Tinignan ko ulit ang address sa cellphone ko, tsaka ko tinignan ang pangalan ng condo, andito na nga ako talaga. Tinawagan rin ako kagabi ni Sir Crawford, at ang sabi niya, pumunta na lang raw ako ng mga 9am sa condo ng anak niya. Mas maganda raw kasi na hindi kami magkita ng bago kong amo, pero pakiramdam ko, ayaw lang akong makita ng damuhong anak niya.
Grabe, ganito pala kagara ang isang condo noh? Lalo na kung talagang may pera ka. Lobby pa lang, halata mong puro mayayaman na talaga ang mga nakatira dito. Malawak siyang lobby na puti ang kulay ng mga dingding at kahit ang sahig at ceiling nito ay puti rin ang kulay, kaya muka tuloy siyang napakalinis, yung tipong bawal madumihan. Sa gitna naman nito ay may parang maliit na fountain na pinapaligiran ng 2 malalaking banga, na may mga laman na halaman with tulips na white rin.
Ibang klase akala mo isang 5 star hotel ang pinapasukan ko eh.
"Miss, how can I help you?" napahawak bigla ako sa dibdib ko. Hindi ko napansin si Kuya.
"Uhmm, Kuya, ako po yung bagong ..."
"Ah, ikaw yung sinasabi ni Sir Crawford, Baby Sitter diba?" nahiya naman ako bigla. Kelangan ba talagang sabihin ni Sir Crawford yun?
"Hehe, oo Kuya, ako nga"
Binigay naman kaagad sa akin ni Kuya yung Key Card, sosyal talaga, akala ko pa naman eh susi lang. Pero bago pa man din ako maka-alis "goodluck sayo" na may kasamang ngiti. Nagtaka naman ako, ano yun? Weird!
Pagkapasok ko sa unit niya ay mas lalo akong namangha, napaka-ganda talaga. Well duh Eymie, kaya nga tinawag na Penthouse eh. Iba pala talaga kapag nakita mo na, kesa internet na maganda rin naman, kaso iba pa rin kapag nakita na ng dalawang mata mo.
May apat na kwarto to, malalaki rin naman, pero mas malaki ang kwartong to, siguro kay damuho kong amo to. Infairness naman sa kanya ha, malinis ang kwarto nya. Hindi ako mahihirapan kung ganun na maglinis, mukang OC ata sya eh, sana lang dinamay na rin pati ugali.
"Eh teka, ano nang gagawin ko??" umupo na lang muna ako sa sofa, at nag-isip.
Ang linis linis na naman kasi ng condo nya eh. Hindi ko rin naman alam kung saan ang kwarto ko. Kahit man lang note walang iniwan ang impaktong yun.
Tinignan ko ang orasan, "10:00 pa lang naman" hindi naman siguro sya uuwi kaagad diba? Matutulog na lang muna ako. HIndi ako nakatulog kagabi dahil na rin sa kakaisip.
+++++++++++++++++++++++++++++++
Author's Note: Pasensya na sa mga readers ko, at sa ptuloy na nag-a-add pa ring ng story ko sa library nila, SALAMAT PO! pasensya na, at yan na muna ang napublish ko, alam ko alang kwenta, kasi ilang months rin, i think years na, i dunno.. kaya mejo naninibago ulit ako sa pagsusulat. Kaya pagpasensyahan niyo na po muna.. the next chapter, promise, mas maganda na hehe... hopefully!

BINABASA MO ANG
Baby Sitting The Jerk
RomansaKaya mo bang gawin ang lahat para sa pamilya mo? Kahit ang kapalit nito ay ang pagiging alila sa isang taong ubod ng sama ng ugali?? Matagalan mo kaya??? Para kay Eymie, isang malaking "OO"!! Para lang mapagamot niya ang kanyang kapatid, gagawin niy...