup.Habang kumakain, tuwang-tuwa na pinagmamasdan ni Lawrence ang dalaga.Hanggang ngayon, hindi parin siya makapaniwala na nakita niya ito ulit, and most of all, kasama pa niya sa iisang bubong.Gusto niyang sabihin dito ang totoo, ngunit natatakot naman siya, lalo pa't hindi siya nito nakikilala. "Maybe, this is not the right time to tell her everything," piping usal niya sa sarili.Sasamantalahin niya nalang muna ang mga araw at oras to be with her.

Nang maubos ang kinakain, nagpasya ang dalawa na maglakad-lakad.Nadaanan nila ang station of bicycles, they tried, too.

They have solo bicycles, bicycles with side car, and kiddie bicycles, which can be minimum of 1hour.Lawrence took turns driving a bicycles with side car with Yanne, as his passenger.

Habang nililibot nila ang Circle of joy, masayang-masaya ang dalaga.Ibinubuka pa niya ang mga braso at saka sisigaw.Tawa lang naman ng tawa ang binata dito.Para silang magkasintahan kung susuriin.Nang mapagod ay, nagpahinga sila sandali at dahil gabi na, nagpasya na silang sunduin ang batang si Akie sa bahay ng kaibigan nito.Pagdating sa Condo ng binata, nag-order na lamang sila ng pagkain sa labas at sabay-sabay ng natulog pagkatapos.

------------

Kinabukasan, araw nang lunes, abalang-abala sina Yanne sa pagpapacking ng mga Towels na idedeliver ngayong umaga sa mga Hotels.Handa na ang lahat ng makatanggap si kim ng tawag buhat sa driver nilang si Mark.Ayon dito ay hindi ito makakapasok dahil nagkasakit ang anak nito at walang magbabantay.

Lupaypay na ibinaba ni Kim ang tawagan.Maya't-maya lumapit ito kay Yanne.

"Adri, Pakitawagan si Sir Lawrence, sabihin mo wala tayong driver at kailangan ma-ideliver ang mga ito sa hotels."

"Okie, puntahan ko nalang!" at nagdudumali siyang tumawid ng kalsada.

Pagpasok ng dalaga sa Condo ay kumatok siya sa kwarto ng binata.Tama namang palabas na talaga ang binata dahil pupunta ito ng pabrika.

"Oh, Adri, bakit ka nandito?"

"Kasi wala tayong driver, hindi pumasok si Mark dahil may emergency sa kanila," kanyang tugon. "At isa pa, tumawag na ang manager ng Ascott, kailangan na daw mai-deliver ang mga tuwalya dahil naubusan sila ng stock," kanyang pagpapatuloy.

Napaisip ang binata, at ilang saglit pa'y nasa shop na sila.Pinagtulongan nilang maisakay sa L300 ang mga I- dedeliver sa mga Hotels.Kasama niya ang dalaga papuntang Makati, kung saan naroon ang Ascott hotel.

Nasa kalagitnaan sila ng biyahe nang makaramdam ng pagkainip ang dalaga.Kinuha niya ang cellphone at pinatugtog ang Wrecking ball.

Sinabayan niya ang kanta at ginamitan ng ibang version.( kantahin sa tono ng wrecking ball hehe)

BABAENG BOLD

Isang hapon tulog ako, biglang
merong kumatok
Sila pala'y magnanakaw ako'y
tali kadena
Kinuha lahat
gamit sa bahay
Pati ang suot ko...

Napapaindak pa siya at kinukumpas ang mga kamay habang kumakanta.

Wag niyong sabihin
Brand new underwear
ko ay kukunin niyo..

Di naman napigilan ng nagmamanehong si Lawrence ang mapatawa sa bawat lyrics na sinasambit ng dalaga.Napatingin ang dalaga sa una at saka ngumiti.

"Sabayan mo'ko!" yaya niya dito.

"Okie," tugon nito at nakisabay sa kanta niya.

CHORUS:

Ako'y isang babaeng bold
ngayon lang ako naholdap
Ibalik niyo ang panty kong new
ibalik niyo na ang pan-----tyyy me!
Oo pan---tyy me.....

Sabay silang napahalakhak nang mapansing sa kanila nakatingin ang mga kasabayang sasakyan, at mga nakangiti ito.Marahil dinig ng mga ito ang pagkanta nila dahil nakababa ang salamin ng bintana sa sasakyan nila.

"Wow! ang galing mo naman," ani ng binata sa dalaga. "Sa'n mo naman natutunan yun, huh?" ang namamangha paring binata.

Ngumiti ang dalaga bago sumagot, "Diyan lang sa tabi-tabi."

"Meron bang ganun?."

"Meron, ako!" ang natatawang dalaga.

Tumingin ang binata dito at sakto namang nakatingin parin ang dalaga sa kanya.Nagtama ang kanilang paningin at andu'n na naman ang tila pamilyar na pakiramdam kay Yanne.Dahil sa nalilito siya, kusa siyang nagbaba ng paningin at nanatiling tahimik hanggang marating nila ang Makati.

Tinulongan niya ang binata na magbuhat, ngunit tumanggi ito at sinabing antayin na lang ito sa sasakyan.Makalipas ang ilang sandali, Pasig naman ang isinunod nila dahil mag-dedeliver din sila sa Holiday Inn hotel.

Hindi rin sila nagtagal at ngayon nga ay pauwe na silang cubao.Nanatiling tikom ang bibig ng dalaga, maging ang binata ay ipinukos na lang sa pagmamaneho ang atensyon.

Makalipas ang isang oras ay nasa harapan na nang Shop ang sasakyan.Kaka-park lang ng binata, ay agad ng bumaba ang dalaga.Dali-dali itong tumawid, at hindi napansin ang paparating na sasakyan.

Mabuti nalang at mabilis na nakapag-preno ang nagmamaneho.Isang dangkal lang ang pagitan ng sasakyan at ng kinatatayuan ng dalaga.Nakatayo parin ang dalaga at nakatakip ang mga kamay sa magkabilang tainga.

"What the hell, are you doing?" anang lalaki sa sasakyan.

Di naman makapagsalita ang tulala paring dalaga.Natauhan lang siya nang hablutin ng binata ang kanyang braso.

"Are you trying get yourself killed?!" ang pasigaw na sambit ng binata. "You cross the road, you look first." anang binatang nanlalaki pa ang mga mata habang nagsasalita sa harapan ng dalaga. "You're gonna give me a heart attack, is that what you want, huh?" patuloy nito.Bagama't nakasigaw, di parin maitatago ang pag-aalalang kanyang nararamdaman.

Nang makahuma ay, agad binawi ng dalaga ang braso at sumakay ng Jeep.
Gusto niyang makapag-isip, nalilito siya sa nararamdaman niya para sa binata.
Tinawagan niya ang pinsang si Nicole para makipag-kita dito sa Ever Gotesco Commonwealth.

Naunang dumating ang pinsan niya sa Ever, nang makalapit dito ay pumasok sila sa isang fastfood.Nag-order sila at habang kumakain ay kweninto niya ang nangyari.

"Couz, i think my head is messed up."

"What?"

"He completely blew up at me, but it felt like he said, he loves me," aniya dito. "He was screaming at me, but it sounded like a sweet whisper.What's wrong with me?" patuloy niya at di mapakali sa upuan.

Hinawakan ni Nicole ang kamay ng pinsan at tinitigan ito, "What's wrong? You're in love with him, thats all." aniyang nakangiti dito.

"No, Couz, I'm not in love with him, i don't like him." tanggi niya dito, kahit ang totoo ay, naguguluhan siya sa kanyang nararamdaman.

"Are you sure? then i guess, he's in love with you."

"No, that can't be it, either."

"How do you know? have you asked him?."

"I haven't."

"You silly girl, words do not always express one's feelings," ani nicole at tumawa ito ng may maalala. "Si Jurie nga dati, sabi niya, my face make him sick, do you believe it?" patuloy nito at umayos ng upo. "You have to read the eyes! People can lie with words, but not with their eyes."

Napa-isip nang malalim ang dalaga sa mga sinabi ng pinsan.Sa mga nakalipas na buwan, pansin niya ang mga pagbabago sa pakikitungo ng binata sa kanya.
Tama nga kaya ang pinsan niya na, may pagtingin ang binata sa kanya? kung totoo man, anong gagawin niya? Ipinilig niya ang ulo at mabilis na tinapos ang pagkain.

Patapos na din ang pinsan niya nang tumunog ang cellphone nito.

"Hello? oh Dhie, huh? Andito ako sa ever, kasama ko ang pinsan ko.Okie see you there, bye!" at nagmamadali na itong tumayo.

"Sorry couz, i need to go! nasa bahay daw si Jurie."

"Okie lang, sige, ingat sa biyahe," tanging nasabi niya.

Tumango lang ito at tuluyan nang nilisan ang ever.

Dahil tapos naman na sa pagkain, naisipan nalang ng dalaga na maglakad-lakad muna sa loob ng grocery.

----------

SA KABILANG dako naman ng ever, nagmamadali ang isang babae papunta sa grocery dahil gusto niyang sorpresahin ang kapatid at anak.Hindi nila sinabi na nakauwe na sila ng Pilipinas dahil nga gusto nilang sorpresahin ang mga ito.

Dahil sa pagmamadali, hindi niya napansin ang babaeng nasa tagiliran niya.Nasagi niya ito at muntik nang matumba, buti nalang nahawakan niya ang kamay nito.

Magpapasalamat na sana si Yanne sa babae nang bigla itong tumingin sa kanya.Nagulat siya sa nakita at di nakapagsalita.

Samantalang ang babae naman, bagama't nagulat, ay unti-unting napangiti nang mapagmasdan ang mukha ng kaharap.

"IKAW NA BA YAN?!" ang di makapaniwalang bulalas niya.

SHE'S A LAUNDRY GIRL                    by:M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon