Oh my Ghost
Chapter 2
Di n muling nakatulog si philip, paano ba naman kasi siya makatulog, kahit saan siya pupwesto tumatabi sa kanya ang multong si ruth.
"Philip pogi, di kaba matutulog?"
"hindi!"tipid niyang wika.
"matulog kana, babantayan kita"wika ni ruth. May binabalak kasi itong kalokohan.
"paano ako matutulog kung kahit saan ako pumunta nandun ka, baka mamaya pag tulog ako, kung anu pa gawin mo sa akin"
"wala naman akong gagawin sa iyo noh, sige na matulog kana"
"mamaya na di pa ako inaantok!"wika niya sabay tayo.
Nauuhaw kasi siya kaya nagtungo siya sa kusina.
Di niya naramdaman na nakasunod sa kanya si ruth, kaya kampante siyang walang itong kalokohang gagawin.
Bunuksan niya ang ref at....
AHHHHHHHHHH!!!
"hoyyy tumigil ka nga kanina ka pa sigaw ng sigaw!"wika ni ruth n nasa loob ng ref.
Inhale exhale, inhale exhale.
Ang ginagawa ni philip, parang sumasakit kasi ang dibdib niya, dahil sa gulat niya.
Sino ba naman di magugulat, pagbukas mo ng ref.
Mukha ang bumungad sa iyo.
"WALA K NG IBANG GINAWA NGAUNG ARAW N ITO KUNDI GULATIN AKO!! DI KA BA NAKIKINIG! ANUMANG ORAS PWEDE AKONG MAMATAY!!"mataas n tonong sermon ni philip kay ruth.
Ngiting ngiti naman si ruth, kahit n tinaasan n siya ng boses ni philip.
Aaasar naman si philip dahil kahit magalit siya sa multong si ruth, di pa rin ito natitinag.
"yun nga gusto ko eh, para makasama n kita sa heaven!"nakangiting wika ni ruth.
"you're annoying!!"
Lumapit sa kanya si ruth.
"hoyy anung gagawin mo?"wika ni philip n di alam ang gagawin.
"di sumagot si ruth, pumikit siya at hinalikan si philip.
Nagulat naman si philip sa ginawa ni ruth, nakaramdam siya ng pagdampi ng malamig n bagay sa kanyang labi.
"yeheyyy nahalikan n kita!! "nagtatalon wika ni ruth.
Tulala pa rin si philip sa ginawa ni ruth.
Di niya alam kung mandidiri o something basta ewan, kung anu ang nararamdaman niya.
"ako ba first kiss mo?"tanong ni ruth sa kanya.
"hin...di"
"kainis naman akala ko ako ang first kiss mo, kasi ako ikaw ang first kiss mo."nakahalukipkip n wika nito.
Di naman sumagot si philip, kumuha siya ng isang bote ng tubig at naglakad n siya pabalik sa kanyang kwarto.
Humiga na siya sa kama pagkainon niya ng tubig.
Ipinikit n niya ang kanyang mga mata, mayat maya naramdaman niyang may yumakap sa kanya.
Napadilat siya at bumungad sa kanya si ruth n nakadagan at nakayakap sa kanya.
"hoyyy umalis ka nga jan"wika niya pilit hinahawakan ang braso ng dalaga. Pero bigo siya.
"hoyyy aliss sabi eh!!"wika niya.
Di pa rin umaalis si ruth.
Siya ang bumangon at nagtungo nalang sa sala.
Akala niya di siya sinundan ito pero sunundan pala siya.
"wala ka bang ibang maisip kundi mang asar!"wika niya.
"di naman ako nang aasar eh, gusto lng kita makatabi!"
"pwes ako ayaw ko!! Umalis kana!!"wika niya.
"ayaw ko nga!"wika ni ruth sabay upo sa sofa.
Kinuha ni philip ang rosary n nakasabit kay santo niño at inilapit kay ruth. Nagbabaka sakaling umalis ito.
"anu yan?"tanung niya.
"di ka ba natitinag dito?"
"hindi, ahahahaha alam ko na akala mo takot ako jan, hihihi di naman ako bad spirit eh"natatawang wika nito.
Inis naman n ibinalik ni philip ang rosary.
"bakit ayaw na ayaw mo ako?, mabuti nga may kausap k dito kayasa wala."
"meron nga akong kausap multo naman, hindi un ok, paano kung makita ako ng mga kapit bahay ko dito n kausap kita. Baka iisipin nila,nababaliw n ako."
"huwag mo silang pansinin"
"madaling sabihin yan pero mahirap kapag ikaw ang laman ng tsismis."
"sige magbehave na ako, basta lagi akong nasa tabi mo ahh."
"bumalik ka nalang sa pinanggalingan mo. Huwag mo n akong guluhin!"
"ayaw ko nga!"ang saya kaya dito, may gwapo at macho. Sana nung buhay pa ako, nakilala n kita"medyo malungkot niyang wika.
Natahimik naman si philip sa sinabi nito.
Oo gwapo at macho siya, pero di niya tanggap n isang multo ang magnanasa sa kanya.
"paano ka pala namatay?"tanong niya.
"car accident!"wika niya.
"anung taon?"
"kahapon lng, nakita nga kita eh"
"ha?"kunot noong wika niya.
"ako ung naaksidente sa kahabaan ng NLEX."
Biglang nagflashback ang nangyari kahapon.
Kaya pala parang familiar ang mukha ng babaeng ito.
"ung totoo sa iyo ba talaga tong bahay n ito nuo, o gawa gawa mo lng?"
"akin talaga to, pinabenta ko lng."
"bakit ka pa bumabalik dito?"
"dahil may mga masasayang ala ala dito sa bahay na ito. At nandito k din!"wika ni ruth na nakangiti.
"anu naman un?"
"secrect!!"
"hmmm ok!"wika ni philip at binuksan nalang ang TV.
BINABASA MO ANG
Oh my Ghost (COMPLETED)
Roman d'amourThe story of a man with severe heart disease and came to him an annoying ghost who taken his heart.