| INFATUATION + chapter one |
| JAYCIENE BAY TOPACIO |"Hi Jaycee!"
"Musta Jaycee?"
"Hindi ka ata tumangkad?"
Nangibabaw yung bati ng isa sa dami ng nagbabatian dito sa hallway. Kahit saan ka lumingon makikita mo na nagkakaguluhan dahil syempre matagal din hindi nagkita-kita yung students. Kami naman'g mga grade 7 first day namin pero nagkaroon na ng workshop nung summer kaya masasabi ko'ng may mga kilala na ko dito.
"Tristaaaaan!" Napangiti ako ng makita ang isa sa mga tropa ko, si Tristan. Kasama yan sa tropang skate yan. "Nagiging kapre ka na!" Biro ko sa kanya habang papalapit. Tangkad kasi ng hayup.
"Ako 'di mo babatiin?" Biglang sumulpot si Connor, na naging kaklase ko simula grade 5 at kaming dalawa lang nagpursigi na mag-Delacour High kahit galing sa VESPI.
Solid tropa yan na mapagkakatiwalaan, ni isang bes hindi nya pa nababanggit sa tropa kung gaano ako ka weird nung gradeschool. Kadiri. Nakakakilabot. "Makakalimutan pa ba kita? Ikaw na pinakamaliit na kilala ko eh."
"Kapal mo hoy." Lumapit sya sakin tsaka ginulo yung buhok ko. Bat ba ang hilig nila manggulo ng buhok? Kaasar, pag sa kanila ginawa mga pikon.
Sabay na kaming tatlo naglakad sa hallway. Unang araw ng klase kaya siksikan ngayon. Hindi malabong magkahiwahiwalay kami.
Ayos lang kaya ko naman sarili ko dahil matangkad ako — pumalag panget.
Bigla nalang ako napadpad sa likod ng dalawang pamilyar na unggoy. Si Ash at Cam. Buti nalang at hindi nila kasama si Calum kundi paniguradong magkakagulo sa ingay nila.
Sila yung kaunaunahan ko'ng nakilala dito sa Delacour mismo, nakilala ko sa in-attendan ko na shit workshop. Pinilit lang ako ng tita ko 'di ko ginusto yon.
"Bay!" si Cam unang nakakita sakin kaya lumapit agad ako sa kanya. Pinatong ko yung kamay ko sa balikat nya para umakbay dahil 'di ko naman abot yung balikat nya.
"First day na first day nangga-gago ka na Dallas." Tinulak ko sya. "Gusto mo gaguhin kita dyan Bay?" Nahampas ko tuloy dahil sa sinabi nya. sobrang dumi talaga ng utak kahit kelan. teka, wala pala sya nun. naiwan yata sa bahay namin.
"Kadiri ka! Umalis ka nga sa tabi ko!" Natuwa pa sa reaksyon ko. Tsk. Kahit ganyan yan sila masasabi ko'ng tropa na tropa na tropa na tropa ko talaga sila.
"Jaceee!" Lumapit naman sakin ang kaisa-isang Asiong Irwin - in short albularyo. "Albularyoooo! Missyou pre!" sigaw ko sabay suntok ng pabiro sa braso nya.
"Albularyo pa nga siraulo ka talaga." tumawa sya tapos ginulo yung buhok ko kaya sinuntok ko ulit. "alis nga." tinulak ko sya pero ginulo nya ulit yung buhok ko. gago talaga ng mga lalake.
"miss you too Jace tangina mo."
"hoy puro mura nalang narinig ko sayo."
may ibang bumati din sakin kaya nahiwalay ako kila ash pero narinig ko pa sila nagusap. "Diba Ash? Ang ganda talaga nung bago." ano ba naman'g usapan yan lahat naman dito bago ngayon ah.
BINABASA MO ANG
infatuation (5sos tagalog fanfic)
Fanfiction"i don't give a fuck." - jayciene bay topacio, 2016 © copyrighted2016 octoberclifford ✨ [BOOK ONE OF PPF SERIES]