1st Reason - It's Not Just Love At First Sight

761 31 5
                                    

Ara

Iminulat ko ang mata ko mula sa pagtulog. Malabo, hanggang sa unti-unti nang luminaw. Ilang segundo ang nakalipas, pinagsisihan ko nanamang nagising pa 'ko.

'Oo nga pala...'

Panibagong araw nanaman. Panibagong araw ng sakit at pagdurusa. Panibagong araw nang pagtingin sa kaniya na masaya kahit pa wala nang ako sa buhay niya. Panibagong araw ng pagpapakasakit ko sa sarili ko.

"Sa wakas! Nagising ka rin mahal na prinsesa! Tanghali na po kaya!" Litanya ni Kim na nasa tabi ko lang pala. "Magbrunch ka na doon sa baba." Utos niya sa akin.

Punong-puno ng pag-aalala at pangunawa ang mga mata niya at alam ko kung bakit. Alam ko kung bakit siya ang dapat makaintindi sa akin. Higit sa lahat, siya ang may alam. Sa kanya ako nagpatulong at sa kanya rin ako umiyak kaya alam ko, alam ni Kim kung anong pinagdadaanan ko.

"Oy Victonara! Saang bar ka nanaman ba nanggaling kagabi? Nako ka talaga, kakaalis lang ni Ate Aby eh nagpapasaway ka na." Suway sa akin ni Carol na kasalukuyang nasa sala at nanonood.

Kasama niya sina Des at ang kambal... Pati na rin siya. Pero ano pa bang aasahan ko? Tulad ng dati, hindi niya lang ako papansinin.

Aayusin daw namin pero mas lalo pang nasira. Ha. Hindi ko naman siya sinisisi dahil ako din ang may kasalanan. Ako ang unang lumayo, nakisakay lang siya. Akala ko kasi hindi ko kayang harapin siya at ipagpatuloy yung dati matapos ng kabullshitang nagawa ko, pero mas hindi ko pala kaya yung ganito, yung para na lang akong hangin dito. Nakakabaliw.

"Ano ka ba donkey. Nagchichillax lang." Sagot ko naman. "Kakatapos lang ng season oh."

"Tss. Okay lang sanang sabihin mo yan kung nagchampion tayo diba?" Mataray na sabat ni Cienne saka umakyat sa taas.

Binigyan na lang ako ni Camille ng pasensya ka na look. Nagkibit balikat lang ako. Sanay na rin naman ako kay Cienne. Bilang palaging nakakasama ni Mika, alam kong may alam na rin siya. Alam kong nandidiri na rin siya sa akin. Pumunta na ko sa kusina.

At oo, hindi naman naipanalo ang season 76. At ulit, inaako kong ako ang may kasalanan. Gago kasi ako. Isa akong malaking shit. Nagpabaya ako at binalewala ang finals. Naging pabigat sa team. Naging kahihiyan kay motherf.

"Ano, ganyan ka na lang?" Tanong ni Kim na nasa tabi ko na pala. "Wala ka na ba talagang balak na bumalik sa dati mong buhay?"

"Alam mong hindi pwede..." Simpleng sagot ko.

"Pwede. Ayaw mo lang kasi masyado kang naduduwag." Sumbat niya naman. "Matanong nga kita, Vic. Paano ka nakauwi kagabi?"

"Ah--" sasagot na sana ako kaso nang alalalahanin ko na, walang dumating. "H-hindi ko alam."

"Sinundo kita sa Bar. Mag-isa." Malamig niyang sabi. "Ilang ulit pa ba nating gagawin to Vic?"

"Kung nagsasawa ka na pwede ka nang tumigil Kim. Hindi mo ako reponsibilidad." Walang pakundangan kong sabi.

"Kung pwede lang tumigil sa pagiging kaibigan mo ginawa ko na." Matigas niyang sabi saka padabog na ibinaba yung baso niya. "Vic utang na loob, tama na!" Medyo tumataas na rin ang boses niya.

"Pwede ba Kim? Wag ako ang problemahin mo." Sabi ko na lang saka tumayo na.

"Hanggang kailan ka ba magpapakaduwag, ha, Vic?!" This time malakas na talaga ang pagkakasabi niya.

Nagmamadaling pumasom dito sa kusina si Des at Cams kasunod na rin si Mika.

"Anong nangyari? Kim? Bakit ka sumisigaw?" Tanong ni Cams na pumagitna na sa amin.

5 ReasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon