Chapter 17

5.8K 133 1
                                    

  KINABUKASAN AY maagang bumalik sa cubao sila Lawrence, dahil marami silang inaasikaso lalo pa't magbubukas sila ng panibagong branch ng laundry sa bandang Pasig.

Habang abala ang binatang si Lawrence sa pagpirma ng mga nakatambak na papeles sa opisina niya, hindi niya napansin ang pagdating ng kaibigang si Jurie.Kung hindi pa ito nagsalita, hindi niya ito mapapansin.

"Ganyan ka na ba talaga ka busy?" tanong nito dahilan para mag-angat ng tingin ang binata. "Daig mo pa pamilyadong tao ah," tudyo nito.

"Dude, nandito ka pala, kanina ka paba?" tanong niya dito.

"Hindi pa naman," ani Jurie at umupo sa katapat niya. "Dude, wala ka pabang balak mag-propose kay Yanne?" tanong nito at matamang tumitig sa kanya.

Natigilan ang binata sa tanong ng kaibigan, ngunit nakuha niya paring sumagot.

"Ayaw kong madaliin ang sa'min ni Yanne, lalo pa't nag-eenjoy siya sa pagtatrabaho sa Laundry," kanyang wika na ikinataas ng kilay ng kaharap.

"Kilan pa dude? Kapag hindi mo na kayang magkaanak?" huminto si Jurie sa pagsasalita at ngumisi. "Or baka naman kapag lantoy na yang alaga mo at di na ito kayang patayuin ni Yanne!"

Nanlaki ang mga mata ni Lawrence sa tinuran ng kaibigan sabay bato dito ng ballpen na kanyang hawak na mabilis namang nasalag nito.

"Tigilan mo nga ako dude," aniyang napailing pa. "Matibay pa to at kayang-kaya itong patayuin-------Narinig niyang tumawa ang kaibigan kaya huminto siya sa pagsasalita.

" You mean, mayroon ng nangyari dude?!" ang di makapaniwalang saad nito.

"Baliw! Wala akong sinabing ganyan," aniya at pabiro itong binatukan.

"Kala ko meron eh!" saad nito na napakamot pa sa ulo. "Makikipagpustahan na sana ako kung sino ang unang makakabuo satin."

Siya naman ang napamulagat sa sinabi nito.

"Ang bilis mo talaga," kanyang nawika at tumayo sa swivel chair.

"Naman dude, ikaw ba?" tudyo nito at ngumiti ng nakakaloko.

Tumingin siya sa direksyon ng dalaga na abalang-abala sa paglalaba.

"Yanne is a precious gift to me from god, at gusto kong malinis siyang iharap sa dambana."

"Kaya nga, pag-isipan mo ang sinabi ko sayo kanina," ani Jurie. "Hindi na kayo bumabata, asked her opinion first.Malay mo, yan din ang hinihintay niya," patuloy nito.

Napa-isip ang binata sa sinabi ng kaibigan.Marahil tama nga ito, siguro kilangan niyang hingin ang opinyon ng kasintahan para duon.

"Oh, siya, mauna na'ko!" paalam nito. "Naghihintay sa'kin si Nicole," at mabilis itong naglakad sa may pintuan. "Siya nga pala, anuman ang maging desisyon mo, sabihin mo lang sa'kin, i will help you." at humakbang na ito palabas ng opisina niya.

Naiwang nakatitig ang binata sa dalaga, at isang pasya ang kanyang nabuo.Mabilis siyang umalis at pumunta sa bahay ng kapatid para magpatulong sa hipag.( Hmmnn...alam na this, hahaha)

KINAGABIHAN, habang nasa shower room ang dalaga ay inabangan ito ng binata sa may pinto, habang sa isang kamay nito ay hawak niya ang singsing.

Ilang minuto pa ay lumabas na ang dalaga na nakatapis lang ng tuwalya.Bahagya pa itong nagulat nang mabungaran siya nito.

"Yabha, bakit ka nandito?" wika nito at nilagpasan siya.Umupo ito sa harap ng tokador at nagpahid ng lotion sa binti nito.

Sumunod siya dito at tumayo sa likuran nito.Kinuha niya ang lotion sa kamay nito at pilit iniharap sa kanya ang dalaga.Nang magkaharap sila ay lumuhod siya dito habang hawak ang mga kamay nito

"Yabha ko, alam ko, masyadong mabilis ito para sa'tin, but i can't wait to be with you for the rest of my life," aniya at huminga ng malalim.

Pigil naman ang hininga ng dalaga, ewan ba niya kung bakit parang kinakabahan siya sa pagkakataong ito.

"I want you, to be my wife, to be a mother of my childrens," at inilabas niya ang singsing na kumikinang pa."Will you marry me Yabha?" kanyang patuloy.

Hindi makapagsalita ang dalaga sa narinig, lalo na pagkakita sa singsing.Siguro nga hindi pa siya handa sa pag-aasawa, but seeing this man of her front, and asking to marry him? sino ba siya para tumanggi.

"Yes! I will marry you Yabha ko," ang natutuwa sa galak na sagot niya dito.

Mabilis na isinuot ng binata ang singsing sa daliri ng dalaga, pagkuwa'y binuhat niya ito at iniikot-ikot. "Yes! sa wakas, magiging asawa na kita." tuwang-tuwa na sigaw ng binata at pinupog nito ng halik ang dalaga.

Maging ang dalaga ay masaya din, dahil para sa kanya, kasal nalang ang kulang sa kanila para matawag silang tunay na mag-asawa.

Nang mapagod ay ibinaba ng binata ang dalaga at inilapag sa dati nitong inupuan.Siya narin ang nagpatuloy sa paglalagay ng lotion nito sa katawan, at nagpatuyo ng buhok nito.Nang matapos ay magkatabi silang humiga at pinag-usapan ang tungkol sa pamamanhikan niya sa pamilya nito sa bicol.Tinawagan narin niya ang kaibigan at kapatid para ipaalam ang pag-uwe nila sa bicol kinabukasan.

Nang matapos ang pakikipag-usap sa telepono ay parehong may ngiti sa kanilang mga labi bago nila tuluyang ipinikit ang mga mata para matulog.

------------------

BICOL

Masaya nilang pinag-usapan ang tungkol sa kasal.Kasama nila si Aling Eden na siyang nagsilbing Magulang ni Lawrence.Di rin nagpahuli ang magkasintahang Jurie at Nicole, dahil ayon sa mga ito, tutulong ang mga ito sa pag-aasikaso ng mga papeles para sa kasal nila at sa iba pang kailangang gawin.Di rin nagpatalo ang mag-asawang Kelvin at Janet na nagpresentang sila ang lalakad para sa gown ng bride and groom pati narin ang para sa mga abay.

Naitakda ang kasal dalawang buwan simula ng araw na iyon.Ayaw sanang pumayag ng pamilya ni Yanne dahil inaalala ng mga ito na baka daw hindi kayanin ng dalawang buwan sa dami ng mga dapat gawin.Ngunit dahil nga sa kakulitan ng apat, napapayag din nila ito.

Pagkalipas ng isang araw ay bumalik na sila ng maynila dahil naiwan ang batang si Akie sa Kaibigan ni Janet.Hindi nila ito naisama dahil may pasok ito sa iskwelahan ng araw na umuwe sila ng bicol.

Nagpatuloy at lalong lumalim ang pagmamahalan nina Lawrence at Yanne sa bawat pagdaan ng mga araw.Mas lalo nilang nakilala ang isat-isa at natanggap lahat ng good and bad sides ng bawat isa.

Matuling lumipas ang mga araw at buwan ng hindi nila namamalayan.Isang araw, masaya ang apat na nagbibiruan sa condo ng binata.Nag-inuman din sila at nagluto ng pulutan ang dalaga, ng bigla nalang magduduwal ang dalagang si Nicole.

Mabilis naman itong inalalayan ni Yanne, "Okie ka lang ba?" tanong niya dito at hinagod ang likod nito.

"I'm okie, may hindi lang nagustuhan ang sikmura ko," sagot nito.

"Mhie, sabi ko sayo, wag kana uminum eh! masama yan para sa baby." ang tinig ni Jurie na nagpalingon sa binatang si Lawrence na kampanteng nakaupo sa sofa.

"Baby?!" gulat niyang tanong.

"Yes, A baby!" ang tila proud pa nitong sagot.

"Agad-agad dude?" di parin makapaniwalang saad niya.

"Naman dude, sharpshooter atah to!" nakangising tugon nito.

Natigil naman sa pagsuka ang dalagang si Nicole at walang pasintabing binatukan ang nobyo. "Ulol! nakukuha mo pang magbiro diyan, ikaw ang may kasalanan nito!" galit-galitang sigaw ng dalaga at nameywang sa harap nito.

"Ako? Sino ba ang------Isa pa uling batok ang natanggap nito mula sa dalaga. " Sabi ko nga, ako ang may kasalanan," tila maamong tupa na wika nito at sumiksik sa gilid ng upuan.

Tawa lang naman ng tawa sina Yanne at Lawrence sa asal ng dalawa.Sanay na sila sa mga ito, away-bati pero nananatili ang pagmamahal sa isa't- isa.

Pasado alas-diyes ng gabi nang magpasya ang dalawang umuwe na.Magkatulong na niligpit ng magkasintahang Lawrence at Yanne ang kalat nila sa sala, at nang matapos ay humiga ang dalaga sa sofa at binuksan ang tv, samantalang ang binata ay pumasok sa kwarto at naligo.Paglabas niya ng banyo ay wala parin sa kwarto ang dalaga kaya pinuntahan niya ito sa sala, at nakitang nakahiga ito habang nanunuod ng tv.

Umupo siya sa paanan nito at yumuko.Dumako ang kanyang mukha sa bandang tiyan ng dalaga at inililis pataas ang damit nito.Nagulat naman ang dalaga sa ginawa ng binata kaya agad nitong ibinaba ang damit.

"Please, don't," ang mahinang anas ng binata at itinaas ulit ang damit nito.

"Ano ba gagawin mo?" ang kinakabahang tanong nito.

Napangisi ang binata sa itsura ng dalaga, "Ano sa tingin mo?" balik-tanong niya dito kasabay ang pagdampi ng labi niya sa may tiyan nito at huminto sa may pusod.

Napaigtad ang dalaga sa ginawa ng binata.Iba talaga ang epekto ng binata sa kanya, para siya nitong laging dinadala sa langit, kahit hindi pa nila natitikman ang kanilang putahe at wala pang nalabas na sabaw.(HAHAHA! I'm sure dami makarelate diyan )

Nagpatuloy ang binata sa ginagawa, nilaro ng labi niya ang pusod ng dalaga.Palihim niya itong tiningnan at sumungaw ang matagumpay na ngiti sa kanyang labi, bakit? hmmmmnnn...secret daw (blehhh)

Maya-maya pa'y umakyat ang kamay niya sa gilid ng dibdib nito at tiningnan ang reaksyon nito.Napatawa siya ng malakas dahil kulang nalang magtago ito sa damit nito.Huminto siya sa ginagawa at tinanggal sa mukha nito ang damit na itinakip nito.

"Ba't ka nagtatago?" natatawa paring tanong niya.

"Eh kasi, ikaw eh!" parang batang maktol nito.

"Bakit? Ano ba ginagawa ko?"

"Tinutukso mo'ko" mabilis nitong tugon.

Dahil sa sagot nito'y tuluyan na siyang napahalakhak, pero bigla nalang siya nitong sinipa kaya nalaglag siya sa upuan.Ito naman ang humalakhak sa kanya at tumalon-talon pa sa sofa," Lampa! Blehhh! buti nga sa'yo," wika nito at muling tumawa.

Hinila niya ito at napaibabaw ito sa kanya. "Sino ngayon ang lampa, ha?" nakangising tanong niya.

"Eh di---Eh di tayong dalawa!" sagot nito at isiniksik ang mukha sa didbib niya.

"Silly girl," wika niya at hinaplos ang buhok nito.

"Yabha ko?" ani Yanne at tumingala sa kanya.

"Hmmmnn?"

"I love you!"

"I love you too Yabha ko!" at kinintalan ito ng halik sa noo.

Nanatili silang magkayakap, hanggang sa hilahin na sila ng antok, nakatulog sila sa lapag.

MAKALIPAS ANG isang linggo ay umuwe silang lahat sa bicol, dahil dalawang araw nalang ay kasal na nila.Kasama na nila ang batang si Akie sa pagkakataong iyon dahil ito ang kinuha nilang ring bearer sa kasal nina Lawrence at Yanne.

Nang makarating sila sa bahay nina Yanne ay nanibago sila sa itsura nito, dahil bagong gawa ito at kumpleto sa kagamitan.Nagtatakang napatingin ang dalaga sa ina, ngunit umiwas ito ng tingin at niyaya sila sa kusina.Pinaghanda sila nito ng makakain at dahil mga gutom na, sabay-sabay silang dumulog sa hapag-kainan.

Nang mag-kasarilinan ang mag-ina ay kinausap ito ng dalaga tungkol sa bahay.

"Nay, pa'no ho kayo nakapagpatayo nitong bahay natin gayong ang alam ko kaunti palang ipon natin?"

"Naku! Anak, tanungin mo nalang ang magiging asawa mo, dahil siya ang may ideya nito." Mabilis nitong sagot, at naglakad patungo sa mga kaibigan na abala sa paggawa ng dulceng pili at mani (Minatamis na pili at mani).

"Kilan pa ho?" tanong niya sumunod dito.

"Simula nang huling punta niyo dito," sagot nito. "Natubos nadin pala natin yung palayan sa tiyuhin mo," patuloy pa nito.

"Siya parin ho ba ang nagbayad?"

"Ay, alangang ako!" pabirong sagot nito.

"Nanay naman eh!" napapadyak niyang maktol dito.

"Kumare, ipakilala mo naman sa'min ang manugang mo," narinig ni Yanne na wika ng isang matanda sa kanyang ina.

Lumapit siya sa matanda at nagmano.Nang makita ang binata ay kanya itong tinawag at ipinakilala sa mga taong naroon na tumutulong sa paghahanda.

"Aba'y magandang lalaki pala ito," ang mga nawika ng taong naroon.

"Hindi naman ho," ang nahihiyang si Lawrence.

"Marunong ka bang mag-pantomina?" tanong ng isa.

"Ano hong pantomina?" kunot-noong balik-tanong niya dito.

"Yabha, yun ang madalas sinasayaw dito kapag may ikinakasal," bulong ni Yanne sa nobyo.

"Ah," tanging nasambit ng binata.

"Madali lang naman ho atah sayawin ang pantomina," nakangiting sagot ni Lawrence sa matandang nagtanong.

"Madali nga, at galingan niyo, para madami ang kumabit sa inyo." pagkawika niyon ay naglakad na ito palayo sa kanila at nakiumpok sa mga lalaking nag-kakatay ng baboy.

"Yabha, anong ibig niyang sabihin?" aniya sa dalaga.

"Galingan mo daw sumayaw, para madami tayong makuha na pera," sagot nito.

"Pera?" ang naguguluhang binata.

"Hay naku! magpahinga kana nga lang.Sa araw ng kasal natin, makikita at malalaman mo ang ibig niyang sabihin." Ani Yanne at hinila na papasok ng bahay ang binatang di na naka-angal.

Dapit-hapon na nang magpunta sila Jurie at Lawrence sa taniman nila Yanne para manguha ng hilaw na saging, pang-halo sa lulutuing dinuguan.Habang abala ang mga kasama nila, pasimpleng itinuro ni Jurie kay Lawrence ang isang malaking puno ng akasya na sakop parin ng lupain nila Yanne.

"Dude, mukhang okie dun mag-honeymoon," aniya dito.

"Loko! Sa taas ng puno?" nakatikwas ang kilay na saad ni Lawrence.

"Oo, dude!" sagot nito. "Akong bahala! Gagawan ko ng paraan yan," dagdag nito na may pilyong ngiti.

"Dude, ayaw ko nang ganyang mga ngiti mo!" babala niya dito.

"Relax dude, like what i've said, i can manage!" at kumindat pa sa kanya.

Napailing na lamang si Lawrence dito at binitbit ang isang buwig ng saging.

SAMANTALA, nakipaglaro naman ang batang si Akie sa mga pamangkin sa pinsan ni Yanne.Naglalaro sila ng tagu-taguan nang bigla niyang makita ang dalagita na siya ring nakita niya sa palayan dati, sinilip niya ito at lumabas sa pinagkukublihan.Dahil sa babae, nakalimutan niyang nagtatago pala siya, kaya ang siste, naging taya siya.(HAHAHA!)

SHE'S A LAUNDRY GIRL                    by:M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon