9 Oh my Ghost

89 2 0
                                    

Oh my Ghost

Chapter 9

Matapos ang check up ni philip, bumalik siya sa kwarto ng katawan ni ruth. Nakapag desisyon na kasi ang kaluluwa ni ruth na bumalik na sa katawan niya. 

Pagdating sa kwarto naabutan niya si dhana na naka upo sa side ng kama ni ruth.

"andito na kami, she's ready!"wika ni philip.

Napangiti naman si dhana sa narinig.

"paano pala ako babalik diyan pogi?"tanung ni ruth, wala siyang idea kung paano siya makakabalik sa katawan niya.

"aba ewan ko, paano ka ba umalis diyan?"tanong din ni philip.

"di ko alam basta nung nagising ako, ganito na ako."

"hmmm, subukan mong humiga sa ibabaw ng katawan mo"

Sinubukan naman ni ruth,

makaraan ng ilang minuto, bumangon siya.

"hindi effektib eh"

"subukan mong tumalon, diyan sa katawan mo" 

Sumunod naman siya.

Maya maya umalis ulit.

"ayaw din eh"

"halla paano yan?"

"ewan ko, huwag nalang akong bumalik diyan, baka talagang mamamatay na ako."wika ni ruth.

"sira ulo ka talaga, nakakadalawang try ka palang eh, sumusuko kana!"

"eh di naman effektib eh "

"hayy naku, mag isip ka kasi, di lang ako ang nag iisip!"

Nilagay naman ni ruth ang kamay niya sa baba niya, kunyari nag iisip,

pero iba ang naiisip na kalokohan.

"alam ko na!"wika ni ruth.

"hihiga ako ulit diyan, tapos halikan mo ako, parang sleeping beauty.

Malay mo gigising ako kapag hinalikan ako ng prince charming ko!" wika ni ruth na may halong ngiti sa labi.

"Ano! Ok ka lang, bakit kita hahalikan, di mo ako prince charming noh!" bulyaw ni philip.

"prince charming kaya kita, love kita noh, simula nung nakita kita sa NLEX!"

"ah basta ayoko!"

"sige na please! Kiss lang naman eh, malay mo totoo!"

"ayaw!"

"please pogi plese!"wika ni ruth.

"ayaw, diyan ka na nga!"wika ni philip at nag umpisa na siyang lumakad papalapit sa pinto.

"philip! Bakit ka na aalis, di pa nagising si ruth, akala ko ba ready na siya!"wika ni dhana.

Nilingon niya si dhana.

"sinubukan na niyang bumalik pero ayaw, siguro dahil wala sa isip niya ang ginagawa niya, kaya di effektib ang naiisip kong paraan."

wika ni philip.

"mukhang tama ang hinala niya, iba siguro ang iniisip ni ruth. Ang tanong anu ang iniisip niya? Huwag naman sanang kalokohan.

"try again please, baka pwede na!"wika ni dhana.

"oh narinig mo un, try daw, payag kana kasi, kiss mo ako, paano na kung magising na ako, papakasal tayo ayaw mo akong ikiss!"wika ni ruth.

"ANO! Anung kasal, hoyy kung anu anu ang iniisip mo ah!! "

Oh my Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon