Chapter 3

176 26 1
                                    

Mabilis na lumipas ang oras, matapos ng aking bakasyon sa Paradise Island na bumalik na ako ng Manila para asikasuhin ang naiwanan kong trabaho.

I had fun there, I won't forget the journey that Angel and I bond together. At sa taong naging kaibigan ko roon. Sabay kaming lumuwas ni Angel dahil malapit na rin magsimula ang pasukan sa kolehiyo. She need to prepare for her last fight this year. She took Architect course.

Gumising ako ng maaga at naghanda upang makapasok sa café. Kaming dalawa ni Neverlyn ang may-ari dun. Dugo, pawis at oras ang inilaan namin ng magraduate kami sa college. We are both graduated BSBA major in Marketing Management, that course is designed to equip you with the knowledge and skills for effective marketing and sales strategies.

How a company determines what product or service to sell, how customers and markets are delineated into target demographics, and the methods of reaching them.

The course also focuses on strategic marketing issues which marketing managers assess before findings are presented to their executives. By learning to be an effective marketer and manager, you will learn to respond to the demands of competitors, the government, and larger social issues.

Among the concepts and theories that will be discussed are sales management, brand, distribution, e-commerce, franchising, retailing, information technology and corporate social responsibility. 

My brain almost explode because of that course, luckily we survived. And the fruit of our achievement is that we owned a coffee shop now which already had a 4 branches in 1 year.

Sandali akong nagbabad sa tubig at nilinis ng husto ang katawan. Isinuot ko ang bestidang natipuan ko. Puting bestida iyon, walang accent pero may dating at hapit na hapit sa katawan ko

Ang buhok ko na palaging nakalugay ay nakatali na ngayon. Nagpahid ako ng manipis na lipstick sa aking labi at nagwisik ng pabango sa katawan.

"Papasok ka sa café?" Tanong ni mama ng mapansin niyang bihis na bihis akong bumaba. Nasa sala ito at nagbabasa ng newspaper.

"Oo, Ma. Doon na ako kakain," humalik ako sa pisnge nito. Kahit naman nagtatampo ako sa kanya ay ina ko pa rin siya. Si Papa ay hindi ko nakita, marahil ay nasa trabaho na ito. Minsan ko lamang iyong naaabutan dito sa bahay.

"Mag-iingat ka."

"I will, Ma," tinungo ko ang garahean, ang kotseng iniwan ko noon sa café ng ako'y umalis ay naroon na.

"Kotse mo, Miss Yel ang iyong gagamitin?" Tanong ni Jason, isa sa driver namin. Nililinisan niya ang isa pang sasakyan.

"Yes. Iyong susi?"

"Saglit po, kukunin ko," dali-dali itong umalis sa harap ko.

Ito iyong sasakyan na iniwan ko sa cafe, pinakuha ata ni Papa sa driver namin.

"Salamat," sabi ko ng iniabot nito ang susi. Tumango ito at bumalik na sa ginagawa.

Binuhay ko ang makina at pinaandar iyon. Galing dito sa bahay ay bente minutos lamang ang biyahe.

Pinasadahan ko sa labas ang kabuuan ng café.
Queen's café, ang malaking pangalan na nakatatak sa labas. Napangiti ako.

"Good morning, Ma'am," bati ng crew namin sa'kin. May bakas pang gulat sa mata nito ng ako'y makita.

"Good morning, kumusta kayo rito?"

"Okay naman po," nakayuko nitong sagot.

"Ganoon ba? Si Neverlyn ba ay nariyan na?"

"Opo, nag-aayos po iyon sa counter," magalang nitong tugon sa tanong ko.

"Sige salamat," sagot ko at naglakad na.

Euphoria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon