Oh my Ghost
Chapter 5
Di n natiis ni philip ang kakulitan ng multong nasa bahay niya. Kaya nagpatawag siya ng pari para ipabless muli ang kanyang bahay.
Habang nagbabasbas ang pari. Iwas dyan iwas dito lng ang ginagawa ni ruth. Nakangiti pa ito n parang nang aasar.
"Father, nasa kanan niyo po siya"wika ni philip.
Binasbasan naman ng pari ang kanan niya ng holy water.
Pero naka iwas si ruth at tumatawa n walang tunog.
Tinignan niya si philip saka binelatan.
"Father pwede po ba ako ang magbasbas?"wika niya.
Ibinigay naman ng pari ang bote.
Bago pa maibasbas ni philip ang bote tumagos n si ruth sa bubong.
Tumatawa ito na nakaupo sa bubong. Di naman kasi siya mapapalayas ng holy water lang dahil hindi naman siya bad spirit.
Umalis lumabas siya para tumigil na si philip sa ginagawa nito.
Samantala nakangiti naman si philip sa pag aakalang umalis n si ruth at di na babalik pa.
Nagpaalam n ang pari at siya naman ay. Patalon humiga sa sofa. Nakatingin sa kisame ng biglang.....
"AHHHHHHHHHHHHHHHH!!"
"HAHAHAHAHA kala mo ah bleeeeh!"
"bakit ka pa nandito?"wika ni philip.
Babangon n sana siya ng lapitan siya ni ruth.
"FYI di ako bad spirit! Kaya kahit anung gawin mo di mo ako mapapalayas."bulong nito sa kanya.
"mapapalayas din kita balang araw!"
"hahahaha, aalis ako kung kasama kita. Bilisan mo kasing mamatay para magsama n tayo sa heaven"
"sira ulo kng multo ka!"
"ouch, sakit nun!"
"talaga! Dyan ka na nga!"wika ni philip at pumunta siya sa banyo para maligo.
Inumpisahan na niyang hubarin, ang t-shirt niya ng biglang sumulpot si ruth.
"hoyy sinabihan na kitang huwag kang basta basta susulpot ah!"
"hihihi,sorry!! Wow ang macho mo talaga!"wika ni ruth sabay yakap sa kanya.
Nakaramdam naman ng lamig si philip.
Kinikilabutan siya sa ginagawa ni ruth.
T-shirt palang ang natanggal niya, ano pa kaya kung pati boxer niya huhubarin niya. Baka mas lalong siya nitong pagnasahan.
"alis maliligo ako!!"
"ayaw, tanggalin mo na yan sa baba"
"sira ulo ka talaga, alis na diyan! baka gusto mong kukuha ako ng ipis!"
"hihihi, di na ako takot dun!!"
"pambihirang multong to, wala man lang pangontra!"bulong niya sa sarili.
"may sinasabi ka?"
Di siya sumagot. Pumasok na siya sa shower room at itinapat ang katawan sa shower.
Di n niya tinanggal ang pang ibaba niyang damit. Dahil kasama niya si ruth mismo sa shower room.
Nang matapos n siyang maligo, aabutin n sana niya ang towel niya ng biglang tumaas ito.
Hawak hawak ni ruth ang towel niya.
"hoyyy ibigay mo yan sa akin!"inis n wika ni philip.
"allow me!!"wika ni ruth sabay punas sa kanya.
Inaagaw naman ni philip ang towel ng pupunasan na ni ruth ang below the belt niya.
Nakasimangot naman si ruth. Akala niya magagawa na niya ang iniisip niyang kalokohan kanina.
Padabog isinara ni philip ang pintuan ng banyo.
Inis n inis siya sa ginagawa ng multong kasama niya.
Dumating ang gabi, tumunog ang cellphone niya.
Agad naman niya itong sinagot.
Si christine jane ang tumatawag.
Nakita naman ni ruth ang nakarehistro kaya nakaramdam siya ng lungkot.
"Hellow christine, kumusta?"
"ok lang naman, ikaw kumusta ka jan?"
"di nga ok eh, may pasaway kasi dito"wika ni philip n nakatingin sa malungkot n si ruth.
"sino?"
"ung multo!" diretsong sagot niya.
Bigla naman tumawa ang kausap sa linya.
Oo nga pala sino ba naman ang maniniwala sa kanya n nakakakita siya ng multo.
"nasa maynila na ba kayo?"tanong niya.
"oo, kakarating lng namin, pasyal ka dito bukas ah"
"sige, isasama ko ung multo"
mas lalong tumawa si christine.
"ok siya sige.. Isama mo siya para makilala namin"
"sige!"
"bye, and good night!"
"bye!"wika niya at saka pinutol ang pag uusap nila ni christine.
"bakit ka malungkot jan?"wika niya.
Di kasi siya sanay n malungkot ang kasama niyang multo.
Dalawang linggo na niya itong kasama. Pero ngaun lng niya nakitang malungkot.
Di ito sumagot.
Nagtataka naman si philip sa inaasta ng multong kasama niya.
"hoyy anung problema mo?.. Ay teka di naman namomoblema ang multo ahh"
"ikaw ang problema ko!"
"ha! Paano naging ako, ako nga ang problemado sa iyo eh..di kita napapalayas"
"hmmmp kainis..ang tagal mo kasing mamatay!"
"aha, nagseselos ka? Hahaha, nagseselos pala ang multo ngaun ko lng alam!"
"oo nagseselos ako, sa kausap mo, for sure maganda yan. Sana buhay pa ako para aagawin kita sa kanya!"
"bakit, may gusto ka sa akin?"
"MEROM!"
"huwag kang sumigaw, di ako bingi"
"wala lang, deadma lang siya, wala talaga akong pag asa. Sana mamatay na siya para makasama ko siya"bulong ni ruth sa sarili.
Nagulat naman si philip sa sagot nito.
Akala niya ayaw lang ni ruth n may iba itong kausap.
Kasi dati sa mall may mga babaeng lumapit sa kanya. Bigla nalng ginalaw ni ruth ang mga buhok ng mga ito. Natakot ang mga babae kaya tumakbo sila palayo.
Tinanung niya kung bakit, sabi niya ayaw daw niya ng may kausap ako.
Siya lng daw ang kakausapin niya.
Pero ang totoo pala may gusto pala sa kanya ang multong kasama niya. It's imposible!
Anu un, multo na nakakaramdam pa ng pag ibig.
"huwag ka ng mag alala, kaibigan ko naman ung kausap ko, sama ka bukas para makilala mo siya"
"talagang sasama ako, papatayin ko sa takot ang babaeng yun"
"subukan mo lng, ikaw ang papapatayin ko!"
"helow patay n ako no!"
"edi idouble dead kita"
"ganun!"
"oo kaya wag mo silang tatakutin bukas ok"
"ok boss!"
"good"
"bad"
"what ever!"

BINABASA MO ANG
Oh my Ghost (COMPLETED)
RomanceThe story of a man with severe heart disease and came to him an annoying ghost who taken his heart.