Hindi Ko

59 7 0
                                    

Hindi ko inaasahang ito pala ay ganito,
Ito pala ay mas magulo pa sa salitang magulo.
Akala ko kasi ay simple lang ito,
'Yun pala'y pinaglaruan na ako ni Kupido.

Sa tingin mo at sa tingin nila,
Mali ang aking nagawa.
Kailan ba may makakaintindi, na kahit isa?
Ang lahat ng ito ay hindi ko naman sinasadya.

Hindi ko naman ginusto ito.
Hindi ko akalain na ikaw ang mamahalin ko.
Hindi ko sinasadya ang lahat ng ito.
Dahil alam kong mahirap mahalin ang katulad mo.

Hindi ko naman alam na magiging ganito.
Hindi ko naman alam na hahantong dito.
Hindi ko naman alam na madadamay ka sa gulong ito.
Hindi ko din alam kung bakit sinisisi ako ng ibang tao..

--------------------
-pransiyamey :)

Feelings Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon