Ara
"Grabe baby, nagkasabay pa talaga ng awayan ang dalawang yon." Sabi ni Bang pagkalapag sa phone niya sa may bed side table ko.
"I hope malagpasan na nila... Ang tagal na ring away bati ng mga yon eh." Tugon ko naman.
Tumabi na siya sa akin saka pinulupot ang braso sa beywang ko habang busy ako sa paglalaro sa phone ko.
"Baby, huwag tayong mag-aaway ng ganon ah? Ayokong magkasakitan tayo." Malambing niyang sabi saka pinatong ang ulo sa dibdib ko.
Napatingin ako sa kanya saka napangiti. "Oo naman. I won't let that happen to us... Wala na kong balak pang pakawalan ka, Pineda. Swerte ko kaya sa'yo!"
"Yiiiehh. Cheesy ah. Haha." Sabi niya halatang kinilig dahil nagsumiksik pa sa leeg ko.
"Ah-ah! Baby, nasagi mo yung tuhod ko." Halos mapatalon ako sa sakit.
"Ay! Sorry! Sorry!" Sabi niya saka agad na lumayo. "Ano, masakit pa ba, ha?" Nag-aalala niyang tanong.
"No, hindi na. Nung nasagi lang..."
Malayo pa kasi sa pag galing itong tuhod ko na nakatamo ng apat na injury sa isang pangyayari lang. Grabe ba? Basta thankful na lang ako na nakasurvive pa ako ng buo don. Laking pasalamat ko kay God na medyo okay na rin naman ako.
Syempre pa, hindi ako mabilis na makakarecover kung wala yung mga tao sa paligid ko. Yung mga fans na walang sawa sa pagsuporta. Yung mga team mates at kaibigan ko na walang tigil ang dasal, ang pamilya ko, lalong-lalo na si mama na kakauwi lang galing London, at syempre, itong babaeng nasa tabi ko ngayon. Never niya akong iniwan o pinabayaan magmula ng injury na yon kaya naman mas lalo ko pang naramdaman na sobrang swerte ko na nakikila ko si Bang.
Sabi nga nila, everything happens for a reason. Hindi ko oa man makita sa ngayon, alam kong darating din yon. Kailangan ko lang magtiwala kay God.
Biglang nagring nanaman ang phone niya. "Baby, sagutin ko lang to. Si Bebe Mela tumatawag na talaga. Mukhang malala na talaga ang away nila eh." Sabi niya saka dali-daling tumayo.
"Sige. Pakisabi kay FO konti na lang magseselos na ako sa kanya. Haha."
"Haha. Loka. Wait lang ah." Paalam niya saka lumabas ng kwarto.
Alam ko namang ayaw niyang iparinig ang usapan nila dahil magdadramahan lang sila. Haha. Lagi namin silang pinagtitripan ni Kim japag nagg-girl talk sila eh. Pero ngayon, seryoso na talaga to.
This past few weeks, sabay pang naging shaky ang relasyon ng Miefer at Fatunay. Ako naman nainjured kaya hindi ko na rin sila gaanong nakakamusta. Namimiss ko na nga ang mga yon dahil hindi halos nakakadalaw para sa training at pag-aasikaso sa love life nila.
Sina FO at Kimmy, madalas pag awayan yung work mate ni FO na halatang may gusto sa kaniya. Hindi rin naman kasi maiwasan, maganda si FO at ngayon nga ay nagbabalak na siyang pumasok sa magulong mundo ng showbiz. Kaya ayon, parating parang sinilihan sa puwet si Kim tuwing wala si Mela.
Kina Mika at Kief naman, wala akong balita. Mailap na rin daw kasi si Yeye at hindi nagkukwento. Minsan nahuhuli na lang nila na umiiyak ng impit o di kaya eh tulala. Baka nga raw ako lang ang makapagpaamin doon.
As much as possible, ayoko nang mangielam pa sa kanila ni Kiefer. Alam ko naman kasi sa sarili ko na bali-baliktarin ko man ang mundo, may kirot pa ring dulot si Mika sa puso ko.