Chapter 15

95 16 0
                                    

Matapos ang kamustahan ay nag-excuse si Kuya sa dalawang matanda at hinila ako malapit sa pinto. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Lester will be here at any moment, sinabi ko lang baka mailang ka kapag nagkita kayo," tiningnan niyang mabuti ang aking mukha tila tinatansya ang aking magiging reaksiyon.

"I'm fine, Kuya. Don't worry," tumango-tango siya at ngumiti sa'kin. Tinagilid ko ang aking ulo upang masilip si Diane, nakaupo na ito habang may hawak-hawak na tablet, she maybe checking the emails and meeting schedule of my brother.

Lumingon din si Kuya kung sino iyong tinitingnan ko. I cleared my throat to get his attention and I did dahil kunot-noo niya akong tiningnan.

Head to foot ko siyang pinagmasdan, he's tall, handsome, thick eyebrows pointed nose. He's almost perfect guy to me but he's single now. Naunahan ko pa siya. Naiiling ako sa kanya.

"What?" Puno ng pagtatakang tanong niya.

"Wala. Naisip ko lang na bagay kayo ni Diane," peke siyang naubo kaya umismid ako. Bagay naman talaga sila, Diane is a beautiful girl, family oriented, may maayos na trabaho. At wala naman itong nababanggit sa'kin na may boyfriend siya. Ano pa bang inaarte nitong dalawa?

"Stop what your thinking 'coz that won't happen." Tinaasan ko lang siya ng kilay. Ang sarap talaga mang-asar ng tao ngayon e. Gusto kong matawa kaso pinipigilan ko na lamang.

"Let's see about your 'that won't happen', Kuya." Panunuya ko dito at pinagdiinan ang katagang binitawan niya.

Suplado niya akong tiningnan bago umiling. I smirked at him.

Nang tuluyan naming nilisan ang conference room ay doon pa rin ako umupo sa harap ng mesa ni Diane. Si Kuya naman ay nasa opisina niya. Hindi ko lang alam kung parating na si Lester dahil hindi ko iyon natanong sa aking kapatid.

Well, like what I've said I don't mind if we'll see each other here. It's been long since the last time we meet.

Kuya Kael and Lester are also friends so there's always a possibility that we're going to meet, though.

"Diane may itatanong ako," ani ko at itinungkod ang dalawang siko sa mesa niya upang magkaharap kami. Nag-angat siya ng tingin sa'kin

"Hmm?" She hummed, pilya akong ngumiti dito.

"Do you like my brother?"

"Ah... yes?" patanong niyang sagot. "I like him 'coz he's nice and also my boss," She added. Napairap na lamang ako dito. She didn't get my point. I know that Kuya is her boss and also he's nice.

"What?" Natatawa niyang tanong nang mapansin ang aking pag-irap. "You mean if I like him in a romantic way?" I nodded to her to follow up question.

"I'm here to work not to find a guy. We're purely boss and secretary relationship, Yel. I know that you're trying to play like an cupid now," pareho kaming natawa pero mangungulit pa rin ako.

"Purely work inside the company how about outside?" saglit siyang natigilan, napahagalpak ako sa tawa ng namula ang pisnge nito. Got you, Diane! Don't you dare to deny it! Nangangamoy, oh never mind. Hayaan natin silang bumuo ng sarili nilang buhay pag-ibig.

"Stop it, Yel," wika niya. Nagpigil tawa ako ngunit malaking ngiti naman ang nakaplaster sa aking labi.

"Excuse me, Diane. Si Kael?" Agad nawala ang ngiti sa'kin, I know that voice. Sa kakaasar ko kay Diane ay hindi ko man lang namalayan na may tao palang parating.

Dahan-dahan akong lumingon, at hindi ako nagkakamali si Lester nga iyon. Naroon din sa mata nito ang gulat nang makita ako.

"Nasa loob po, hinihintay iyong pagdating niyo." Diane answered not to noticed the awkward moment.

Euphoria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon