Chapter 17

1.4K 44 0
                                    

Kei's POV

Hanggang ngayon, gulung-gulo ako! Iniisip 'ko kung sino ba ang tunay 'kong mommy! So, ibigsabihin, mula pagka-boyish, pagka-nerd, at pagka-boyish ulit, nagsisinungaling lang sila sa amin!

At alam ni kuy-- Kenneth 'yon! At take note, hindi niya sinabi sa akin!

"Don't think that much, Kei. Kapatid pa rin naman kita." Saad ni Ken na nasa kabilang upuan. Private plane itong gamit namin. Ari-arian ng mga Tolentino.

D*mn! Hindi ako nagpaalam kay Karl! Patay ako sa boyfriend 'ko!

Kukunin 'ko sana cellphone 'ko--

"Bawal mag-cellphone sa loob ng eroplano." Saad niya ulit.

Napaka-lalim ng iniisip 'ko, sino ba talaga ako? Sino ba talaga ang ina 'ko? Gulung-gulo na ako!

"Noong una, nagalit ako kay Papa, pati sa 'yo. Pero naisip 'ko, bakit hindi 'ko nalang tanggapin? Ito ang buhay 'ko, eh. Ito ang pamilya 'ko. Naisip 'ko, bakit sa 'yo ako magagalit, eh isinilang ka lang naman tulad 'ko? Sina Papa ang may kasalanan, hindi ikaw." Pagkukwento niya pa.

"Sinong nanay 'ko?" Tanong 'ko dito na tila gulung-gulo.

"Maski ako, hindi 'ko alam."

Pwes ako, aalamin 'ko.

---

Karl's POV

Kaninong eroplano-- shete! Sa mga Tolentino iyon! Sino ang aalis!?

Tumakbo ako papunta sa bahay ng mga Tolentino. Tutal, malapit lang naman ang lugar na ito doon!

"Mrs. Tolentino!" Inalog-alog 'ko ang gate nila.

Posibleng 'yong mahal 'ko ang nandoon!

"Lumabas kayo diyan! Sarah! Ria!!!" Hindi ko alam, basa na pala ang pisngi 'ko,

"Karl!? Anong ginagawa mo dito!" Lumabas si Sarah,

"Sarah! Sino iyong umalis gamit ang private plane ninyo!?" Sigaw 'ko habang binubuksan niya ang gate. Napaiwas siya ng tingin.

Pumasok kami sa loob at nagtungo sa Garden..

"She arrived. She's going Korea." Halos Hindi ako makapaniwala sa sinabi!

"B-Bakit!? T-Teka--"

"Don't panic. Nag punta siya do'n para mag-ensayo."

"Bakit hindi siya nagpaalam sa akin!?" Naaasar ako!

"H-Hindi nagpaalam sa 'yo?" Kunot-noong sabi niya, "so, ibigsabihin, sinadya niyang 'wag ipaalam sainyo. Ang Alam 'ko kasi... Ayaw niyang ipaalam bukod sa pamilyang Tolentino. Na-ikwento niya sa akin iyon. Para hindi raw kumalat lalo pa't nandiyan si Ciara."

"Iyong nakaaway ninyo noon?"

"Oo,"

"Pero nakakainis! Hindi niya sinabi sa akin. Boyfriend niya ako! Karapatan ko malaman iyon!" Sigaw ko pa with matching padyak. Napangisi siya. "Oh, bakit?"

"Mahal mo siya."

"Ewan 'ko sa 'yo, bahala nga kayo, uuwi na ako!" Sigaw 'ko at umalis sa bahay na iyon.

--
Ciara's POV

"Magaling. Tama iyan. Magalit ka, Karl." Napapangisi ako dahil mula noong sundan 'ko siya, nagagalit na siya.

Mas nauna 'ko pa palang malaman sakaniya na aalis ang kaniyang nobya! Whahahaha!

Kawawang Pendleton!

"'Wag ka munang tumawa at ngumisi diyan, Ciara. Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo ka namin." Biglang may nagsalita sa likod 'ko, at iyon ay si Sarah. "'Wag kang magpaka-saya. Hindi mo alam kung anong kayang gawin ni Kei." Napangisi ako.

"Oh, really!? Matatakot na ba ako!? Ang pagkakaalam 'ko, kaya siya mag-eensayo para sa laban. So, weak!" Pang-aasar 'ko dahilan ng pag-sugod niya.

Mabilis -- no, mas mabilis siya ngayon kesa noon! Sinapak niya ako dahilan ng pagkakatumba 'ko.

Hindi pa man nakababawi, nakatanggap ako ng sipa sa muhka dahilan ng pagdugo ng ilong at labi 'ko, tumayo ako at lumaban. Sasapakin 'ko siya kaso nailagan niya at hinawakan ng madiin ang aking kamao!

Namilipit ako sa sakit.

"Sa susunod na pupunta ka dito, si Kei na ang makakaharap ninyo." Naka-ngising sabi niya at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay 'ko.

"Arrghh--"

"Sarah! Let's eat now!" Hindi pwedeng may makakitang iba sakin dito kaya sinuntok ko ang hita niya at nakatakbo ako.

"Magtutuos ulit tayo, Ciara Sebastian!" Sigaw niya pa hawak hawak ang hita.

Magtutos tayo? Oo, pero sisiguraduhin 'kong kami naman ang mananalo.

XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX

VOTES | COMMENTS

The Deal With The Bad Boy (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon