Noong una kitang makita,
Wala akong kakaibang nadama,
Noong una kitang makita,
Walang iba, bukod sa kakaiba ka.Noong una kitang makilala,
Hindi ko maikakaila na lubos akong natuwa sa'yo.
Natuwa ako dahil sa kakaibang ugali at pakikisama mo.
Natuwa ako noong una, dahil nakilala kita.Noong una kitang nakausap,
Ako'y lihim na napahanga.
Napahanga ako sa iyong pananaw na kakaiba.
Napahanga ako noong una dahil nakausap kita.Noong una kitang makasama,
Sa iyo ako'y namangha.
Namangha ako sa pakikitungo mo sa akin, at sa kanila.
Namangha ako nang makasama kita.Natuwa ako noong una kitang makilala.
Napahanga ako noong una kitang makausap.
Namangha ako noong una kitang makasama.
Noong una, alam ko pa ang nadarama.Ngayon kasi hindi ko alam kung mahal na ba kita.
Mabuti pa noong una..--------------
-pransiyamey :)
BINABASA MO ANG
Feelings Of Mine
RandomI made these poems because I want to express my feelings and opinions. I didn't want to hurt someone else, but if you think that the content of my poems are offensive. I apologize. Thank you! :)