AraAyos na ang lahat nang tumayo ako sa puwesto ko para maghintay na lang sa kanya. Hindi ko akalaing makakagawa ako ng ganito. Talaga nga naman ang nagagawa ng pag-ibig.
Hindi ako cheesy na tao. Hindi ko gawain ang mag effort sa mga bagay-bagay na alam kong hindi naman makabubuti sa akin lalong-lalo na kung para sa ibang tao. Noon, hindi na ngayon. Kasi kung effort ang pag-uusapan, nasalo ko na yata ang lahat.
Table for two, rose petals na nakakalat, paparating na sunset, yung ganda ng tanawin ng beach, romantic music at syempre, ako. Kumpleto na ang lahat ng paghahanda, siya na lang ang kulang. 'Oo' niya na lang ang kulang.
Nagpupunas pa ako ng pawis gamit ang panyo ko nang matanaw ko si Kim mula sa di kalayuan na sumesenyas na parating na siya. Paglingon ko'y tama nga siya, aopp palapit na ang babaeng pinakamamahal ko. Nandiyan na si Mika.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin. Malayo pa lang ay tanaw ko nang nakalakip sa bibig niya ang palad niya at para bang hindi makapaniwala ang reaksyon ng mukha. Okay Vic, ito na yon. Go fight! Animo!
Sonbrang lawak ng ngiti ko nang makalapit na siya sa akin ngunit agad ding nawala iyon ng ibagsak niya ang dalawang palad at hindi ang inaasahan kong ngiti ang sumalubong sa akin. Hindi siya nakangiti bagkus ay mukhang naguguluhan talaga siya.
"D-Daks... A-ano 'to?" Tanong niya habang inililibot pang muli ang tingin sa paligid.
"Surprise? Para sa'yo, Mika." Masaya kong tugon.
Masaya pero kinakabahan...
"B-bakit?" Tanong niya saka humarap sa akin ng nakakunot ang noo. "Para saan?"
"D-dahil..." Nauutal kong sabi. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang sumagot. "Mahal kita Mika... Mahal na kita noon pa. I'm sorry kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na umamin pero ito na ko ngayon Mika... Buong pusong nagsasabi sa'yo na mahal kita." Buong tapang kong pahayag.
Ilang sandali lang siyang nakatitig sa akin na akala mo'y nagpoproseso pa sa utak niya lahat ng narinig. Matapos non ay sinuklay niya ang buhok gamit ang kamay sabay talikod sa akin.
"No... This can't be happening." Mahina ngunit sapat lang para marinig ko. "No Daks... Wag naman oh." Humarap ulit siya. This time, umiiyak na siya. "Best friend kita eh..."
Para akong nabato sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sagot niya... Yun pa lang alam ko nang maling-mali ang ginawa kong to.
"Sh*t." Napamura na lang ako kasabay ng pagtulo na rin ng luha ko. Tatalikod na sana ako nang pigilan niya ako.
"No... No Daks... Let's fix this... I don't want to lose you... Kaso... Kaso..."
"Kaso hindi mo ako mahal..." Pagpapatuloy ko sa sinasabi niya. "Kaso kagaguhan talaga tong ginawa ko... Na nagmukha lang akong tanga..."
"Daks... I'm sorry... I didn't mean to... I'm sorry..." Mas lalo nang lumakas ang pag-iyak niya.
"Ilang b-beses kong prinaktis to
... Kaya s-sayang naman k-kung hindi ko masasabi... Mika... I fell in love with you the first time we met. Noon pa lang alam ko nang magiging iba ang papel mo sa buhay ko. Kaya sobrang saya ko nang n-napalapit ako s-sa'yo... Hindi mo lang a-alam kung g-gano Mika..." Pinunasan ko ang mga luha ko. "Now I'm sorry dahil dito... I'm sorry kung nasira ko na yung pagkakaibigan natin... I'm sorry.""No, Daks, maaayos pa natin to... Please..."
Umiling-iling na lang ako at pilit na kumawala sa kanya. Ang sakit, putcha! Hindi ko napaghandaan to. Sobrang tanga ko. Sobrang assumera ko!
Nang tuluyan akong makawala sa kaniya ay dali-dali akong tumakbo palayo. Palayo sa kanya, palayo sa babaeng mahal ko.
***