Epilogue

906 35 45
                                    

Play the song at the media para mas dama. :)

Ara

     
      @mikareyesss: Daaaaaaks! Miss you na. :) I'm getting married and will be back in the philippines in a year. Will you be my maid of honor? :)

        Hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapakali sa tweet na yan. Kahapon pa yan pero hanggang ngayon hindi ko alam ang isasagot. Nagtrending pa nga yan. Nagbalik na kasi si Mika.

       5 years na magmula nang magtapos ang season namin sa UAAP. Right after non ay umalis nga si Mika papuntang texas. Ang akala ko after non, magiging okay na kami ni Bang, hindi pa rin pala.

        May maayos kami ni Mika na communication non until after a year, I decided na pumunta ng London para tanggapin ang isang offer sa akin. Yun din yung time na tuluyan na kaming nagbreak ni Bang. Believe it or not, pinakawalan niya ako. Maging siya raw kasi ay hindi na maramdaman na masaya pa ako sa piling niya. Maayos ang relasyon namin hanggang ngayon at magkaibigan pa rin.

        Yung mga kaibigan namin, maayos na din naman. Huling balita ko, tuluyang pumunta ng states si Kimmy para makamove on na talaga kay FO at doon, nagkita sila ng kambal. Guess what happened? Oo, sila na ni Ciennang. Talagang nagkatotoo ang FaCruz.

          Si Mika naman, huling balita ko ay nagkita rin sila ni Kiefer sa Texas at mukhang okay na sila. Hindi ko na rin natanong dahil busy na rin at after non, nagdeactivate na siya ng tuluyan sa soc net accounts niya. So I guess sila pa rin ang nagkatuluyan at ngayon, ikakasal na nga sila. I'm really happy for them.  Mukhang tama nga ang desisyon ko na manahimik na lang ng tuluyan rito.

        Ako? Ito. Nagpapayaman. Hehe. Hindi ko na rin muna iniisip ang love life. Nagpapakabusy na lang ako sa trabaho ko rito at masasabi kong nageenjoy naman ako sa simple at tahimik kong buhay rito. I'm currently on leave kaya pachill-chill lang ako.

        Okay ang lahat sa buhay ko... Hanggang sa mabasa ko ang tweet na 'to. Bigla na lang nabuhay muli ang account niya after years at ito. Bigla na lang ganito ang sasabihin niya. Maging sila Ate Aby na nasa pilipinas ay walang balita. Hindi ko inaasahang babalik nanaman tong pakiramdam na ito... Hindi kasing tindi ng dati pero meron pa rin... Ano ba? Regret? Panghihinayang? Ewan ko...

         Umagang-umaga lumabas ako para mag jogging at magbanat ng buto. Kailangan ko rin ng matinding peace of mind. Pakshet lang, naguguluhan nanaman ako...

         Nakailang ikot din ako ng jog dito sa public park nang mapagod ako at tuluyang napaupo sa isang bench. Nagulat na lang ako nang may isang pares ng binti ng lalaki na tumapat sa akin habang nakayuko ako.

        "Fit na fit pa rin ah, idol." Sabi ng isang pamilyar na boses na agad nagpabalikwas sa akin.

        "K-Kief?!" Gulat kong tanong.

        "Yep. Small world. Akalain mo yun? Alam kong nandito ka pero di ko akalaing magkikita pa tayo. Long time no see." Nakangiting sabi nito saka naupo sa tabi ko.

        "O-oo nga..." Napaayos ako ng upo. Ano ba naman yan. Ngayon iimbitahin na ako nito ng personal. Wala na akong takas. "Bakit ka nga pala napadpad rito?"

        "Ah... Wedding preparations. I want to give my princess a wonderful medieval wedding." Nakangiti niyang tugon na tila nagliliwanag pa ang mga mata.

       Akala ko ba sa pilipinas ang kasal nila.

       "Aahhh... Mahal na mahal ah. B-buti pala nagkabalikan kayo..." Komento ko saka tumingin sa malayo.

5 ReasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon