Sakit

39 6 3
                                    

Sa bawat araw na ika'y nakikita,
Sa araw-araw na kayo'y magkasama.
Tila gusto kong ipikit ang aking mga mata,
Dahil sa sakit na aking nadarama.

Sobrang sakit na 'pag aking natatanaw,
Ang puso ko sa sakit ay unti-unting nalulusaw.
Ang isip ko'y pilit na umaayaw,
At ang mundo ko ay lubos ng nagugunay.

Pinilit kong limutin ka,
Ngunit tila ba lalong lumalala,
Ang aking nadarama at panghanga,
Sa iyo aking sinta, na gusto ko ng mawala.

-------------
Requested. :*
-pransiyamey

Feelings Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon