Chapter 11

89 16 0
                                    

I was sitting at the edge of the bed widely awake at this early morning. Usually, nagigising lang ako ng maaga kapag mahimbing ang tulog ko sa gabi.

5:30 in the morning pa lang. Nagulat ako nang hindi man lang nakaramdam  ng kung anumang pagsusuka ngayong umaga, even last night. Ang sabi ng doctor, mawawala daw 'yong pasusuka ko sa 2nd or 3rd week of my trimester. Now I get it. Nakahinga naman ako ng malalim.

Nilingon ko si Neil na mahimbing ang tulog, nakaharap pa rin ito sa direksiyon ko. Maamo ang mukhang gumalaw ito at kinapa ang katabing kama. Napabalikwas ito at umupo agad sa kama tila nagulantang nang wala na ako sa tabi niya.

"Hey, sobrang aga pa. Nasusuka ka ba?" Ani nito sa kagigising lang na boses, ngunit puno ng pag-aalala. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, he's too perfect even in the morning. His messy hair makes him more sexy. My heart beats faster again.

Parang nitong nakaraan lang naaasiwa ako sa kanya pero ngayon hindi ko mawari ang aking nadarama.

"Hindi na ako nasusuka, maaga lang akong nagising," hindi makatinging sagot ko. Nakahinga siya ng malalim tila nabawasan ang pag-aalala nito sa'kin.

Nagising ako kanina na nakakulong sa bisig niya, na tila ba'y pinoprotekhan ako sa anumang panganib na darating. Aaminin kong bumilis ang tibok ng puso ko. At kapag naalala ko iyon kinikilabutan ako na hindi ko maintindihan.

Aminin natin, kapag may taong nagpaparamdam sa'yo na mahalaga ka at inaalagaan ka niya ay nag-iiba ang tibok ng puso mo. Marupok tayo sa mga ganoong bagay. Kaunting alaga at himas lang sa'yo ay bibigay ka na. And that's me now, the Zyrielle bitch turned into an angel.

He maybe mysterious type but has a sweet and caring attitude which I didn't expect, the other side of him.

"Bumisita kana ba ng Doctor?" Ngayon ay gising na gising na ito. Tumayo ako upang harapin siya, nangangawit na kasi iyong leeg ko sa kakalingon sa kanya.

"Huling bisita ko noong sinundo ako ni Kuya dito," may dumaang sakit sa mata nito sa aking naging sagot.

"Ba't hindi mo sinabi? Para ako na 'yong sumama sa'yo," mapakla nitong usal. Nakaupo pa rin ito sa kama ngunit ang isang paa nito ngayon ay nakababa na sa lapag.

"That night, I told you that we need to talk when the morning comes. Pero nagbanyo lang ako saglit tapos wala kana nang ako'y lumabas. Don't you how frustrated I am after you left me?" Now that he mentioned it, muli na namang bumalik sa aking alaala ang mga pangyayari sa gabing iyon. Pilit kong binabaon sa limot pero inungkat niya ngayon. Maybe I was drunk that night, pero alam ko ang mga kasalanang aking ginawa.

Umiwas ako ng tingin nang tumitig siya sa'kin. Parang may kumirot sa puso ko, puno ng pagsisisi at panghihinayang  ang nakita ko sa kanyang mata.

Hindi ako makapagsalita. Mas pinili ko na lamang na tumahimik. He groaned, kaya napatingin akong muli sa kanya.

"I was hoping that you'll give me a chance to take good care the both of you. And I hope, you won't build a wall between us. I am willing to take all the responsibilities after that incident,"
tumayo siya, wearing his dark eyes.  Dahan-dahang humakbang papunta sa'kin at hinawakan ang magkabila kong balikat. He intensely starring at me. Nanlambot ang aking tuhod at anumang oras ay babagsak ako, guilt and regret is within me now. A lot of what if's are running in my head.

Bago pa ako tuluyang manlambot ay niyakap niya na ako. Isang mainit na yakap. I can clearly hear his abnormal breathing.

"Don't leave again, okay? Huwag masyadong matigas 'yong ulo, please lang," pagmamakaawa niya. Nagulat ako ng may biglang tumulong luha mula sa aking mata. Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako.

Euphoria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon