Chapter 15

5.6K 151 0
                                    

  NAPUTOL ANG HALIKAN ng dalawa ng kalabitin ni Akie ang tiyuhin.Napatingin naman ang binata dito at nakaramdam ng pag-aalala lalo na nang makitang nakangiwi ang bata.

"Hey! What happened?" agad niyang tanong.

"Sumakit po ang tiyan ko."

Agad namang lumapit ang dalaga dito. "Ano bang kinain mo?"

"Madami po," tugon nito habang sapo ang tiyan.

Niyaya ng dalaga ang binata habang akay ang bata palabas ng court kung saan ginaganap ang sayawan.Dinala niya ito sa kakilala at pinahilot ang tiyan ng bata, pinalagyan niya din ng katas ng nga-nga ang tiyan nito para mawala ang pananakit.Nang di parin ito mawala, nagpasya na lamang silang umuwe.

Naabutan nila ang inang abala sa pagliligpit sa kusina.Ipinasok at pinatulog niya ang bata sa kwarto niya at lumabas din agad para tulongan ang ina.Si Lawrence naman nanatiling nakabantay sa dalaga.Hanggang sa natapos sila at nagpaalam ang nanay niya na matutulog na.

Tumuloy nadin sila sa kwarto niya at pumuwesto sa tabi ng bata. "Matulog kana," aniya sa binata. "Diyan kana lang sa kabilang banda."

"Panu sila Jurie?" tanong nito dahil hindi sila nakapagpaalam sa mga ito.

"Hayaan mo na sila, kasama naman nila si kuya Jeffrey."

"Okie, sabi mo eh!" at humiga nadin ito sa kabila.

"Lawrence?" tawag ni Yanne.

"Bakit?" anito at tumagilid paharap sa kanya.

"Kailan mo pa ko minahal at bakit?"

Ngumiti ang binata sa kanya, "I don't know how, basta ang alam ko, simula nang makita kita sa bus at sinigawan ang kapatid ko, naaliw na'ko sayo.That day, para akong bumalik sa pagka-teenager na kinikilig."

"You mean, nandon ka lang sa malapit?!" ang gulat na tanong ng dalaga.

"Yes!" ang nakangiting binata. "Actually, kahanay mo lang sa upuan," dagdag pa niya.

Para namang napahiya ulit ang dalaga, kaya tumalikod siya.Napansin naman iyon ng binata kaya tumayo ito at lumapit dito.

"Nahihiya ka ba?"

Napaunat naman ng higa ang dalaga nang makitang nakatayo ang binata sa tapat niya, dahilan para mapabangon siya.

"Medyo," amin niya.

Umupo ang binata sa silyang naroon at tinawag ang dalaga, nang makalapit ay pinaupo niya ito sa kandungan niya.Sumunod naman ang dalaga dito at yumakap.

"Sorry sa lahat, sa paghihintay sa'kin ng mahabang panahon, sa nangyari sa'yo at dahilan ng pagba--------"

Tinakpan ni Lawrence ang bibig ng dalaga gamit ang isang daliri.

"Ssshhhh...Everythings gonna be alright, we can make it right now, we can start and we can make a new memories, a good and sweet memories." aniya at kinintalan ito ng halik sa noo. " Stop thinking about the past, sulitin natin at bigyang halaga ang bawat araw na magkasama tayo, okie?"

Ngumiti din ang dalaga dito.

"Lawren----"

"Isa pang tawag sa pangalan ko, hahalikan kita!" aniya na may pagbabanta.

"Ano ba dapat?" nakangusong tanong nito.

"MAHAL!" aniya.

"MAHAL?" ulit niya sa sinabi nito.

"Yes! Diba sweet naman?" aniya at kumindat pa dito.

"YABHA nalang, mas okie pa," tugon naman nito.

"What is the meaning of it?"

"Salitang bicol ng mahal ang Yabha, what do you think?" sagot nito at hinaplos ang kanyang mukha.

"Hmmnn...Sounds good, okie Yabha!" at niyapos niya ang dalaga ng mahigpit.

"Oh, siya, matulog na tayo, baka gusto niyong bukas mamasyal sa bukid."

"Okie, sige, gudnyt yabha ko, i love you!"

"I love you too!" sagot ng dalaga.

Hinawakan ng binata ang mukha ng dalaga at siniil ito ng mabining halik.Maya-maya pa'y bumitaw na ang dalaga at tumayo.

"Gudnyt!" sabay nilang wika at humiga na.

KINA-UMAGAHAN AY naligo ang anim sa sapang di kalayuan sa bahay ng dalaga.Tuwang-tuwa ang batang si Akie, dahil ayon sa binata, unang pagkakataon na nakapunta ito ng sapa.Tanghali na nang magpasya silang umuwe.

Pagkatapos mananghalian ay nagsi-tulog silang lahat dahil balak nilang pumunta sa bukid.Pagsapit ng hapon lumakad nga sila at nanguha ng bayabas, pili, at sampalok.

Nanguha din sila ng kamote.

"Tita, pula lang ba ang kulay ng kamote?" tanong ni Akie kay Nicole habang binubungkal nito ang puno ng kamote.

"Hindi, meron ding puti," sagot naman ng dalaga.

"Pa'no malalaman ang pagkakaiba nila?" patuloy nitong usisa.

"Kapag puti ang laman, kulay green naman ang dahon nito." ani Nicole. "at kapag pula naman, pula din ang dahon nito."

"Ah ganun po pala," nakangiti nitong saad.Nang may makitang bulaklak ng kalabasa sa gilid ng kamotehan, tinakbo at pinitas ito ng bata.Inipit nito iyon sa kabilang tainga nito at nagsimulang kumanta.

ANG GANDA KO
FEEL NA FEEL KO ANG FLOWER
ANG GANDA KO
TALBOG KAYO SA BEAUTY KO

ANG GANDA KO...

Napahagalpak sa tawa ang apat dahil sa kakulitan ng batang si Akie.Iiling-iling naman na pinagpatuloy ni Lawrence ang pangunguha ng kamote.Malapit nang mapuno ang sako nilang dala nang magdesisyon silang umuwe na.

Habang nasa daan ay may natanaw na palayan ang binatang si Jurie, di kalayuan sa pwesto niya.

"Yanne, pwede ba tayong pumunta banda roon?" tanong niya sa dalagang kaagapay si Lawrence sa paglalakad.

"Gusto niyo ba?" ani Yanne na tumingin sa apat.

"Gusto!" panabay na sagot ng mga ito.Kaya lumihis sila ng daan at tinahak ang papuntang palayan ng tiyuhin niya.

"Kanino bang palayan ito?" tanong ni Lawrence.

"Dati, sa'min ito, pero nang magkasakit ang itay at namatay, napunta na ito sa tiyuhin ko." malungkot na saad ni Yanne.

Ramdam ng binata ang lungkot sa boses ng dalaga ng sambitin ang ama nito.Inilibot niya ang paningin sa palayan, malawak ito kung tutuusin.

"Pag maka-ipon ako, balak ko itong bawiin dahil pinaghirapan ito ng itay," dagdag pa ng dalaga na ikinalingon ng binata.Dahil dun, may naisip siyang paraan.

Pinagpatuloy nila ang paglalakad hanggang sa may makita silang nag-aararo.

"Wow! parang ansarap sumakay sa kalabaw, " ang nasambit ng bata.

"Gusto mong subukan?" tanong dito ni Jeffrey.

"A--ayaw ko po! natatakot ako," tugon nito.

Pero pinilit ito ng binata at nagpatiunod na lamang ang bata.Hiniram ni Jeffrey ang kalabaw sa lalaki, at dahil kilala naman siya ng may-ari, pumayag din ito.Takot man si Akie, ay dagli rin itong nawala lalo na nang iangkas na siya ni Jeffrey.Kung kanina ay nag-aalangan, ngayon nama'y tila ayaw nang bumaba ng bata.Kailangan pa itong sigawan ng tiyuhin para bitawan nito ang kalabaw at ibalik sa may-ari.

"I'm Sorry kung nasigawan kita," wika ni lawrence sa pamangkin nang mapunang hindi na ito kumikibo.

"I'm sorry too tito, nagiging matigas ang ulo ko at di nakikinig sa inyo." tugon nito na may luha sa mga mata.

"It's okie, wag mo na lang uulitin, ha?" at kanyang pinahid ang mga luhang nasa mata nito.

"Opo."

Niyakap at binuhat ito ng binata habang tumatawid sila sa may pilapil.Maya-maya nakaisip ng ideya ang binatang si Jurie.

"Mga dude, may naisip akong deal."

"Ano yon?" panabay na wika ng dalawang binata.

"Kung sino man ang mahulog sa'tin habang tumatawid dito sa putikan, susundin niya ang ipag-uutos ng mga nanalo."

"Okie yan," ani Nicole at Yanne na excited.

"Okie, deal!" magkasabay na wika ng dalawang binata.

"Tito, ako din po," anang bata .

"Sigurado ka?" tanong ng tatlo.

"Opo."

"Okie," sagot ni Lawrence at ibinaba ito.

Nag-umpisa sila sa deal, bawat isa ay ingat na ingat sa paghakbang, lalo na ang batang si Akie, bukod sa makitid ang daanan, hindi rin siya sanay.Hanggang sa may matanaw siya sa kabilang pilapil, isang napakagandang tanawin ang nagpatigil sa kanya sa paghakbang.Isang dalagita na nakasuot nang bestidang kulay pink, at ang buhok nito'y masayang sumusunod sa bawat galaw nito.

Natigil naman sa paghakbang ang mga binata nang mapansing, hindi gumagalaw ang bata.Sinundan nila ng tingin ang tinatanaw nito at pasimpleng nagsikuhan, hanggang sa nagsalita si Jeffrey.

"Akie, move faster."

"Okie, po." sagot nito na tila wala sa sarili kung kaya't dumulas ang isang paa nito at tuloy-tuloy na nahulog sa putikan.

Nagkatawanan ang lima dahil sa nakita.

"So, pa'no ba yan? Talo ka, sigurado ka bang gagawin mo at susunod ka sa deal?" ani Jurie.

"Opo."

"Okie, kailangan pagbalik natin sa maynila, magpa-circumcised kana!" wika ni Lawrence.

Nanlaki ang mga singkit na mata ng bata sa narinig, "TITO, NO!!!" ang hiyaw nito.

"Bigboy ka na diba? Saka diba gusto mo siya?" ani Jurie at itinuro ang babae sa kabila.

"Opo," mabilis na sagot ng bata.

"P'wes, nakakasiguro kami, ayaw niya sa lalaking hindi pa tuli!" ang tatlo na tawang-tawa sa itsura ng bata.

Napapadyak ito dahilan para lalo itong lumubog sa putikan.Kaya napaiyak ito, pero di naglaon, tumigil ito at nagsalita habang hawak ang pototoy, este ang pundilyo ng suot na short.(hahaha)

"Oo na po, magpapatuli na ako pagbalik ng maynila." kanyang sagot na ikinatigil ng lima.

"Good boy," ani Jeffrey at tinulongan ang batang makaahon.

Pagkatawid sa pilapil ay magkakahawak ang kamay na tinalunton ng anim ang daan pauwe sa bahay nila Yanne.Nang makarating sa bahay ay agad pinaliguan ng dalaga ang bata, samantalang nauna nang nagpahinga ang tatlo.Matapos paliguan ang bata, pinatulog na niya ito at tinawag ang binatang si Lawrence, na masinsinang kausap ang kanyang ina sa may kusina.

"Sandali lang Yabha ko," ang narinig niyang sagot nito, kaya umupo muna siya sa may sala at inantay ito.

Nang lumabas ito mula sa kusina ay tumuloy na sila sa kwarto at naabutan nila ang himbing na natutulog na si Akie, marahil dahil sa pagod kaya mabilis itong nakatulog.Humiga nadin sa magkabilang panig ang dalawa at pumikit na parehong may ngiti sa mga labi.

------

ALAS-SINGKO ng madaling araw nang gumayak ang anim pabalik ng maynila.Bitin man sa bakasyon ay masaya naman ang lahat dahil sa mga karanasan nila sa bicol.

Habang nasa isang sulok, tahimik ang batang si Akie.Napangiti siya nang maalala ang babae sa palayan at ang sinabi ng tatlong binata.Wala sa sariling kinapa niya ang harapan ng short, "MAGAGAMIT DIN KITA, SOON!" ang piping usal niya sa sarili at ipinikit niya ang kanyang mga mata.

SHE'S A LAUNDRY GIRL                    by:M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon