Gusto ko

81 7 0
                                    

Gusto kong mas makilala ka pa,
Dahil nga alam ko na kakaiba ka.
Gusto kong makilala ka pa,
Dahil gusto kong malaman ang mga bagay na hindi pa alam ng iba.

Gusto kong makasama ka pa,
Dahil humahanga ako sa natatangi mong pananaw at pakikisama.
Gusto kong makasama ka,
Sa mga araw na dadaan pa.

Hindi ko alam kung bakit at paano,
Pero 'yun ang sabi ng puso ko,
Iyan din ang pinipilit ng isip ko,
Binubulong nila na iyan ang gusto ko.

Bakit nga ba iyan ang gusto ko?
Bakit 'yan ang dinidikta ng puso ko?
Bakit ba ipinipilit ng isip ko?
Hindi ko naman alam, kung masaya ang magiging dulo nito.

Akala ko, simple lang ang aking kagustuhan,
Ngunit unti-unting lumalim ang nararamdaman.
Unti-unti na rin akong nasasaktan,
At ngayon, gusto ko ng makalimutan..

------------
-pransiyamey :)

Feelings Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon