Chapter 6-B: The kiss thief...

2K 27 1
                                    

Chapter 6-B: The Stolen Kiss

The Kiss Thief...

**H's POV**

"Anong nangyari kay J?" tanong sa akin ni K.

"Malay ko."

Teka nga kasi. Ano bang sumapi kay J at yung good mood niya kahapon eh agad na napalitan nang kunin niya yung phone niya?

Nakatingin lang sa kung saan.
Kunot ang noo.
Nanlilisik yung mga mata.
Parang may kaaway.

Parang galit na galit.

"J, are you OK?" tanong ko.

Pero instead na sumagot eh lalo pang kumunot yung noo.
Parang gusto niyang magwala pero hindi niya mailabas!

Nagulat ako nang bigla na lang siyang nagsalita.
"Gagong yun! Kapag nakita ko siya, I'll kill him! He dared to steal such a precious thing? Haish!" gigil na gigil na wika ni J.

Ha? Steal? So nanakawan siya?

Eh bakit hindi niya sinabi sa amin nang hindi siya nagmamaktol nang ganyan.

Teka nga, at ano ba yang precious thing na nanakaw at parang over-over naman yata ang galit niya?

Yung phone niya? Eh she has 4 phones noh! So hindi phone. Eh ano? Alahas eh hindi naman kami nagdadala o nagsusuot ng alahas sa pagpunta namin sa school.

Ano nga ba?

"Ano namang nanakaw sayo?" sabay naming natanong ni K.

Pero bago pa man makasagot si J eh dumating na si Mr. Park.

*******

**J's POV**

Alam kong nasa harap na ang guro namin pero wala talaga ako sa mood.

Basta nanggigigil ako. Nakakainis! Gusto ko talagang magwala!

Kung alam niyo lang kung gaano ka-romantic ang gusto kong way na pagkakuha ng first kiss ko.

I wished to have it with my first everything!

My first love.

My first boyfriend.

My first dance.

First na kaholding-hands ko.

The first guy to have my head leaned on his shoulder.

The guy who...

"J!"


Nako 'tong si K istorbo! Ang senti na ng ineexplain ko sa inyo eh.

"Look at the guys. They are so adorably cute!" sabi ni K.

I ignored her.Wala muna ako sa mood sa mga ganyan noh.

"Oh my God! Kaklase natin sila? Seryoso?" narinig kong sabi ni Anna, classmate namin na halos mamatay na sa sobrang kilig.

"Nananaginip ba ako? Artista? Classmate natin? At hindi lang isa kundi tatlo!" sabi naman ng isa pa.

Artista?

Ang totoo niyan wala akong kilalang artista na bago dito sa Philippines. Sina Angel Locsin, Anne Curtis, Jericho, Bea, John Loyd, Piolo. mga ganyan lang.

Pero sa mga newbies? Wala eh.

Sa Kpop kasi ako nakafocus. Kaming tatlo nila K at H.

Pero artistang classmate namin? Parang nagkainteres naman ako.

Matingnan nga.

( o )  (oo)  ( o )

OMO!
Pati butas ng ilong ko gustong makishare sa scene!
Ampopogi nga! Haha!

Pero...

Teka nga. Itong nasa gitna eh familiar. Parang nakita ko na siya somewhere.

Sa TV?? Hindi.

Feeling ko importanteng makilala ko siya eh.

Kinikilala ko lang siya hanggang sa hindi ko namalayan eh tumayo na pala ako.

Basta ang nasa isip ko, familiar siya. At hindi ko na naman namalayan, nasa harap na pala ako at nakalapit na sa kanya.

Inikot ko siya na parang isang imbestigador.

Takang-taka ang classmates namin pero dedma lang ako. Super focus ako sa pagkilala sa guy.

Hindi ako nakuntento at inilapit ko ang muka ko sa kanya. Napaatras pa siya sa pagkagulat.

*amoy amoy*

Ang amoy niya. Familiar din.

Ang ilong niya, matangos.

Mga mata niya, super dark at makinang. Magaganda.

Hanggang sa ewan ba at napatingin ako sa mga labi niya. Pinkish at manipis. Parang anlalambot.

Wait. Ano sabi ko? Anlalambot? Malambot na lips?

"IKAW?" sabay naming nasigaw.

Aba at nakikilala mo pa pala ako ha.

"Gago ka! Humanda ka sa akin ngayon! Bakit mo..." hindi ko na maituloy ang gusto kong sabihin nang maagap niyang tinakpan ang bunganga ko gamit ang kamay niya.

"hjfhjkdangkejrtjrlgjm,sjgtwj jowrtgjks"

Ahmmmm.. What I am trying to say naman eh let go of me. Pero hindi maintindihan kasi natakpan nga ang bunganga ko.

Kung ayaw mong tanggalin, ako ang bahala.

Kinagat ko ang kamay ng lalaki. Napasigaw siya sa sakit.
Serves him right!
Nang matanggal na ang kamay niya, agad akong rumatsada.

"How dare you?" sigaw ko. "Tama ako di ba? Ikaw yung..."

"Joanne!!!!!" bulyaw ni Mr. Park sa akin. "What do you think are you doing?"

Tila nafreeze ang lahat. First time naming makita si Sir na sobrang galit.
Wala akong nasabi. Napairap lang ako sa guy.

Bwisit! Yung guy na plinano kang patayin,,,, artista?

Hindi ko siya kayang saktan within the campus kasi mashow-showbiz!
Pero teka nga. Artista?

Meaning artista ang first kiss ko? Uhmmmmm....

The Princesses and Showbiz Princes (ON WORK. Not UPDATED FOR 2 YEARS)Where stories live. Discover now