Chapter IX

74 9 0
                                    


Chapter 9

Never

Nagpagulong gulo ako sa kama, hindi parin mawala sa isip ko ang pigura nang tao na yun.

Dahil hindi lang siya isa, kung hindi dalawa. Parang babae at lalaki ayun sa katawan nito.

Sinubukan silang habulin ni Love ngunit sabi niya ay bigla nalang daw naglaho, Creepy huh.

Gusto ko sanang pagsabihan si Pau tungkol sa bumabagabag sakin ngayon, kung pwede lang sana.. kung pwede lang.

Ngunit hindi! Huhuhu. Alam ko na, bakit ba muntik ko na siyang makalimutan?

Contacting Lin....
Waiting to connect....

"Hi Ate Lin! Ang haggard mo naman, Hahaha!" Salubong ko agad sakaniya. Marami kasing nakatakas na buhok sa nakapusod niyang buhok na kulay jet black.

Ang pinaka kaclose kong pangit na nilalang sa mundo. Syempre joke lang.

If i know, or you know. Model yan'

"May ginawa kasi kami nang Kuya Jhullian mo---" Inunahan ko na siya para asarin.

"Hala, Grabe! Ang bilis nyo naman yata atang magbalak na gumawa nang---" Tiningnan niyo ko na parang gusto niya kong batukan.

Asa Seattle kasi siya, ang huling uwi niya ang noong birthday ko. Remember?

"Ang ibig kong sabihin ay gumagawa nang gawain sa bahay. Lumipat na kami sa pinagawang bahay nang Kuya Jhullian mo! 5 palang yata ay nagaayos na kami dito." Sabi niya at pinagpatuloy ang ginagawa niya na ewan ko kung ano. Si Kuya Jhullian nga pala ay asawa niya. Dito sila sa pinas kinasal 6 months ago. Pero nanatili sila sa US dahil andun ang trabaho ni Kuya Jhullian.

"5?" Taka kong tanong. "Oo, 5 a.m. 7:21 na dito ngayon. If i'm not mistaken 11:21p.m. na jan." Napatingin ako sa orasan at tama nga siya. Ibig sabihin ay 16 hours behind sila?

"Oo nga pala, bakit ka napatawag? Bihira nalang yan. Nakakalimutan mo na nga ako e." Jusko, muntik ko nang makalimutan ang rason kung bakit ko siya tinawagan.

"Naalala mo ba yung kinukwento ko sayo dati na guy?" Sabi ko at mukhang napaisip naman siya.

Nakita kong nagliwanag ang mukha niya na parang naalala na niya. "Ay oo, yung nanliligaw sayo nang palihim? Haha. Miss ko na yun a? Minsan nalang din magparamdam sakin. Si---"

"Shh! Wag kang maingay. May makarinig pa sayo e. Alam mo namang sikreto lang diba?" Napairap siya sa sinabi ko.

"Oo na, oo na. Ano bang nangyari? OMO! Don't tell me may nakaalam?" Sabi niya at na nanlaki pa ang mata at napatakip nang bibig. Why so arte? Hahaha.

"Yun na nga Ate, Meron ding tumawag sakin at binalaan ako. Tapos kahapon nung magkita kami may dalawang taong nakatingin saamin. Syempre madilim na kaya hindi namin nakita ang itsura. Medyo creepy lang din no!" Sabi ko at nakita ko namang nagalala siya.

Buti nga ay hindi na siya nagagalit ngayon, dati kasi ay nagagalit siya at binalalaan niya ko na malalaman din nang mga kaibigan ko ang tinatago kong sekreto sa huli at maaring mawala pa ang tiwala nila saakin.

Her Anticipation - Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon