TIP ONE TWO THREE

768 6 4
                                    

dedicated to miss SHERANN0588 :3 new idol ko haha. 

---------------------------------

-ONE-

Kanino kaya tong libro na ‘to? Tinapon ba ‘to oh sadyang nahulog lang dito? Tiningnan ko yung libro. Wala namang nakalagay na pangalan kahit saan… eh kanino ba kaya talaga ‘to??? Hahayts. Siguro naman hindi masamang hiramin ko muna at iuwi ang librong ‘to, tutal naman hindi ko pa alam sino  may-ari.  (n__n)v 

Dahil sa na- excite ako masyado dun sa libro, nagmadali akong umuwi para mabasa ko na yun. Pagkadating na pagkadating ko sa bahay ay takbo kagad ako sa kwarto ko. Hindi na muna ko nagbihis kase nga, I’m so so soooo excited na mabasa yung book. Dali dali ko itong binuklat.

“Ikaw ba’y isang PANGIT? Kung ganon, MAY TAMA KA! Dahil tama kang pang gaya mo ngang PANGIT ang librong binabasa mo ngayon. Tips ba kamo para gumanda ang isang gaya mong PANGIT? MAY TAMA KA ULIT!!! Dahil tama kang may tips nga para sa mga gaya mong PANGIT ang librong binabasa mo ngayon.”

Eh kung sinasapak ko kaya tong librong to? Maka-PANGIT, Wagas??? Kelangan talaga paulit ulit?? All caps pa talaga? Ano para intense? Para tamang tama??? Ano bastusan lang??? tss.

Okay, nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa… (=.=)

“Okay then, kung gusto mo talaga at pangarap mong from ‘UGLYduckling’ ay maging isang ‘beautiful swan’ ka, start following the tips that you will read from this book. Promise! No more PANGITNESS from now on!"

Talaga lang ah? Hihi. Lalo akong na-eexcite! Sabik na sabik kong binasa yung next page. Yes! Eto na!

Tip #1

Pagkagising sa umaga, humarap agad sa salamin. Sabihin ito ng tatlong beses.

“MAGANDA AKO!!!” [Tandaan: As loud as you can!]

ANO? Ano daw? Pinagloloko ba ko nito?? Akala ko naman kung ano na? na-excite pa naman ako. (=.=)

Ililipat ko na sana ng page kaso bago ko pa man ilipat eh may nakita akong note sa baba.

“OOOOOPS! Wag muna ililipat hangga’t hindi nasusubukan yung naunang tip! Remember, TIWALA LANG, maniwala ka sa magic. J”

Hayst. Sige na nga! Baka nga may magic, malay mo magic spell pala yun. Haha! wala namang masamang subukan diba?

“MEGAN!! Kakain na! bumaba ka na jan!” sigaw ng nanay ko.

“opo!!! Anjan na! wait lungs!” sigaw ko rin. Tinabi ko na muna yung libro.

---

The Next Morning…

*ALARM!* *ALARM!*

UMAGA NA!!!

Dumilat kaagad-agad ako pagka-alarm ng alarm clock ko. Excited kasi akong subukan yung tip number one. Kinuha ko yung 35 pesos na malaking salamin na binili ko pa sa bangketa tapos tinapat ko sa muka ko.

“MAAAAGAAANNDAAAAAA AAAAKOOOOO!!!!!!!!!!”

“MAAAAGAAANNDAAAAAA AAAAKOOOOO!!!!!!!!!!”

“MAAAAGAAANNDAAAAAA AAAAKOOOOO!!!!!!!!!!” sigaw ko.

“HOOOOOYYYY!!!!!!! ATE MEGAN! WAG KA NGANG SUMIGAW JAN!!!! Umagang umaga sigaw ng sigaw?! Hindi ka maganda! Wag kang echosera !!!!” narinig kong sigaw ng kapatid ko mula sa kabilang kwarto.

“Pambihira, umagang-umaga panira! Maganda daw hahahaha! Baliw!” pasigaw nya ulit na sabi. Aba! Yabang talaga kahit kelan ng magaling kong kapatid! Napaka-supportive talaga kahit kelan.  =___=

Tips that can make YOU beautiful [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon