Oh my Ghost
Chapter 3
Kinagabihan, di n matiis ni philip ang hindi matulog, kaya pagkatapos kumain dumeretso na siya sa kanyang kwarto para matulog.
Sunod naman ng sunod si ruth.
Animo'y bunto't ni philip.
Nang masiguro na ni ruth na tulog na si philip. Naisip ni ruth ang plano niya kanina na hindi natuloy.
Humiga siya sa kama ni philip at pinaghahalik niya ito.
Tuwang tuwa siya sa kanyang ginagawa. Siguro kung buhay lng siya baka, puro kiss mark n ang buong mukha nito.
Sumapit ng umaga nagising n si philip, agad siyang nagtungo sa banyo.
Nawala sa isip niya n may multo pala n sunod ng sunod sa kanya.
Habang naka upo sa inidoro, papikit pikit pa siya.
"ang baho naman!"reklamo ni ruth.
Napamulat naman si philip sa narinig.
"AHHHHHHHHHHH!!"wika niya sabay suot ng boxer short niya.
Naudlot tuloy ang kanina pang gustong lumabas.
"hoyyy ikaw! wala k bang pinipiling lugar, pati ba naman dito!"inis n wika niya.
"sabi ko sa iyo babantayan kita eh"
"di ko kailangan ng body guard, kaya ko ang sarili ko, kaya pwede ba lumabas k dito!"
"ayaw, di na ako titingin promise!"
"LABAS!!"sigaw niya.
Di pa rin ito natinag sa sigaw niya.
Kinuha niya ang biday at inispray sa kay ruth. Akala niya tatamaan niya un pala hindi.
Naiinis n siya dahil wala man lang siyang laban sa multong nang iinis sa kanya.
"Parang awa mo n lumabas ka na, di ko magawa ang gusto kong gawin kung nandito ka!"
"anu ba ung gagawin mo?"maang tanong ni ruth.
"huwag ka ng magtanong, lumabas ka nalang!"malumanay niyang wika.
"ayaw!"sige n gawin mo nalang ung gusto mong gawin, dun nalang ako sa shower room.
"wika ni ruth at nag umpisa n siyang lumakad patungo sa shower room.
Umupo naman ulit si philip sa inidoro.
Nasa kalagitnaan siyang pag iri ng makarinig siya ng sigaw n nang gagaling sa shower room.
Di niya alam ang gagawin, itutuloy ba niya ang ginagawa niya oh pupuntahan si ruth n sumigaw.
Pero mas pinili niyang puntahan si ruth sa shower room.
Pag bukas niya ng pinto,bigla nalang siyang nakaramdam n may yumakap sa kanya.
"ipis ipis ipis!"wika nito.
"hoyy bumitaw ka nga, ang lamig mo!"inis n wika niya.
"may ipis eh!"
"multo kana di ka na niyan nakikita noh!"
"kahit na, takot ako dyan, patayin mo na!"utos nito.
Agad naman niyang kinuha ang tsinelas. Papaluin sana niya ang ipis ng bigla nalang itong lumipad sa ulo niya.
"Ahhhhhhhhhh"sigaw muli ni ruth.
At bumitiw siya sa pagkakayakap kay philip.
"huwag ka ngang maingay nakakarindi ang boses mo! Lumabas kana kung ayaw mong ibigay ko ito sa iyo!"wika niya na hawak hawak ang ipis.
"ahhhh!!! Huwag mo yan ilapit!"
"lumabas kna kasi!"
"sige lalabas na ako"wika nito sabay tagos sa pader.
Naiwan naman tumatawa si philip, ngaun alam n niya ang panlaban niya sa multong laging nang iinis sa kanya.
Naisip ni philip maglakad lakad, para kahit papano makapag exercise siya.
Bawal kasi sa kanyan ang tumakbo.
Nasa kalagitnaan siya ng paglalakad ng mapansin sumusunod pala si ruth sa kanya.
"philip pogi, bakit di ka magjogging?"tanung nito sa kanya.
Di niya ito pinansin. Marami kasing tao, baka pag kausapin niya. Mapagkamalan pa siyang baliw.
"philip pogi, pansinin mo naman ako!"
mas lalo niyang binilisan ang paglakad niya.
Nakarating siya sa isang parke. Umupo siya sa may bench at saka inilabas ang kanyang cellphone. Nagpatugtog nalang siya para di niya marinig ng sinasabi ng ksp multo.
BINABASA MO ANG
Oh my Ghost (COMPLETED)
RomanceThe story of a man with severe heart disease and came to him an annoying ghost who taken his heart.