Ibang klase talaga yung babaeng yun, akala mo parang artista lang sa dami ng damit niya na hindi nagagamit. Iniisip ko tuloy minsan, kung talaga bang wala siyang pera, kasi ang dami talaga eh.
Tinitigan ko ulit ang damit ko, (pakitignan na lang sa may right side, thanks^__^) oh diba? Kahit nga etong color pink na sling bag at white sandals, pinagtataka ko kung san niya nakuha ang mga yun. Hayyy....
Hay naku, wag na nga muna yun ang isipin ko, ang dapat kong isipin ngayon eh kung ano nga bang itsura nung anak ni Sir Crawford. Ang sabi naman sa kin ni Ines, gwapo raw talaga. Eh di na naman talaga nakakapagtaka yun, si Maam Maegan nga ang ganda, pati na rin si Sir Crawford at kahit ang asawa niya, kaya malamang asa pamilya na nila yun.
Sana lang talaga, hindi ako pahirapan nun. Pero kung matino naman yun, di naman siguro kakailanganin ng tulong ni Sir Crawford diba? Hayyyyyy....
"Miss andito na po tayo" napatingin ako bigla sa driver. Napatingin ako sa restaurant na pagkikitaan namin. WOW! Ang ganda naman! Ganito ba talaga, kapag may pera ka?? Para lang talaga siyang pangmayaman.
Classic in a modern way ang tipo ng resto na to. Para siyang bahay lang, na napapaligiran ng maraming ilaw at mga halaman sa gilid. May mga roses sa mga gilid nito na color white, na katabi ng mga ilaw, kaya litaw ang kagandahan nito.
"Ah Miss? Bayad niyo po"
Napatingin bigla ulit ako kay Manong "ah opo..... eto po oh? Pasensya na Manong"
Pagkababa ko sa taxi, hindi ko pa rin matanggal ang tingin ko sa magandang resto na nakikita ko sa harapan ko.
Tumingin tingin ako sa paligid at puro Porsche, BMW, Ferrari, at kung ano ano pang mga kotseng nakapark sa labas nito. Ibang klase talaga, mayayaman nga talaga ang mga andito.
Tinignan ko ulit ang damit ko at inayos ng kunti, pati na rin ang sling bag na pinahiram lamang sa kin ni Ines.
"Ready Eymie? Okay! Ready!" muka lang akong tanga dahil nagsasalita akong mag-isa. Hayyyy, bahala na nga.
Pagkarating ko sa may parang maliit na desk na may nakatayong magandang babae sa gilid "Good evening Ma'am! How may I help you?"
Ang ganda naman ng niya, pati mga ngipin niya pantay pantay, at ang puputi pa ah?! Pero baka jacket lang yan, tama, jacket lang yan.
"Ah Ma'am?"
"Ha??"
"Ah Ma'am, may maitutulong po ba ko?"
Grabe, nakakahiya naman. Eh kasi ang ganda niya eh "Ahh, hehe.. Uhmm, may kikitain po kasi ako dito eh."
"May reservations po kayo Ma'am? What name po?" tinignan niya yung iPad.
Wow, sosyal, Ipad na pala ngayon, ang alam ko nun, parang booklet lang nun eh. Iba na talaga ngayon.
"Uhmm, Mr. Roland Crawford Miss"
Tinitignan pa rin niya yung iPad, tsaka tumingin sa kin at ngumiti, "right this way Ma'am!"
Pagpasok na pagpasok pa lang namin, nakita ko na karamihan nang mga asa table nila ay naka-formal attire. Buti na lang pala, at makulit si Ines, kundi, magmumuka akong pulubi talaga.
"Ma'am" ginesture (gesture) niya yung kaliwang kamay niya na parang sinasabi na mauna akong pumasok, parang ganun, basta ganun.
"WOW! May private room sila dito??" ang ganda ng loob. Para ka lang asa future, ibang klase talaga ang ginawa nilang design sa resto na to.
"Mr. Crawford will be here soon Ma'am. If you need anything, you can just press the white button at the right side of the seats Ma'am" hindi ko pa rin siya tinignan dahil gandang ganda ako sa kwarto, kaya nag-nod na lamang ako.
Ang ganda ng combination lang ng color, may pagka-light blue na may halong white ang buong paligid, basta para futuristic talaga ang design. Hirap kasing i-describe din eh, basta ganun na rin yun.
Makaupo na nga lang, hayyy, kung di lang sa hiya ko kay Sir Crawford, di ko talaga gagawin to. Kaso kasi ang dami na rin kasi niyang binigay sa min ng kapatid ko eh. Nakakahiya na rin naman kasi eh, pero buti nga eto lang ang hiniling niya. Sana lang tama ang naging desisyon ko.
TInignan ko ang relo ko, masyado akong maaga na dumating, pero buti na lang at reservations pala ang resto na to.
Ano ba yan? May CR kaya sila dito sa loob? Tumayo ako at tinignan ko, kaso wala eh. Sayang, mas lalo pa sana akong hahanga kung may CR rin sila dito sa loob ng private room nila, o VIP kung tawagin.
Makalabas na nga lang. Tumayo na ko at iniwan na muna ang bag ko. Wala naman sigurong kukuha nito diba? At tsaka wala rin naman silang makukuha eh, hehe...
Pagkalabas ko ng room, eh hinanap muna ng mata ko kung saan ang CR nila. Ayun!! Aakyat lang naman pala ako eh.
Mas mabilis sana akong maglakad kung di lang dahil sa suot kong wedg-- ano na nga ba ulit ang tawag dito?? Hayyy ewan! Basta may takong, period! Pero buti na lang talaga, kelangan kong ikwento talaga to kay Ines, dahil hindi ako tatantanan nun, panigurado na yan.
Hay salamat nakarating rin. Pagbukas ko ng pinto "AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

BINABASA MO ANG
Baby Sitting The Jerk
RomanceKaya mo bang gawin ang lahat para sa pamilya mo? Kahit ang kapalit nito ay ang pagiging alila sa isang taong ubod ng sama ng ugali?? Matagalan mo kaya??? Para kay Eymie, isang malaking "OO"!! Para lang mapagamot niya ang kanyang kapatid, gagawin niy...