EYMIE'S P.O.V
"Ano ka ba Ems!! Hindi ka man lang marunong kumatok!!" yan ang sagot sa kin ni Ines, after kong i-kwento sa kanya ang nangyari kagabi sa resto.
"Kumatok?? Nes okay ka lang?? Ba't naman ako kakatok sa CR aber??" may nalanghap ata itong bawal na gamot eh, hindi na alam isinasagot sa kin.
"Eh tignan mo ang nangyari?! Nakita mong nakikipag-tsug-tsugan ang Papa Nathan ko sa isang gurllll!!" naku, sarap talagang batukan tong babaeng to, imbes na kumampi sa kin, dun pa sa bwisit na lalaki pa yun kumampi.
"Ha?? Anong Papa Nathan ka diyan?? Pwede ba Nes, paganahin mo naman yang utak mo, hello??? CR yun, CRRRR!! Hindi kelangang kumatok noh?! Isa pa, pambabae na CR yun, ba't siya andun?? Sige nga!!" bruhildang babae talaga to.
"Ehhhhhh, kahit naaa!!" may sira na talaga ang kabilang utak nito, ay hindi pala kabilang utak, buong utak niya may sira na.
"Ewan ko sayo! Ang gulo mong kausap!!"
"Basta pagdating sa Papa Nathan ko, kahit mali, go pa rin ako sa pagtatanggol sa kanya"
"May sira na talaga ang utak mo" mahina kong sabi.
"Sooooo, ano na?? Kelan tayo titira sa condo ni Papa Nathan??" napatingin ako bigla sa kanya.
"Tayo??"
"Oo!! Tayo!!" jusko po, bigyan niyo pa po ako nang konting pasensya sa taong to. Baka makalimot ako na kaibigan ko pala siya.
"Ako lang Nes!! Ako lang!! Okay??" napabuntong hininga na lang ako, wala na kong masabi.
"Eh, syempre kasama na rin ako dun, kasi BFF tayo diba??"
"Alam mo Ines, isa pang banat mo, talagang mababato ko na sayo tong hawak hawak kong cellphone!" naranasan niyo na bang makipagusap sa isang close minded na tao?? Na kahit na anong paliwanang mo, o sabihin mo, ay hindi pa rin nakakarating sa utak niya?? Ganun, ang pakiramdam ko ngayon, ang sarap ibato lahat ng gamit dito sa bahay sa kanya kung di ko lang kaibigan to eh.
"Toh naman oh?! Parang nagbibiro lang naman ako eh"
"Nagbibiro?? Sigurado ka??" binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa cellphone ko. Kanina ko pa kasi inaantay ang text sa kin ni Sir Crawford eh. I-te-text na lang raw niya kasi sa kin yung address ng condo ng mayabang na yun, at kung kelan na ko pwedeng lumipat.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na dun ako titra sa condo nang yabang na yun. Ang buong akala ko lang, eh araw araw akong uuwi rin, pero mas gusto kasi talaga ni Sir na mabantayan ko ng mabuti ang anak niya. Wala rin namang problema iyon sa kapatid ko, dahil kay Ines na muna siya titra. Buti na lang at may kaibigan pa kong kagaya ni Ines, kahit na nakakabwisit rin kasama minsan.
"Oo naman, toh naman oh?! Gusto lang naman kitang i-cheer up eh"
Napataas ang kilay ko sa pagtingin ko sa kanya "i-cheer up ah?! Sigurado ka??"
Nakitang kong nirolyo niya ang kanyang mga mata "ay ewan ko sayo!!"
Napangiti naman ako dito, "Nes, salamat ah?!"
"Hmmm, yan na naman tayo!! Kanina ko pang umaga naririnig yang kakapasalamat mo, nakakarindi na!!" ngiting sabi niya.
"Eh syempre, nakakahiya na rin naman sayo, ang dami mo nang naitulong, tapos eto pa, yung sa kapatid ko pa" malaki talaga ang utang na loob ko sa taong to, kulang pa ang ilang pasalamat para maipakita ko sa kanya at maipadama na sobarang swerte ko at sobrang pasasalamat ko sa kanyang mga tulong sa akin.
"Sus, wala yun!! O sige na!! Bumalik ka na sa pagkatunganga mo diyan sa cellphone mo!"
Napatawa na lang ako ng kaunti, at binalik ko nga ang tingin ko sa cellphone ko. Kanina ko pa kasing umaga inaantay ang text ni Sir eh. Sa totoo lang kinakabahan ako, sa pinakita nung kumag na yun kagabi, halatang mahihirapan ako sa pag-aalaga talaga sa kanya.
Nung una hindi ko maintindihan kung bakit siya pinababantayan ni Sir Crawford, pero dahil na rin sa maraming alam tong si Ines, ay nalaman ko pa lang, madalas siyang laman ng mga magazines. Kung hindi pambababae ang inaatupag niya, ay kung ano anong gulo ang sangkot niya.
Akala ko nga sa mga serye ko lang makikita yung mga ganung tipo na storya, hindi pala, kahit pala sa totoong buhay, ay nangyayari rin. Nung last week lang ata yun, nasabi sa kin ni Ines, naibalita na nakipagsuntukan raw siya sa isang investors ata nila, at alam niyo ba kung tungkol saan?? Tungkol lang naman sa babae!! Grabe diba? Ang babaw lang!!
Nagulat na lamang ako nang biglang tumunog yung cellphone ko. Agad agad kong binuksan at binasa ito [Good afternoon Eymie, pasensya ka na kung ngayong lang ako nakapagtext hija. Katatapos ko lang kausapin si Nathan. Eto nga pala ang address niya, Unit 12 Sunrise Terace, 100 Perea St., Legaspi Vill. 1229. Pwede ka nang magsimula sa monday hija, salamat ulit hija]
Monday?? Teka, eh bukas na yun eh!!!!

BINABASA MO ANG
Baby Sitting The Jerk
RomantikKaya mo bang gawin ang lahat para sa pamilya mo? Kahit ang kapalit nito ay ang pagiging alila sa isang taong ubod ng sama ng ugali?? Matagalan mo kaya??? Para kay Eymie, isang malaking "OO"!! Para lang mapagamot niya ang kanyang kapatid, gagawin niy...