The Finale Oh my Ghost

67 3 0
                                    

Oh my Ghost

The Finale

Natapos ilibing sina philip at ruth sa MMP umuwi na ang mag asawang christine at nathan.

Masakit man ang nangyari pero kailangan nilang tanggapin.

Sayang hindi man lang sila nakapag honeymoon.

Ang sama kasi ng matandang yun, sarap patayin.

Pagdating sa kanilang bahay agad na umakyat ang mag asawa.

pagdating nila sa kanilang kwarto parang may naririnig silang boses ni philip at ruth na naghaharutan sa kabilang kwarto na siyang  kwarto ni philip.

"princess ko naririnig mo yun?"tanong ni nathan kay christine.

"oo, boses ni philip at ruth, parang naghaharutan."sagot naman ni christine.

"princess ko, di kaya minumulto nila tayo kasi hindi natin sila nailigtas?"

"huwag naman, makukunan ako ng wala sa oras niya eh!"

Tila nagulat naman si nathan sa narinig.

"buntis kana princess ko, yeheyyy magiging tatay na ako!"tila napasigaw na wika ni nathan.

"napakagat labi naman si chrsitine, balak sana niyang sabihin kay nathan na buntis na siya sa mismong kaarawan nito.

Pero wala na, nasabi na niya.

"oo, balak ko sanang sabihin ito sa birthday mo eh, pero nasabi ko na"nakangiting wika niya.

Nasa kalagitnaan sila ng pag uusap ng makaramdam sila ng isang malamig na bagay na parang yumakap sa kanila.

Tila nanginginig sa takot si christine at humigpit ang kapit niya sa kanyang asawa.

"philip at ruth, kung nandito man kayo, please huwag naman kayong manakot oh, sorry kung di namin kayo natulungan agad!"wika ni christine.

Patay sindi ang ilaw, na mas lalong nagpanakot kay christine.

Sobra naman ang yakap ni nathan kay christine.

---------------------------------------------------------------------------------------------

Umalis si ruth sa harap ng ilaw, balak niya sanang ipahiwatig na nandun sila, pero iba naman ang kinalabasan ng kanyang naisip. Mas natakot sina christine at nathan.

Samantala todo yakap pa rin si philip sa mga kaibigan takot na takot.

Lumapit sa kanya si ruth at hinawakan ang kamay nito. At dinala sa mismong harap ng salamin.

--------------------------------------

Ginalaw naman ni ruth ang isang bote na nakapatong sa harap ng salamin para mapatingin sina christine at nathan sa kanila.

Wala silang balak manakot, gusto lang nilang sabihin sa mga ito, na nag ingat at mahal na mahal sila ni philip.

Napatingin sina christine at nathan sa salamin ng mahulog ang isang bote ng pabango.

"philip, ruth?"tanong ni christine.

"huwag kayong matakot sa amin, di naman kami nananakot, gusto lang namin magpaalam sa inyo, dahil aakyak na kami sa itaas, mag ingat kayo lagi at alagaan niyo ang isa't isa. Lalo na ang inyong magiging anak. Nathan ikaw na ang bahala sa kanila, at pati na rin kay arjay at pherly, tulungan mo silang magkagusto sa isa't isa.

Bye guys and i love you both! Don't worry i'm happy with ruth. Mahal ko na siya! "nakangiting wika ni philip habang unti unting nabubura ang katawan nila ruth.

Hanggang sa nawala na sila ng tuluyan.

Nang mawala na sila philip at ruth, napaiyak naman si christine sa sinabi ng kaibigan nila. He's so nice, iniintindi pa rin niya ang iba kahit n sarili niyang buhay ay nawala.

How she wish na sana maging masaya sila lagi ni ruth kung saan man sila naroon.

Todo naman ang punas ni nathan sa mga luha ni chrsitine.

"tama na princess ko, ok na sila they are now happy, kaya dapat masaya na tayo!"

tumango naman si christine saka humiga na siya.

Tumabi naman si nathan sa kanya.

Hanggang sa makatulog sila.

--------------------------------------------------------------------------------------

Writer notes:

Hindi lahat ng parte sa storyang ito ay puro kulitan,tawanan at pagpapasaway meron din takutan. Horror ang title pero ginawa kong masaya, hindi kasi lahat ng horror ang title nakakatakot na, may horror parts din ito. Pero mas itinuon ko ang mga pangyayari sa love story ng dalawang bida. Paranormal love story ika nga, dahil dinala nila ito sa kanilang pagmamahalan sa kanilang pagkamatay. At ipagpapatuloy nila iyon sa kabilang buhay.

This story is a happy ending, patay man ang mga bida. Pero masaya sila at nagmamahalan sila sa kabilang buhay.

Oh my Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon