Chapter 1- Love 6

36 4 0
                                    

Carlo Pov
Nakatransfer na nga ako. Di ko inakala na ang babaeng palagi kong nakikita at nabubunggo ay kaklase ko pala. Ika ilan kaya siya sa top? By the way lumipat ako ng school dahil may away na naganap. Nalaman kasi ni mama na may babae si papa kaya ayun nagkakagulo. Pinili kami ni papa kaysa doon. Nalaman kasi ni mama na ang babae ni papa ay isang teacher sa school ko noong Grade 7. Ang gara ng pagwelcome saakin ng mga estudyante dito. Mukhang mababait naman. Pinakilala na ako ni Teacher Rose sa mga classmates ko. Ngunit pinalabas kami ni Janalyn dahil ang daldal raw namin. Mukhang friendly itong si Janalyn. Alalang-alala ito sa lesson na namiss niya. Siguro, pasok siya sa top 10. Nagsorry ako sa kaniya dahil kasalanan ko. Nakinig na lang ako ng music at naglalaro ng game "Geometry Dash Meltdown". Ilang minuto nakita ko na wala na pala si Janalyn. Tiningnan ko yung schedule, recess na pala. Kinausap ko yung lalaki na classmate ko. Nagpakilala ako.

Carlo: Hi bro Im Carlo Dred asan po ba yung school canteen dito?

Ryan: ahh actually papunta na ako roon eh. Gusto mo na bang sumabay?

Carlo: Okay.

Sumabay na ako sa kanya bumili na ako ng food. At umupo sa last left side na table. Pumunta narin si Ryan sa kaniyang mga barkada. At ako lang mag-isang kumakain.

Jane Pov
Kumakaim na kami at nagkaroon na naman ng katuwaan. Haha. Dumating palang si Ryan. Sabi niya inentertain niya raw yung Carlo. At bigla kong napansin, mag-isa lang itong kumakain. Walang kaibigan. Nakatingin ang lhat kay Carlo at bigla sabi ni Serena "Guys invite kaya natin siya rito". "Oo nga para friend natin si rich boy haha" Reyna replied. Kinausap ni Ryan si Carlo na magjoin sa amin. Nakijoin narin saamin si Carlo at nagjoke sina Hudson, Ryan at John. Ang cute ng barkada naming lalaki. Hehe. Buti nga nagkaroon kami ng kaibigan na tulad nila. At biglang sabi ni Tristan "Guys kung isama kaya natin si Carlo sa group natin?". Sabi ni John "Great idea!". Okay lang kaya kay Carlo? Pumayag siya na maging kagroup namin so we are the Group Eight na. Haha si Aubrey na lang talaga ang kulang tsk! Gusto kong puntahan na itong si Aubrey. Hay.... Inentertain nila si Carlo at ako walang imik parang kapag kaharap ko si Carlo parang hindi ako makapagsalita. Isa isa kaming nagpakilala. At biglang sulpot ni Serena "Carlo! May girlfriend ka?". Haha ano kaya ang nakain nito ni Serena dahil naitanong niya yun. Naghihintay ako sa isasagot niya. "Wala" Carlo replied. "Alam mo si Jane single" sabi ni Serena at siniko ko si Serena. Nakakahiya ang pinagsasabi nito! "Talaga Janalyn?" tanong ni Carlo. Naging silent ako at sabing "Oo, pero may nagugustuhan naman".
Nagsalita ang buong barkada "Ayiee". Siniko ko si Serena. At tiningnan ko si Tristan upang magpapansin kay Serena. Haha ako naman ang gaganti. At sabi ko naman "Serena magkakaroon ng foundation day gusto mo sabihin ko may Teacher Anne na ikaw ikuha na muse ng Grade 8 StarStruck Section at si Tristan naman yung escort".

Barkada: Ayieee.

Serena: No! Gawin mo lang yun best. Basta!

Tristan: (nalungkot) bakit hindi?

Serena: ayoko lang maging muse!

John: Ahhh mageescort sana ako.

Serena: (namula at kinikilig) ahm talaga?

John: Oo haha ako mageescort.

Tristan: Eh, ako nga ang mageescort kay Serena eh.

John: eh hindi pa naman approve eh. Magpapalist pa naman.

Tristan: Bakit ba palagi mo akong

Serena: (naguguluhan)

Reyna: Ohhh guys tama na yan. Diba ang motto natin huwag magaaway ang magbarkada. At saka kakikilala lang ni Carlo sa atin baka sabihin

Carlo: Its okay Reyna. :)

Reyna: Ahh ok ah Carlo pahinge nga ng number mo.

Jane: (natulala at nacucurious at confuse)

Carlo: Ahm okay.
(Iniaabot ang Iphone 6 plus kay Reyna)

Jane: sus!

Serena: Ano yun best?

Reyna: ?

Jane: Ah sabi ko magjujuice akl kasi walang tamis itong tubig.

Ryan: haha tanga! Wala talagang tamis yang tubig dahil tubig lang yan.

Jane: Ay oo nga pala no. Ang talino mo talaga Ryan!

Ryan: Ako pa!

John: Haha

Carlo: Hahaha

Reyna: Feeler mo talaga Ryan! Assumingero ka.

Ryan: Eh totoo naman diba?
Diba guys?

Barkada: Oo naman.

Reyna: Ang yabang mo talaga Ryan kahit kailan. O heto na Carlo (isinauli ang IPhone 6 plus ni Carlo)

John: Ahmm tara na guys next subject na tayo.

Barkada: Sige. (Umalis na)

*Naiwan si Jane*

Carlo: Guys wait lang! Si Janalyn.

*nakaalis na ang magbarararkada*

Carlo Pov
Hinintay ko na lang si Janalyn para may maging close naman ako. At biglang tanong saakin "O? Asan na sila?". At sabi ko "nauna na sila for the next subject. Tara na!".

Naglakad na kami papuntang next subject ngunit andyan na naman ang mga body gurard ko. Nakabantay. At dumating rin si Mommy. Iniwan ko si Janalyn at sinabi ko na mauna na siya dahil may kakausapin pa ako. At pagkarating ko roon kay mommy pinagalitan niya na naman ako. Ewan ko ba.

Love Is True <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon