Ara'Kiefer Ravena talks about break-up with girlfriend Mika Reyes'
Napapikit na lang ako nang mabasa ang title ng article na iyan. Lumabas na pala. Nagsalita na ang gagong yon. Pinatagal niya pa.
Mag-iisang buwan na rin magmula nung magout of town si Mika kasama ang pamilya ni Kiefer. Masayang-masaya pa silang umalis non pero ang gagong yon, iniuwi si Mika na umiiyak.
"Wala na... Sumuko na siya... Nakipagbreak na siya sa akin."
Tandang-tanda ko pa ang hitsura ni Mika nang sabihin niya ang mga katagang yan habang walang tigil ang pagbuhos ng mga luha niya.
Wala kami sa dorm non dahil bakasyon pa pero napasugod ako sa manila nang itext ako ni Jessey na ilang gabi na raw wasted si Mika at palipat-lipat lang ng bar. Kasabay pa ng pagkalat ng break up nila ay ang issue na may nakakita raw kay Mika na nakikipaghalikan sa bar. Putang ina talaga. Hindi man lang naglakas loob si Kiefer na magsalita tungkol don.
Halos paliparin ko ang sasakyan pabalik ng maynila. Nang maabuta ko siya sa bahay nila sa parañaque, pakiramdam ko sobrang huli na ako. Sobrang wala siya sa sarili at para bang ginawa ng past time ang pag-iyak.
Ginawa ko ang lahat oara maibalik siya sa dati. Public figure pa rin siya, hindi siya pwedeng makita ng sinuman sa ganong ayos. Para ano? Para lumaki lang lalo ang ulo ng Ravena na yon? Putang ina niya.Nagmukha oang masama at nangaliwa si Mika pero ang Gago, ayon at ilang linggo lang eh nakikipagdate na kay Alyssa. Pasalamat siya hindi pa ako nakakahanap ng tyempo para harapin siya. Sisirain ko talaga ang mukha niya gaya ng pagsira niya sa pangako niya sa akin.
"Oy, tulog na si Yeye oh." Pansin dito ni Kimmy.
Nandito kasi kami sa bahay. Nagkayayaan na magover night. Para na rin mapasaya si Yeye. Hindi namin hinahayaang mag-isa siya. Pati nga si Tita Bhaby ay kinuntsaba na namin. Minsan naman si Jessey at yung mga tropa nila ang in charge. Salitan lang kung baga.
Ngayong gabi naman, over night na may inuman ang trip namin. Problemado rin kasi si Kim eh. Although sila pa rin ni FO, hindi na talaga maayos ang communication nila. Kaya ayan, ginawang bar ang bahay ko.
"Tara, groupie tayo. Hahahaha." Maloko kong sabi.
Kanya-kanya naman silang puwesto doon sa kama at pinalibutan pa si Mika na mahimbing na ang tulog. Haha. Umaandar na naman ang pagkabully ko eh!
Dali-dali ko iyong in-edit at ipinost sa instagram. Tadtad nanaman ang notifs ko nito."Loko ka talaga Wafs!" Puna sa akin ni Kim.
Napangiti na lang ako doon sa picture. Sa natutulog na mukha ni Mika kasi ako nakatitig. Haaay. Ganito pa rin talaga ang epekto niya sa akin.
"Tsk. Diyan pa kasi titignan eh nandiyan lang naman." Naiiling na sabi ni Ate Cyd.
"H-ha?!"
"Pano ba yan? Wala na ang Miefer. Pano, KaRa na ba?" Panunukso sa akin n Majoy.
"Pinagsasabi mo diyan? May girl friend ako no!" Pagtanggi ko naman.
At sabay-sabay pa nila akong pinaikutan ng mata. Ayan nanaman sila. Sa totoo lang, si Kim at Mika lang ang sumusuporta sa amin dito ni Bang. Si Kim, malamang siya ang nagpakilala sa amin dapat lang no! Si Mika naman, ewan ko. Kaya ayaw nila kay Bang ay dah daw ang feeling close. Oo, sinasabi nila sa akin yan. Real friends eh. Paulit-ulit ko na ring pinagtatanggol si Bang. Mahal ko yun no.