Chapter 8

2.4K 67 1
                                    

Kei's POV

Hindi ako makapaniwalang may amnesia ako.

Nang makapasok ako ng room, nakita kong may nag-iintroduce.

"Ms. Tolentino! You're late!"

"Sorry, sir." Paumanhin ko.

"Pwede ko na bang ituloy?" Nanlilisik ang mata ng babaeng to. Kung hindi ako nagkakamali... Pamilyar siya sakin. Sino kaya ito?

"Bakit? Sino ba nagsabing huminto ka?" Naiiritang tanong ko rito. Nakita ko lang ito nag-init na dugo ko!

She looks familiar!!!

"My name is Ciara Sebastian, 16 years old." At umupo na siya. Inirapan ako nito bago umupo.

"War freak." Bulong ko yun at hindi niya narinig.

I'll make you know who I am, Ciara Sebastian.

--

"Okay! That's all for today! And be ready for the Prom!" -Prof

*kringgg!*

"Napakapamilyar nung babaeng iyon sa 'kin." Sabi ko kay Sarah habang nag iisip.

"Teka, sa akin din, eh." -Ria

"Actually, yes. Familiar talaga siya.." -Sarah na muhkang nag-iisip rin.

"Hi, girls." Ang siyang pagdating ng tatlo.

"Ang ganda talaga nung Ciara." Binatukan naman ni Ria si Dave at inirapan. "Pero walang wala siya sa 'yo, beb. Kaya 'wag ka ng magselos!"

"Tse! Wala kang mauuto dito!" Inirapan ulit nito si Dave.

Ayan! Ayan ang napapala ninyo!

"She's familiar to me." Natigilan ang lahat ng nagsalita si Karl.

"Baka isa sa mga nilandi mo?" Diretsang tanong ko sakaniya, sumama ang tingin nito. " I mean, isa sa mga lumandi sa 'yo?" Sabi ko sabay ngisi

--
Karl's POV

Parang naalala niya na! Paano niya nalaman na iyon ang lumandi sa 'kin!? Samin ni Rave! Yun yung nakaaway nila ni Sarah kung hindi ako nagkakamali, na-coma pa sila pareho ng kapatid nung Ciara at siya.

Bakit siya nagbalik?

"Naalala mo na!?" Nagulat si Kei sa tanong ko.

" ang alin? "

Muhkang di niya pa naalala. Badboy kasi ako kaya malamang, nasabi niya iyon dahil babaero ako. Pero dati iyon.

"N-Nothing."

Tsaka na nga lang!

"By the way, ikaw ang partner 'ko sa JS Prom." Sabi ni Kei nang walang emosyon. Akma akong magrereklamo, "No erase. Ikaw ang partner ko at ako ang partner mo." Idiniin niya pa ang 'ko' at 'mo' na salita.

"May pinahihiwatig ka ba?" Taas ang kilay na tanong ko dito.

"Wala naman, bakit, para sa 'yo ba meron? Kung gano'n, edi oo. Meron." Mapang-asar na ngiti ang ipinupukol niya sakin! Bwisit na nerd to!

Pero kailangan 'ko munang malaman kung bakit siya nagbalik. Para sa kaligtasan ng pamilya namin ni Kei.

---

Votes | Comments

The Deal With The Bad Boy (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon