Chapter 6

103 23 0
                                    

Sa gabing iyon na dumalaw sina kuya sa bahay ay may importante silang pinag-usapan ni Papa. Ang alam ko ay tungkol iyon sa kompanya.

Si Kuya Kael naman ay bukas pa ang uwi galing pakikipag-deal sa mga bagong investors from abroad.

"Yel?" Tumingala ako at laking gulat ko nang makita kung sino iyon.

"Darren!" Malaki ang ngiti nito sa labi. Si Neverlyn naman ay taas kilay akong pinagmasdan. Pasimpleng tumikhim ako.

"Darren, this is my friend Neverlyn," pakilala ko. Ngumisi si Darren kay Neverlyn at binati ito.

Upang makapag-usap kami ng maayos ay iniwan ko saglit si Neverlyn at naghanap ng bakanteng mesa.

He didn't change. He's still the Darren I've met in Paradise.

"What brought you here?" Tanong ko nang makaupo kami.

"I had an appointment near at this place. I'm not expecting that you'd be here so I got surprised when I saw you at the counter," He laughed and showed his dimple at his right cheek.
Tinungkod nito ang magkabilang braso sa mesa.

"I see, it's been a while," I said.
Dumating ang order niya at nilapag iyon ng crew namin sa mesa.

"Pinapatanong ni Ma'am Neverlyn kung may gusto ka pong inumin," wika ng crew sa'kin.

"Ahh wala. Salamat," sagot ko at umalis na iyon upang asikasuhin ang iba pang costumer.

"Pag mamay-ari niyo?" Tumango ako dito. Iginaya niya ang mata sa kabuuan ng cafè.

Unlike the outside, the interior of the café was warm and cheery, with bright lights and colourful walls.

Part of the success of any coffee shop is the culture and atmosphere created in it.

The customers returned to their conversations as the door swung closed behind the new entrant.

"This is nice," He commented and took a sip of his coffee. "Sino architect niyo? Maganda 'yong pagkaka-design," biglang puri niya. Lihim akong napangiti rito.

"Kakilala ng pinsan ko, she recommended it to us."

Nang ipapatayo pa lang namin itong cafe, ay ni-recommend ni Angel sa'kin ang architect niyang kaibigan. Biniro ko pa siya noon na siya na lang gumawa since she's an architect student but she refused, kulang pa raw siya sa experience. Naiiling na natatawa lamang ako sa aking pinsan sa oras na iyon.

Saglit lang kaming nag-usap ni Darren dahil may tumawag sa kanya at kailangan na daw siya sa opisina nila.

"Saan mo 'yon nakilala?" Tanong ni Neverlyn nang makabalik ako sa counter.

"Paradise Island," Her lips formed into a letter 'O'.

"He looks great," natawa ako sa sinabi nito.

Nagkibit-balikat ang aking kaibigan sa pagtawa ko at umupo na sa swivel chair.

"You like him?" Malapad na ngiti ang sumilay sa labi ko. Kunot noo naman akong tiningnan ni Neverlyn, tila hindi makapaniwala sa tanong ko.

Bakit ba? Sabi niya, Darren's looked great and what's with her reaction?

"I like him for you," halos masamid ako sa sarili kong laway. Pabiro ko itong hinampas sa braso.

"It doesn't make sense! May bagong costumer na, kunin mo na 'yong order," saway ko dito at naiiling.
Naningkit ang mata nito at bahagya akong inirapan. Natatawang humarap ako sa computer.

Nitong nakaraang linggo ay may kakaiba akong nararamdaman. Madalas akong nahihilo at tinatamad na sa mga bagay-bagay na nakagawian ko noon. Iniisip ko lang na napasobra lang ako sa trabaho at pag-iisip tungkol sa problema ng kompanya.

Euphoria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon