"Ano nanaman ginagawa mo, Jax?!"
Nakita ko kapatid ko na muntikan pa'ng mahulog dahil nakatuntong sa skateboard ko. "Ginagaya lang kita, ate."
"Ayos ka na ba? Nagawa mo pa talaga magskateboard ha. Dalian mo na late na tayo."
Wala naman talaga akong pake jung ma-late ako sinabi ko lang yon para magmadali sya.
"Binitbit ko yung skateboard ko tsaka bumaba. "Okay ka na Jax?" Sigaw ko habang naghahalungkat ng mabibitbit na baon sa ref. "Baba na ko!" Narinig ko'ng sinabi nya.
Ayoko gumigising ng maaga pag may klase, talagang sagad. Mas mabilis kasi ako kumikilos pag ganto walang nasasayang na oras para matulala sa kawalan.
Ihahatid ko ngayon si Jax sa VESPI dahil 'di sya nakasabay kay dad masyadong maaga umalis para sa trabaho. Dun sya nagttrabaho sa TBD — The Business District. Kaya kami naka-condo para malapit sa TBD tsaka sa mga school namin. Ayos din tumira dito sa Delacour Enclaves lahat ng kailangan mo andito na.
Meron din dito sa lugar namin yung tinatawag na Courees, parang jeep na sila pero air-conditioned at libre para sa mga residents ng Delacour Enclaves. Parang libre na tuloy transportation namin kahit saan saan kami maggala sa loob ng Delacour kasi taga dito kami.
Yung mga Courees na sinasabi ko sa main roads lang dumaan.
Habang papalapit sa VESPI inaasar ko si Jax na ihahatid ko sya hanggang room nila, syempre naurat sakin. Grade 5 palang yan ha. Masyado atang naimpluwensyahan nila Calum 'to.
Hindi naman talaga ako bababa pa ng VESPI para lang ihatid sya no, ayokong ayoko makita 'tong lugar na 'to. Para akong nasa impyerno nung dito pa nagaaral. Wasak na wasak buong pagkatao ko, buti unti unti ko na'ng naaayos. Laking tulong din na nagkaroon ako ng mga tropa sa Delacour High.
"Sorry I'm late." Bungad ko pagpasok sa room ng History. Interesado ako sa subject na 'to parang na-c-challenge kasi ako kaya biglang tumatalino. May nakita akong bakanteng upuan sa pangatlong row, nasa pagitan ni Tris tsaka Connor kaya nagassume ako na sakin yon. Akin naman pala talaga.
"Tsk Jaycee talaga kahit kelan late."
Inirapan ko nalang si Connor. Palibhasa nauuna pa sa guard dumating eh.
"Pst." Kinalbit ako nung babaeng nasa likod ko. 'Di ko naman kilala pero sinabihan ako na imbitado daw ako sa house party. "Kanino?" Balik ko sa kanya.
'Di nya daw alam.
Welcome to high school, bigla ka nalang iimbitahin sa party kahit 'di pa alam sino may pakana.
Kauna-unahan'g high school party ko pala 'to, syempre Grade 7 palang naman.
MJ:
Hoy invited ka?
To MJ:
baket party mo ba
MJ:
Hinde tanga. Skye ata pangalan nung nagimbita.
Parang narinig ko na yung pangalan'g yon. 'Di ko lang maalala kung saan o kanino.
MJ:
BINABASA MO ANG
infatuation (5sos tagalog fanfic)
Fanfiction"i don't give a fuck." - jayciene bay topacio, 2016 © copyrighted2016 octoberclifford ✨ [BOOK ONE OF PPF SERIES]