Luha

36 6 0
                                    


Ang luha ay makikita kapag umiiyak ka na. Ang pag-iyak ay hindi nagpapakita na mahina ka, o na duwag ka. Nagpapakita ito na lumalaban ka pa, pero kailangan mo na munang magpahinga, kasi masakit na.

Masakit na, kasi maraming dahilan. Masakit na, kasi ang puso mo ay iba ang nilalaman.
Masakit na, kasi hindi pa din maayos ang resulta kahit ang tagal ko 'tong pinag-isipan.
Masakit kasi ang hanggang kaibigan lang ang nakayanan.
Masakit pero lumalaban hanggang sa katapusan.

Katapusan, ng mga bagay bagay. Katapusan ng sakit na iyong ibinigay. Katapusan ng lungkot ng aking buhay. Katapusan dahil ayoko ng malumbay.

Ayoko ng malumbay pang muli dahil sawang sawa na akong makita ang mga mata ko mapupungay dahil lamang sa umiyak ako buong magdamag.

Ayoko ng umiyak pa buong magdamag dahil lamang sa nakita ko na masaya ka kasama siya, na kumpleto ka kapag nandyan siya.

Ayoko ng isipin pa, o ni makita pa ikaw, siya, kayo. Oo, kayo. Ayokong makita kayo dahil alam ko, na masaya kayo sa piling ng isa't isa.

Ayokong makita kayo. Oo, kayo. Dahil ang buhay ko na pinipilit kong maging masaya ay mapupuno lamang ng pait at mga luha.

Ayoko na makita kayo. Oo, kayo. Dahil ayoko nang makialam pa. Ayaw ko ng makagulo pa sa relasyon niyong halos perpekto na.

Ayaw ko sa mga bagay na sa aking palagay ako'y maiiugnay sa pangalan mo, sa pangalan niya, sa pangalan niyo. Dahil sa tuwing magkaugnay tayo, wala ng natitirang saya sa sarili ko. Napupuno ako ng sakit at pait.

Kung hindi pa din kaya na ako'y hindi maiugnay sa inyo. Paumanhin, pero ako na ang lalayo.

-----------------
hi :)
-pransiyamey

Feelings Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon