Chapter I

206 18 0
                                    


Chapter 1

Poem

"Tigilan mo nga ako!" Napatakip ako nang bibig para pigilan ang tawa ko. Si Isha kasi na kaibigan ko ay pinapaalis yung manliligaw nya na si Am. Matagal nang may gusto sakaniya yun at lagi siyang binibigyan ng bulaklak at chocolate.

Kaso nga lang, tinatapon nya lang sa basurahan yung bulaklak at pinamimigay yung chocolate.

"Isha, ang harsh mo ba!" sabi ko sabay palo sa braso nya, "Pangit kasi e!" Biro nya at nag tawanan kami.

Nagpunta kami sa canteen para puntahan yung anim pa naming kaibigan and yes, ganun kami karami.

You know, the more the merrier! hahaha. Naupo ako sa tapat ni Grande at kinindatan ko siya habang nginunguso ang crush nyang si Dave na 4th year college na.

Child abuse! 4 years kasi ang gap nila. Dahil si Dave ay gragraduate na at kami ay 1st year college palang.

"Baliw!" Sabi nya sakin, at tinuro naman yung kaklase namin na matagal ko nang gusto. Sinipa ko lang ang paa nya sa ilalim nang mesa

"Oh see? Ganyan din nararamdaman ko!" Sabi nya sakin habang pinanlalakihan akong mata. "Ano ba yan, tumigil na nga kayo!" Pag rereklamo ni Gette

"Sungit!" Sabi ko. Nagkwentuhan lang muna kami kung gaano kahirap ang Science.

Seryoso, may suprise quiz kasi kanina at halos wala akong alam. Honor naman kaming lahat pero hirap talaga kami sa science!

Sa lahat ng subject yuon ang pinaka nahihirapan ako. Magaling naman magturo si Sir Vil pero ay basta mahirap lang talaga!

Tiningnan ko ang relo ko at 20 minutes pa naman ang natitira kaya inaya ko na silang bumili.

Tulad parin ng dati ay puro hotdog and rice ang aming binibili. Except kay Ayen, Grande at Pau na may sariling baon.

"Trixie, samahan mo ko!" Sabi saakin ni Pau, Kumakain pa ako e! Tumingin tingin siya sa labas mukhang may tinatanaw.

Inaya nya ako dun sa ilalim nang puno sa garden namin. "Ano bang gagawin natin dito?" tanong ko dahil tirik na tirik ang araw. Pero mabuti nalang at natatakpan nang kaunti nang dahon ng mga puno.

Napatingin ako sa paligid at.. "Hay jusko, kaya naman pala e!" Sabi ko sabay batok sakaniya. May nagbabasketball kasi malapit dito, at nandun ang boyfriend niyang si Rico.

Pumangalumbaba siya at tinitigan si Rico. "Ang gwapo nya talaga." napairap nalang ako. Halos araw araw yata ay napapairap ako pag magkasama ang dalawang yan.

Pano ay sa sobrang kasweet-an ay parang hindi nila kayang mabuhay nang wala ang isa't isa.

Natapos na sila Rico maglaro, kaya papalapit na siya ngayon sa kinaroroonan namin ni Pau.

Her Anticipation - Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon