Kaalaman

26 5 0
                                    

Sa bawat bagay na ating nakikita, nalalaman, at natatagpuan.
Bakit bigla tayong nakakaramdam ng kakulangan?
Kakulangan sa ating kaalaman.
Kakulangan sa ating nararamdaman.
Kakulangan sa ating puso't isipan.

Bakit nga ba puro kakulangan, kung meron namang nandyan?
Tinatanong ko lamang, dahil sa tingin ko ay hindi sapat ang aking mga nalalaman.

Kaalaman sa mga bagay-bagay.
Kaalaman sa kakaibang bagay.
Kaalaman na may kulang kung minsan.
Kaalaman na ako lang ang may alam,
Na akala ko, ako lang ang may alam.
Na akala ko, ayos lang na hindi ko na ipaalam.

Dahil alam ko,
Na kapag nalaman mo ito,
Ang buhay ko ang lalamlam.
Ang isipan ko ay mapupuno lamang ng agam-agam.

At ayoko 'nun!
Ayokong maging malungkot, dahil mas gusto kong maging masaya.
Ayaw kong mabahala at mapuno ng pag-aalala.
Ayoko sa lahat ng 'yan, dahil ang gusto ko lang naman ay mahalin ka.

--------------
late, hihi
-pransiyamey

Feelings Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon