Wala masyadong nakakaaliw na nangyari ngayon. May bago lang ako nakilala — si Sid, Mutya at Elaine. Nakakatawa nga eh, nakalimutan ko bag ko bago pumasok tapos sila sumagot sa lahat ng kailangan ko kahit 'di kami close.
Sinipag ba naman maglecture sa History at nagkaroon ng biglang quiz sa Math, kaya ayon pinahiram ako ng ballpen ni Elaine nung History.
Makakapasa ata ako sa Math dahil sagot ni Sid yung papel ko at kay Mutya naman ako kumuha ng sagot.
Binabawi ko na baka mabati pa.
Naghihintayan kami ngayon ng tropa sa jurassic, tawag namin yon sa tambayan dahil parang ganon kasi vibe nya. "Mahina ka pre. Tingnan mo." Kasama ko si Luke, Cal, Cam, at Ash.
"Siraulo ka talaga. Ayaw ka nga'ng kausap oh." 'Di ko alam ano pinaguusapan nilang tatlo kaya nakatambay lang kami ni Luke. Palibhasa naiwan ko phone ko at si Luke 'di naman mahilig magphone.
"Ako kasi gusto nyan."
"Tangina mo may jowa ka na."
"Oo nga alalay pre."
Inirapan ko nalang. 'Di ako interesado makisali dahil malamang sa malamang babae yan'g pinaguusapan nila. "Sino ba yon?"
Natanong ko lang, pero 'di talaga ako interesado.
"Ewan ko baka si Skye." Nagkibit balikat si Luke habang umiinom ng Kopiko. Tiniran nya ko kalahati dahil tinatamad ako bumili pa sa canteen.
"BABAERO KA TALAGA!!"
"GALING PA SAYO TOL?"
Ang gulo gulo amputa para babae lang.
"Ayaw mo dun?" Ngumuso ako kila Ash at tumanggi naman si Luke. "Bakit?" Sya lang naman ata matino dito.
"Hindi ako interesado."
Parang na-intriga tuloy ako kaya nakipagdaldalan pa ko kay Luke. 'Di nya daw trip yung ganon. 'Di daw kasi malalim.
"Anong malalim?" Ngumisi ako kaya napatawa sya ng konti habang tumitingin sa baba. "Baliw. Pagkatao kasi."
"Explain mo nga."
Napatingin ako dun sa grupo ng mga babae'ng nakikinig sa usapan namin. Nakatambay sila pero halatang nakikinig. Hirap talaga pag may kausap na habulin sa chix, walang privacy. "Yon sila type mo?"
Tumawa ako ng mahina para 'di naman nila mapansin — kawawa naman baka mapahiya pa.
"I'd date a fan." Sagot nya sabay kindat.
"Psh. Yabang."
"Hoy tara nga dito nagso-solo kayo dyan." Napatingin kaming dalawa kay Ash dahil nagsalita bigla. Nawala si Kaloy may binili siguro. "Bakit?"
"Parang 'di tropa amputa." Tiningnan ni Ash ng masama si Luke dahil tinuro pa nya yung pwesto sa tabi nya bilang senyas na dun kami umupo. Nasa ibabaw sya ng mesa.
"Tapos nyo na ba pagusapan yung Skye?" Tanong ko na parang nanunuya.
"Mamaya na ulet pagbalik ni Kaloy."
BINABASA MO ANG
infatuation (5sos tagalog fanfic)
Fanfiction"i don't give a fuck." - jayciene bay topacio, 2016 © copyrighted2016 octoberclifford ✨ [BOOK ONE OF PPF SERIES]