Chapter 8Siya ba?
Nagring ang cellphone ko, kaya sinagot ko ito.
"HA?" Kunwaring sabi ko kahit si Rico lang ito na palihim akong tinawagan.
Inend ko ang call at humarap kay Pau at Rico. "Sorry ha, pinapatawag kasi ako ni Mama. Pau, pinapasama ka rin sakin" napatingin si Pau kay Rico at nagpaalam.
Wala siyang magagawa pag ginawa kong dahilan si Mama. Kinindatan ko lang si Rico nang papaalis na kami.
-
"7 na Xiesa, asan na ba sila Tita?" Takang tanong saakin ni Pau. Paano kasi darating yun kung hindi naman talaga totoo.
"Wait, tatawagan ko lang" Sabi ko at kunwaring kinalkal ang cellphone ko at may tinawagan ngunit si Cine talaga iyon.
"Ehem.. Ma, san na kayo? tapos na ba kayo jan." Pabulong ko sa huling salitang sinabi para hindi marinig ni Pau.
"Oo, bilisan niyo na!" Sabi niya at inend cna ang call. Humarap ako kay Pah at sinabing "Super sorry daw sabi ni Mama, hindi sila makakapunta." At mukhang nalungkot naman siya dun at tumango nalang.
Parang ang boring nang Valentines ngayon, siguro ay dahil hindi pa kami nakakapagusap man lang.
"Ano ba yan, hindi ko matawagan si B! Ang usapan namin ay mag dadate kami ngayon" Inis na sabi ni Pau habang pumapadyak pa.
"Ganyan naman talaga mga lalaki, sa una mangangako tas... Alam ko na! Punta nalang tayo dun sa House of Light mga 10 minutes lang papunta dun. Tayo nalang magdate-- ew!" Sabi ko, hindi ko na siya inintay sumagot at hinila ko nalang ito.
Paano nalang kung umayaw siya hindi ba? Baka hindi matuloy ang suprise ni Rico at ayokong maging kasalanan ko pa.
-
"Ang ganda naman dito, pero teka.." Naglalakad na kami dito sa may tulay na may mga christmas light na nakakabit na idea ko.
Hindi naman talaga House of Light ang tawag dito e, nagpauso lang ako.
"Bakit may mga rosas pa dito? Sobrang romantic naman pala nang place na to, baka akalain pa nila na may tibo sating dalawa!" Sambit niya at kunwari pang nasusuka.
BINABASA MO ANG
Her Anticipation - Season 1
Teen FictionWhat's your Anticipation? Is is something worth it? Is it something you can fight for even if you have to sacrifice others?