CHAPTER FOUR: Takipsilim

17 0 0
                                    

Normal na samin ni Calum ma-late, pero mas late kami pumasok ngayon. "Oy gising na." Sinipa kami ni Luke pero nakatulog ulit ako. "Hoy Kaloy."

"Hoy."

Nakailang 'hoy' ako bago nagising si Cal. "Ano ba putangina."

"Sabay na tayo pumasok mamaya." Sabi ko tapos natulog ulit.

-

Nagising ako sa alarm, breaktime na namin kaya bumangon na ko. Wala ni si Jax tsaka si dad, ginising nya siguro kami kanina pero sila Cam lang nagising.

Lalim talaga matulog ni Kaloy, pahirapan gisingin 'to.

Mabilis lang naman ako magayos pag papasok — kakain, maliligo, magsisipilyo, magbibihis. Bago ako kumain binuhusan ko ng malamig na tubig yung mukha ni Calum. "Hindi ka ba papasok?"

"Papasok."

Pinauna ko na sya maligo dahil kakain pa naman ako. Nung ayos na kami pareho bumaba na kami. Late na kami nakatulog dahil nagkwento pa sya ng problema nila ng syota nya, ako naman nag-advice kahit wala naman'g experience.

"Kung 'di ka na masaya bakit kayo pa?"

Naging mas maarte daw kasi yung jowa nya nung naging sila na. Tss. Magjojowa sila ng pabebe tapos magrereklamo pag lalong naginarte. On and off pa sila.

Hindi daw nya maiwan kasi may sakit sa puso, natatakot daw sya na baka biglang atakihin pag iniwan nya.

Pagdating sa Delacour, dumiretso na kami ni Cal kung saan malimit natambay ang tropa pag breaktime. "Akin na lima. Sabay sila pumasok eh." Ngumisi si Brook kay MJ. Pinagpustahan nanaman kung sino mauunang dumating samin ni Calum.

"Ang tagal nyo ah. Nakakairita kasama 'to sila." Reklamo ni MJ. "Damay mo pa ko ang bait bait ko." Singit ni Cam.

"Narindi ako sa bangayan nito sila." Sabi naman ni Mikee sabay turo kay MJ at Brook. Lagi nagaasaran yan'g dalawa, 'di na ko magtataka pag sila nagkatuluyan.

"Anong oras na kayo natulog kagabi?" Tanong ni Ash samin. Bangag pa kasi si Kaloy, 'di siguro sanay magpuyat 'to. Mahinang nilalang.

"'Di ata sila natulog." Inirapan ko si Luke. Masunget na ulit. "Oo nga parang narinig ko pa yan sila." Dagdag ni Brook.

Birthday ni Ash ngayon kaya may mga panyo na silang nakapulupot sa may kamay. Si Mikee bumili ng lahat ng yon binayaran nalang namin, lakas trip eh.

"Kunin lang namin yung cake, tara." Aya ni Luke kay Brook pero sumama din ako. Pagbalik pinapatugtog na nila yung paboritong banda ni Ashton, Foo Fighters. Walang sumisita samin kahit sa gitnang pwesto ng buong canteen kami nakapwesto at ang lakas pa ng pagpapatugtog namin. Wala eh 'di sila makalaban samin.

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU HAPPY BIRTHDAY TO YOU HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY TO YOU!" Nagkantahan kami ng malakas, walang pake sa ibang tao. Syempre birthday ni Ash dapat masaya lahat. "HAYUP KAYO."

Sa sobrang saya minura kami.

Hindi naman sapat samin yung isang table kaya dalawa palagi sakop namin. Alam na ng lahat na amin yung pwestong yon kaya walang nagtatangka. Bukod dun, drinawingan na ng tropa yung mesa kaya halatang halatang amin.

Magkatabi kaming nakaupo ni Cam at busy lahat ng tropa namin sa pakikipagusap sa isa't isa pero eto kami tamang kain lang, kaya kami nalang din nagusap. "Gusto mo pa ba ng cake? Yoko ng flavor."

Hindi ko din trip kasi black forest. Pinipilit ko lang kasi nakakahiya naman kung sasayangin ko diba. Pinaalala ko kanina na itira yung kalahati sa box para iuwi ni Ash sa kanila.

infatuation (5sos tagalog fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon