Chapter 2

239 29 3
                                    

I sighed and began to relax myself. Masyado ko atang ini-stress ang aking sarili nitong nakaraan. Ramdam ko ang paninitig ni Angel sa'kin, pero hindi ko siya nilingon. I know she's worried.

"What are you thinking about so deeply, Ate?" She asked. I turned to her and smiled weakly.

"Nothing," I answered. We remained quite for a while after that question. Siguro alam niyang hindi pa ako handa para sabihin sa kanya iyon.

"Anong Isla iyong nandoon?" Sabay turo ko sa Islang hindi kalayuan.

"Ah iyan ba? That's still a part of Paradise Island. Napuntahan ko na 'yan, maganda at tahimik 'yong paligid," pagku-kwento niya.

"I see."

"Pupunta ako sa mall bukas. Would you like to come along, Ate?"

Sa lahat ng lakad nito ay sinasama ako, ngunit mas pinili kong magmukmok. Mas mabuti nga sigurong libangin ko ang aking sarili. Walang mangyayari kung nasa bahay lamang ako at palaging nagkukulong.

Tumunganga si Angel sa harap ko habang hinihintay ang aking sagot.

"Sure. Are you going to buy groceries? Nauubusan na tayo ng stock," pansin ko kasi kanina nang buksan ko ang ref ay wala ng laman. Tumango ito at ngumiti sa'kin.
Her genuine smile.

"Yes, Ate. Gusto mo Ate pagkatapos natin mag mall ay mag swimming tayo?" Sumilay sa mukha niya ang pagka-excite. I would love too.

"Sige," maikli kong sagot. Nakakabawas daw kasi ng stress ang paglalangoy kaya why not?
Her eyes sparked more with excitement.

Siguro ay dahil sa hindi ko tinanggihan iyong alok niya ngayon.

Napagpasyahan naming umuwi ni Angel nang malapit ng magdilim. Angel walked along the road cheerfully, and talking to the people she met on the way. I am enjoying the new sights anyway. A small town yet beautiful.

Pagkadating namin ng bahay ay agad kaming nagsitungo sa kanya-kanyang kwarto upang makapaglinis ng sarili at makapaghanda na ng hapunan pagkatapos.

Matapos naming maghapunan ay naglinis kami ng kalat at agad akong tumungo sa kwartong inuukupahan ko. I turned off the light and look out of the window. Nakatitig ako sa labas ng may biglang kumatok. Si Angel iyan panigurado dahil kaming dalawa lang naman ang tao dito.

"Pasok. Bukas iyan," bumukas nga iyon ngunit hindi ko siya nilingon. Binuksan nito ang ilaw at kalaunan ay naramdaman kong lumubog ang kaliwang bahagi ng kama kung saan ako nakaupo.

She tapped my back. I turned to her and looked away again.
We stayed a little longer at that silence. Hindi niya ako iniwan ng gabing iyon hanggat hindi akp dinalaw ng antok.

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang makapaghanda ng agahan. Kahit papaano ay marunong naman akong magluto.

I cooked fried rice, scrambled egg and ham. I also prepared a pancakes.

Matapos naming kumain ay umakyat na ako sa kwarto upang makapagpaligo.

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Nakalugay ang tuwid at mahaba kong buhok. I didn't bother to put some make-up on my face. Creamy white T-shirt paired with sky blue shorts and sneakers. This is my usual attire.

Sa huling pagkakataon ay tiningnan ko ang aking repleksyon sa salamin. Not bad for a broken hearted girl like me.

A bit of smile plastered on my lips bago ako lumabas ng silid.

"Gel, hintayin kita sa baba." Sigaw ko mula sa labas ng kwarto niya.

"Sige, Ate. Susunod na ako."

Euphoria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon