-TWO-
Okay na kaya to?
Ay hindi! Kulang pa siguro… dapat siguro dagdagan ko pa. . .
AYAN! PERFECT!
Tip #4
Wear makeup.
“GOOD MORNING !” lahat sila napatingin sakin. HA HA ! sigurado, nagandahan na sila sakin! I’m pretty pretty sure na ! Sabi nga, makeup can make transform you into a beautiful lady!
“san ang kiddie party, Megan?” sabay tawa sila.
“ha? Baket? Merong may birthday?”
“HAHAHA! PUTA! HAHAHAHA”
“ano ba nakakatawa?” (=____=”)
“tinanong pa ang pota, edi yang muka mo! HAHAHAHA!!!”
YU-YUNG MUKA KO? Bakit?? Pangit ba yung makeup ko???
Nilapitan ako ni Kitkat.
“kase naman girl, ano na naman bang trip mo ngayon??? The face, oh? Para ka kayang clown jan sa makeup mo.” Sabi nya na halatang pinipigil ang sarili tumawa. Ehh? Mu-muka akong CLOWN??? Ahhhhh! Ano na naman bang katangahan ko????
-------LUNCH
“ Ulol ka naman kasi Megan eh, mag-makeup ba naman ng ganon??? Sino bang hindi matatawa. hahhahaha!”
“Pakyu ka po.” sabi ko naman. Tumawa lang sila. Punyeta talaga tong mga kaibigan ko eh.
“oo nga Megan. Sana sinabi mo na gusto mo mag-makeup, minakeup-an sana kita!”
“eh kasi naman no, kala ko okay na. kaya ayun,”
“wait! Don’t tell me may pinopormahan ka?? Kaya ka nagmakeup no?? ano? Tama ako no? HAHA!”
“sira, Wala akong pinopormahan!” gusto ko lang talaga gumanda. Kaso FAILED ULIT. T__T
Maya maya habang nagkwekwentuhan kami ay dumating sina Josh and friends!. Juice ko! Ang gwapo talaga! Makalaglag panty! Napatulala nalang ako sa kanya.
“hi Kitkat! Hi Andy and Karen” then nagsmile sya samin. Ay teka, sakanila lang pala. Hinahantay ko na batiin nya rin ako pero hindi man lang ako pinansin! Hello? Andito rin po ako! Tss. Pambihira.
(=_______=)
Hayyy. Palibhasa magaganda sila. Tsaka feel ko naman na type nitong si Josh si Kitkat eh. Pfft. Feeling ko invisible ako kapag kasama ko sila. Sila lang kasi lagi ang pinapansin. Minsan naman pinapansin lang ako para asarin. Buhay naman talaga oh!
Naki-share sila Josh ng table samin then nagkwentuhan na sila. Ako? Wala. Loner sa isang tabi.
(¬_¬)
Si Josh kay Kitkat, si Paul kay Andy tapos si Miko kay Karen…. Ako, NGANGA! Aaminin ko naiinggit talaga ko. Huhu. (TT-TT)
“AAAAAHHHY!” Napatayo ako. “may assignment pala sa history! Nakalimutan ko! Sige alis na ko!!” sabay alis sa pwesto ko. Wew! Syempre joke lang na wala akong assignment. Ako pa? masipag ata ako! Gusto ko lang talaga na umalis na…
Pumunta muna ko library. Wala lang tambay muna habang hinihintay mag-time….
Habang nakatungo ako tinatago ang pagmumuka ko, hinde joke lang, balak ko kasi matulog kaya nakatungo ako, ay may naramdaman ako na tumabi sa akin. Hala multo! Haha. Joke lang ulit. Korny ko.
“Megan?” narinig kong sabi nya. Binangon ko ang ulo ko. “oh---Niko?” sus. Bat ba lagi kong nakikita tong asungot na to?? Letse.
“Mabuti naman at hindi ka na mukang clown jan, tapos na yung kiddie party? HAHA!” PEKTUSAN KO TO EH!
![](https://img.wattpad.com/cover/7046250-288-k114376.jpg)
BINABASA MO ANG
Tips that can make YOU beautiful [ C O M P L E T E D ]
Humor“Ikaw ba’y isang PANGIT? Kung ganon, MAY TAMA KA! Dahil tama kang pang gaya mo ngang PANGIT ang librong binabasa mo ngayon. Tips ba kamo para gumanda ang isang gaya mong PANGIT? MAY TAMA KA ULIT!!! Dahil tama kang may tips nga para sa mga gaya mong...